Panimula

9.4K 130 0
                                    

'Ellieoth Del Falco'
Angelecca White Del Falco.

My Possessive Husband. Season 2

_________

"Bakit ganito sa tuwing nag mamahal tayo , may kalakip na sakit. Sa tuwing masaya tayo , may kalakip na kalungkutan . Hindi naba ako pwedeng maging masaya, bakit ganito kalupit ang kapalaran ko pag dating sa pag-ibig lagi akong bigo.

Bakit nagawa mo akong kalimutan mahal ko' bakit kailangan mawala ang pag mamahal mo sa akin."

Impit na umiiyak si Ecca , dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

Ang lalaking mahal niya ay may ibang babaeng kasama.

Naririto siya sa isang club kung saan nag pupunta si Ellieoth ang kaniyang asawa.

Nakita niya itong nakikipa halikan sa ibang babae. Labis siyang nasasaktan ngayon sa kaniyang nasaksihan.

Pero naisip niya sa kabilang ng lahat ay nag papasalamat siya sa kaniya parin ito umuuwi iyon nga lang ay hiwalay sila ng kwartong tinutulugan.

Nag simula lang ito ng maoperehan si Ellieoth sa Amerika dahil sa dugong namuo sa utak nito.

Nakuha niya ito no'ng matapos siyang ma-aksedente sa isang car accident no'n.

"Flashback"

He needs surgery' As soon as possible. Bigkas ng isang doctor.

Napayuko si Angelecca, at tumitig sa mata ng asawa. Naroon ang pag tutol sa mata ni Ellieoth. Alam miya na kasi ang mangyayari, nasabi na ito ng doctor.

Sa oras na ma-operahan siya may posibilidad na makalimot siya. Ayaw niya mangyari iyon ' ayaw niyang makalimutan ang asawa niya, ayaw niyang makalimutan si Angelecca.

You need surgery Mr Del Falco , dahil kung hindi ay maari itong mag dulot ng sakit at maaari itong maging isang tumor sa utak mo. Baka ikamatay mo ito kung hindi ito matatanggal sa utak mo. Litaniya ng doctor.

No! hindi pwedeng makalimutan ko ang asawa ko. Anas nito.

Please sweetie pumayag kana, lalo na ayoko mawala ka sa akin. Ikamamatay ko kapag nangyari iyon. Mawala man ang alaala mo hindi naman ako makakalimutan ng puso mo. Turan nito sa asawa.

Hindi kita iiwan kahit anong mangyari, patuloy kita mamahalin kahit mawala ang alaala mo.

Kalaunan ay pumayag ang lalaki , ngunit labag ito sa loob niya.

Paano nalang kung hindi siya makaalala, sa pangalawang pag kakataon ay masasaktan niya muli si Angelecca , ang babaeng mahal na mahal niya.

"End of the flashback"

"Happy weeding Anniversary sweetie."

Bigkas niya at tuluyan ng nilisan ang club na iyon.

"Kahit anong mangyari Ellieoth, naririto parin ako, kahit masakit kakayanin ko mamahalin parin kita.
Kaya ko mag paka-marter para sayo, alam ko sa puso mo mahal mo ako.
Hihintayin ko ang pag babalik mo Sweetie kahit gaano katagal mag hihintay ako."

Anas ng babae sa kanyang isipan.

Tuloy-tuloy ang pag agos ng luha mula sa mga mata ni Angelecca.

Tumuloy si Angelecca sa isang exclusive bar at doon binuhos ang sama ng loob.

Tinawagan niya rin ang kaibigan niyang si Gray upang may makasama siya sa kanyang kabiguan.

"Aba! kailangan ka pa natutong uminom ng alak Angelecca." Bungad sa kanya ni Gray kakarating lang nito.

"Ano ka ba ngayon lang ito Gray. Hayaan mo na ako wala akong mapag labasan ng loob kaya ibubuhos ko nalang sa pag inom ng alak na ito."

Iritang wika ni Angelecca at sabay inom ng whisky sa goblet na hawak nito.

"Ano pa nga ba magagawa ko hindi ka naman mapipigilan kahit sabihin ko na huwag kang iinom ng alak. Ay iinom ka parin, may katigasan din yang ulo mo." Anang ni Gray at sumimsim din ng alak sa goblet na hawak-hawak nito.

"Wedding Anniversary namin ngayon. Gusto ko mag celebrate kaming dalawa ngayon pero wala siya. Naroon siya sa kandungan ng ibang babae! Pero ginusto ko ito mag titiis ako. Kahit nakalimutan niya ako handa ako mag hintay kahit gaano katagal. Ang importante lang naman sa aking ngayon ay nasa maayos siya."

Umiiyak na saad ni Angelecca at muling sumimsim ng alak.

"Martir lang? Hindi ibig sabihin na may amnesia siya ay pwede na siyang mang babae. Alam niyang kasal kayong dalawa at asawa ka niya. Sadyang malandi talaga iyang asawa mo!"

Galit na turan ni Gray.

Nang malasing si Angelecca ay si Gray ang nag hatid rito. Nasa labas sila gate ng mansion ng salubungin sila ni Edward.

"Maraming salamat sir Gray sa pag hatid kay ma'am Angelecca." Turan ni Edward at siya na ang nag pasok kay Angelecca sa loob ng mansion.

Si Mia ang nag asekaso kay Angelecca sa kuwarto nito. Binihisan niya si Angelecca dahil sumuka pa ito ng makapasok sila ng kuwarto.

Nang masiguro ni Mia na tulog na si Angelecca ay iniwan niya na ito.

Nag mulat ng mata si Angelecca at naupo sa kama.

Kinuha niya sa ibabaw ng bed side table ang picture frame kung saan nakalagay ang larawan nilang dalawa ni Ellieoth. Noong kasal nilang dalawa. Masayang-masaya silang pareho sa larawan.

Pero ngayon kinakain na kalungkutan si Angelecca.

Mag-isa siya ngayon natutulog sa isang kuwarto. Sa halip na si Ellieoth ang kanyang kayakap, ngayon ay isang unan nalamang.

Labis siyang nangungulila sa asawa.

Miss na miss niya na ito. Ang masusuyong halik ng lalaki. Ang mainit na haplos ni Ellieoth na ngayon ay hindi niya maramdaman.

Kailan niya kaya muli matitikman ang mapusok na mga halik ni Ellieoth. Yung mahigpit na yakap ng mga bisig ni Ellieoth sa tuwing nilalamig siya, at nag kaka-sakit.

Kailan kaya niya muli mararamdaman ang init ng pag mamahal ni Ellieoth.

Babalik pa kaya ang dating Ellieoth na minahal niya?

Niyakap ni Angelecca ang picture frame. Habang lumalandas ang kanyang luha.

"Bumalik kana sweetie miss na miss na kita! Mag kasama nga tayo sa iisang bubong pero ang layo mo naman sa akin. Pakiramdam ko para akong isang hangin na hindi mo nakikita at napapansin. Pero alam ko namang nararamdaman mo naman ako pero binabaliwala mo ako."

Tiningnan niya ang oras sa kanya cellphone alas dose na ng hating gabi pero alam niyang wala pa si Ellieoth.

Hindi pa niya naririnig ang ugong ng makina ng kotse nito.

Siguro ay masayang-masaya pa ito sa kandungan ng ibang babae.

Ipinikit niya nalang ang kanyang mga mata habang yakap-yakap ang kanilang larawan ni Ellieoth.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Where stories live. Discover now