Fate 09

618 19 1
                                    

Chapter 09


"May ilang nakakita raw sa inyo ni Architect sa tapat ng tindahan ni Desa,"

Napalunok agad ako sa seryoso ng boses ni Tatay. Pero ayoko siyang makahalata na kinakabahan ako sa sinabi niya. Patay malisya kong inabot ang baso ng tubig at uminom.

I totally forgot about being discreet. Marami pa namang tao sa bayan. We're too close earlier so the people started to talk nonsense about us which I forgot too. Alam kong makakarating iyon kay Tatay dahil halos kilala na siya ng mga taga duon bilang supplier ng mga gulay.

"Nagkasalubong lang po kami,"

I thank heavens that I didn't stammer by my lie.

"Hindi maganda ang mga naririnig ko na alam kong hindi mo naman gawain..." Sabi ni Tatay habang patuloy sa pagkain.

"Hindi na maganda na nakikita kang dikit ng dikit sa kanya, Adyleighn. Lalo na't binata si Architect. Maraming tsismosa pa naman sa bayan,"

I don't know why but I felt heavy when I heard those words coming from my father.

"Ito namang si Adolfo. Bakit at nagpapaapekto ka na sa chismis? Kilala natin ang anak natin kaya wala kang dapat ipag-alala," Mahabang lintanya ni Nanay. Nilingon ako ni Nanay bago hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

She's siding me and assuring me as she eyed me that made me more feel guilty about the situation.

"Sinasabi ko lamang ang totoo, Teresita. Mas matanda ng anim taon si Architect sa kanya, kahit saang anggulo tingnan ay..." Tumikhim si Tatay bago nagpatuloy sa sinasabi, "...hindi maganda."

Nakita ko kung paano unti-unting tumango si Nanay na para bang sumasang-ayon sa sinabi ni Tatay.

"Tsaka masyado silang mayaman. Dapat ang hinahangad mo 'nak ay yung kaestado mo lang," Pabirong komento ni Nanay.

Biterness filled in me as those word were brutally true.

"Hindi ba, Adolfo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nanay. Para itong nang aasar at nanghahamon sa Tatay ko.

"Tigilan mo nga ako, Tere." Naiiling na sabi ni Tatay.

"Inuungkat mo na naman ang nakaraan," Sabi pa ni Tatay na ikinatawa ni Nanay.

What are they talking about? I clearly don't know what the story behind this talk. Nakaraan?

Nagkagusto ba si Tatay sa isang mayaman? Iyon kasi ang pinababatid ni Nanay sa komento niya at sa pagtatanong kay Tatay. I never knew my parents' love story. They are not really vocal about it so I never asked.

"Nagkagusto ka po sa mayaman, 'Tay?" Hindi ko napigilang tanungin. My curious ass is kicking in. Nakita ko kung paano lalong tumawa si Nanay pero iba ang pinababatid ng mga mata niya.

"Oo, 'nak. Kaso uso sa mayayaman ang arrange marriage ba 'yun? Si Crizelda na unang kasintahan ng Tatay mo--"

"At tumigil nga kayong dalawa. Gabi na at maghanda na para matulog."

Naitikom naming parehas ni Nanay ang mga bibig namin sa talas ng boses ni Tatay.

"Hindi na mahalaga ang nakaraan kaya 'wag na pag-usapan pa," Sabi pa ni Tatay at tumayo na bago ako tiningnan.

"Pinapangaralan lang kita dahil ayaw kitang masaktan. Ang bata bata mo pa pati,"

Nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil duon.

Defying FateWhere stories live. Discover now