Fate 31

555 23 7
                                    

Happy 1k reads! Finally haha. 9 chapters to go, aesthetics.


Chapter 31


"Ikaw may bigay nito?"

Alice with an angry face came to my desk. Hawak niya ang libro na pinabigay ko dun sa lalaking napadaan sa room namin. She got it. Thank God.

I arch one of my eyebrows, preparing myself to lie that I didn't bought the book for her. Isasauli niya lang iyon sa akin. Kailangan na kailangan pa naman namin sa isang subject. Nandun galing mga quiz na binigay sa amin last week. Panigurado na kukunin muli ng prof na iyon ang quiz sa librong iyon.

"No. Why would I?" I acted with disgust on my face.

Ewan ko ba kung bakit irita siya sa akin. Naala ko tuloy si Julia. Except for the fact that she's not a nonsense bitch like Julia. May sense ito kadebate sa klase. Nagpaparinig lang siya sa pagkadisgusto sa pagiging mayaman ko pero hindi naman umaabot sa nanlalait talaga siya ng pagkatao ko.

"Sinungaling ka," I bit my inner cheek to prevent myself from smiling.

Nagulat naman ako nung umupo siya sa tabi ko. There's a vacant chair on my left. I tilted my head so I can face her still.

"Salamat," My forehead creased into confusion as I heard her say the word. Tama ba ang narinig ko?

Her expression became calm. She even smiled at me!

"Akala ko kasi katulad ka ng mga nam-bully sa akin," She suddenly said. Akala ko kasi tapos na siya sa pakikipag-usap sa akin.

"Porket mayayaman, ang yayabang na. Kung makaapak ng pagkatao naming mahihirap, akala mo sila na pinakamataas na uri ng tao." Mahabang lintanya niya kaya naman napatawa ako ng bahagya. So that's why she hate me? 'Cause I'm rich?

And her reason of hating rich people? My old me could relate so much. Sadyang may masasamang tao lang na mayaman. Hindi ko nilalahat kasi sa mga nakikila kong kaibigan ni Ate Agatha at ang mga asawa nito, they are humble. They aren't bragging their riches and they are kind.

"I was wrong about you... sorry,"

Tuluyan ng sumilay ang ngiti ko.

"It's fine," Ani ko kaya lalong lumaki ang ngiti niya sa labi.

"You're kind of reminding me my old self," Sambit ko at hindi napigilan ang sarili. I want to tell it to her, not for sympathy. I just want to share too like how she shared that she was once maltreated by a rich person.

"Ha? Naging mahirap ka rin?" Natatawang sabi niya. Tumango ako kaya napatigil siya sa pagtawa. Akala niya nagbibiro ako.

"Talaga?"

"I used to live a simple life in a small town,"

Not until everything changes. I want to include.

"Anong nangyari?" Typical of her asking more.

"Long story," Maikling tugon ko. Nakuha naman niya na ayoko pag-usapan kaya naitikom nito ang bibig.

"Salamat talaga dito sa libro. Treat kita ng lunch pagsweldo ko ha?"

Simpleng tango ang sinagot ko sa kanya.

Dumating na ang professor namin kaya nag-focus muli kami sa lecture. Napapalingon ang ilang kaklase namin dahil magkatabi kami. They know us as enemies of the class. Laging salungat ang paninindigan sa isang argumento. Lalo pa silang nagulat nung parehas kami ng panig ni Alice sa isang diskusyon sa isang kaso. We support each others' take on the case that made them confuse more. Wala tuloy nag debate ng kabilang side sa takot na kami ang makakalaban na dalawa.

Defying FateWhere stories live. Discover now