Fate 38

552 19 0
                                    

Chapter 38


I watch him as he tie my shoe lace. Para lamang akong bata na nakaupo habang pinapanood siya na ayusin iyon. Umangat ang ulo niya para sulyapan ako.

We smiled at each other widely.

He reach for my hand as I stood up from sitting on the road's pavement.

"Required bang magka-holding hands habang nag j-jogging?" Tanong ko at lalo pang lumawak ang ngiti sa mga labi ko.

"Ahuh," Maikling tugon niya at tumango.

I felt his hand tighten its hold on mine.

"Baka makawala ka pa," Makahulugang sabi niya na ikinatawa ko.

We continued our run through the village's area. This became our hobby since my sem break from Law School. Maaga kaming gigising para makapag-jogging. He's encouraging me to be fit when I already am. Ang ganda na kaya ng katawan ko!

Pinapahirapan niya lang talaga ako minsan sa layo ng tinatakbo namin.

I'm starting to love it tho. It kind of help me balance my emotions. Totoo na nakakatulong ang pag-exercise sa mental health. Sinasama niya ako minsan kapag nag w-workout siya sa gym sa penthouse niya kapag wala akong klase. He's teaching me how to weight lift. Pero kadalasan ay pinapanood ko lang talaga siya magbuhat. God, the way his muscle flex every time he lift. That's a holy view.

Ramdam ko na halos pinapaliguan na ako ng pawis nung naglalakad na kami pabalik sa gate ng mansion. He finally let go of my hand the moment we step in. Nilingon ko siya, halos ilang butil lang ng pawis ang nasa noo niya. So unfair! Palibhasa sanay siya sa ganito habang ako'y baguhan pa lamang.

Dumaretso ako sa kwarto ko para makaligo na. I still three classes for today. Panibagong semester, panibagong pahirapan. Yet thinking how close I am to getting the degree, it pushes me more. Isang year na lamang.

I looked at my reflection. I am wearing a sleeveless white dress. Umabot sa ibabaw ng tuhod ang haba nito at hapit na hapit sa katawan ko. I just grabbed a denim crop jacket to cover up. Kinuha ko na rin ang tote bag ko na may lamang laptop at libro na kakailanganin ko sa araw na ito.

Pababa pa lamang ako ng hagdanan ay nakaabang na si Chris sa huling baitang. Wearing his usual get-up as my bodyguard. White polo and a dark denim jeans today. Kinuha niya sa akin ang tote bag at denim jacket na nasa mga kamay ko.

"I'll put this on the car. Go, eat your breakfast." Sambit niya.

I nod and smiled at him before walking towards the dining room. Rinig ko ang kwentuhan nila nung makalapit ako sa pinto. Tinahak ko ang kabisera para humalik sa pisngi ni Dad bago si Mom. Hinuli ko ang mga kapatid kong pangit.

"Good morning, big bros." Ani ko at umupo sa tabi ni Mom dahil magkatabi ang kambal sa kanan ni Dad.

"You didn't use your Las Vegas vacation that's on me. 'Di ka umalis nung sem break mo?" Tanong agad ni Kuya Scott. Siguro napansin niya na hindi nabawasan ang laman ng card na binigay niya sa akin.

Umiling ako. Since my friends are quite busy with their work, I decided to not go out of the country this time. Lagi ko kasi iyong ginagawa. Dahil siguro masaya ako sa mga pinaggagawa namin ni Chris. Aside from working out, we went to learn archery together. We went golfing too. And had a one-week staycation on a beach in Palawan. I spent my whole semestral break with him.

Siguro alam iyon ni Kuya Ryler habang minamata ako na may mapang-asar na ngisi sa labi. Does he really work? Parang si Kuya Scott ang sobrang busy palagi dahil laging lumalabas ng bansa para sa business conference eh. Kaya siguro hindi nito alam na kasama ko lang si Chris sa buong bakasyon ko.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon