Chapter Two.

51 6 0
                                    


Tatanggi pa sana ako nang biglang nagsidatingan ang iba naming kaibigan kasama si Cathy galing dancefloor.

"Oh! Diana ikaw pala,"si Cathy.

"Yeah. Happy birthday Cath!"Diana greeted. Nagbeso-beso silang dalawa.

"Thank you!" Cathy said.

"Hoy Stephanie napaka-kj mo talaga kahit kailan no,"si Nicole sa'kin.

"Oo nga."pagsang-ayon naman ni Jannah.

Hindi ko sila pinansin at kinuha ko ang isang shot ng vodka at ininom.

"Ano pala ang pinag-uusapan niyo ni Steph? Napansin ko kasi na kanina pa kayo magka-usap."si Cathy kay Diana.

"We're just talking about something incredible, diba Stephanie?"ani Diana sabay tingin sa'kin. Pati sila Cathy ay napabaling narin sa'kin.

"I-share niyo naman kung ano yung something incredible na 'yon,"Ria said.

"Napag-usapan lang namin yung pagsayaw niya nung nakaraan,"si Diana na ang sumagot. "Diba Cath sinabi mo na Stephanie is good at dancing?"

"Yes, it's true. She's really good at dancing."saad ni Cathy.

Talaga ngang sinabi ni Cathy iyon. Nakakahiya na talaga.

"Yeah, natatandaan ko 'yon, the way she dance, talagang maaakit ka. My goodness Steph! You're dancing like a pro! You're dancing too hot and wild, grabe ang daming boys ang nalaglag ang panga dahil sa sayaw mo, grabe girl ikaw na talaga!"si Nicole.

"I'm convincing her nga eh to do it again, but she wont,"Diana said.

Dahil sa sinabing 'yon ni Diana ay kinulit at pinilit na nila akong gawin ang bagay na ayaw ko ng maulit pa dahil nakakahiya. Paano ko naman gagawin yon? Lasing lang ako non kaya ko nagawa ang bagay na 'yon.

"Come on Steph, please!"Cathy pleaded.

"But I'm just drunk that time, kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil lasing ako, ang nakita niyo sa akin ay gawa lang ng kalasingan."ani ko.

"Hindi iyan problema, edi uminom ka,"Jannah said.

Tatanggi pa sana ako pero hindi ko nagawa dahil hindi talaga nila ako tinantanan hanggang sa dumating na sa punto ang ayaw kong mangyari. Pina-inom nila ako hanggang sa malasing ako.

Sa ngayon ay hilong-hilo na ako, umiikot na rin ang paningin ko hanggang sa unti-unti na akong tumayo sa kinauupuan ko at magsimulang lumakad papuntang dancefloor.

"Hoooooo! Lets go party girls!"I screamed. Dumating nga sa puntong wala na akong control sa sarili ko, I can't control myself anymore. Nagsisunod naman sa akin sila Cathy, they are all drunk too.

Pumunta ako sa gitnang bahagi ng dancefloor, nakisiksik ako sa mga taong nagsasayawan roon. Sinabayan ko ang beat ng tugtog saka nagsimulang sumayaw. Umindak ako at gumiling. I dance in a sexy way. Ang mga tao roon ay nagsimulang mag-ingay, they are all cheering me.

"Go Steph!"Diana cheered.

"Make them drool Steph!"si Cathy.

"Kaibigan namin 'yan!"sabay-sabay na sabi ng iba naming kaibigan.

Ang mga kaibigan ko ay nagsimula naring mawala sa huwisyo. We're all dancing like a crazy.

Dahil sa pagkawili ko sa pagsasayaw, hindi ko na namalayan na napahiwalay na ako sa mga kasama ko, napunta ako sa pinakadulong bahagi ng dancefloor kung saan ay medyo madilim at kakaunti na lang ang taong naroon.

Sobrang nahihilo na talaga ako pero patuloy parin ako sa pag-indak, hanggang sa bumungo ako sa isang tao roon, hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang, dala ng kalasingan ko ay humarap ako sa kanya at sinayawan ko narin ang taong iyon.

Dahil sa pagkahilo, na out of balance ako, buti na lang nasalo ako ng isang lalaking sumulpot na lang bigla sa harapan ko. Nginitian ko siya pero hindi ko masyadong makita nang maayos ang mukha niya dahil umiikot na ang paningin ko at hilong-hilo na ako, hindi ko na masyadong narinig ang sinabi niyang kung ano dahil nawalan na ako nang malay. May sinabi siyang kung ano bago tuluyang dumilim ang paligid.

From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now