Fate 34

522 15 5
                                    

Chapter 34


"Stop, it tickles." Sambit ko at bahagyang humalaklak.

He always kiss my feet. I don't know why. Napansin ko iyon simula nung umuuwi akong lasing dati. Sa tuwing inaalis niya ang sapatos ko ay papatakan niya ng halik ang mga paa ko na para ba akong sinasamba. Sa loob ng pitong taon ay ginagawa niya iyon.

At first, I find it so weird. Hanggang sa nasanay na rin ako.

"Why do you always do that?" Tanong ko. Ngayon lang nagkalakas ng loob malaman kung bakit niya ginagawa iyon. Naibaba ko ang librong hawak.

We're at the mansion's library. Maagang natapos ang huli kong klase. Nag a-advance reading lang ako nung bigla siyang pumasok. He sat on the carpeted floor right beside me. Naupo siya duon imbis na sa space ng sofa na kinauupuan ko.

Marahan niyang hinaplos ang mga paa ko. Mula sa akin ay bumaba ang mga mata niya duon.

"I once saw them deeply wounded,"

My mouth parted a bit.

"When?" Tanong ko nung makabawi. Bumaba na rin ako mula sa sofa para tumabi sa kanya.

"On your way to..." Napatikhim at nagdalawang isip sa sasabihin. I nodded at him so he could continue.

"On your way to Mang Kaloy's house... you walked your way to the hospital and back to the Madrilejos' mansion," Naging mariin ang boses niya sa pagbanggit ng apelyido ni Sam. Tila pumait ang loob ko sa mga sinabi niya.

"You were bare feet the whole time and you didn't fucking realize," He sighed deeply. His eyes never leave my feet. Kaya bumaba na rin ang tingin ko duon.

"Gusto kitang lapitan... pero hindi pa iyon ang tamang panahon. Matatakot ka lang kung bakit kita sinusundan,"

He was there the whole time? Why didn't I realize? Pero paano ko pa nga naman siya mapapansin kung punong-puno na ang isipan ko nung mga panahon na iyon.

I fidget my fingers to ease the pain I'm starting to feel from remembering my past.

"I never told you but I got your DNA sample from your hair. I brushed your hair on the school's rooftop, remember when I thought you're gonna jump?"

Iyon yung panahon na nalaman kong hindi ako tunay na anak nina Nanay. I cried myself there until he found me. Napaamang ako dahil duon bago siya pabirong hinampas sa braso. Kamay ko lang ata ang nasaktan sa ginawa ko dahil ang tigas ng braso niya.

Damn it. His sly move.

"Iyon na lamang ang kulang para patunayan na isa kang Dasoviche," Pagpapatuloy niya.

"The Dasoviche's preparing to have a talk with you and your family when the result came out but..."

My parents died. Ang napakasakit na nangyari sa lahat.

"I was there on the hospital, hearing your agony in the morgue. I was there in your parents' wake and until their burial,"

Lumapit siya sa akin. His both hands cupped my face. Our eyes met once again. He was there?

Tila natunaw ang puso ko sa nalaman na 'yun.

"Nandun ako, Calhaine. You're not alone," Namungay ang mga mata niya. I can't believe it. His cold eyes became soft as he stared at me. Tila natunaw ang yelong tumataklob duon.

"And when I saw you... hanging yourself from the ground," Pumiyok ang boses niya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa alaalang iyon. Sa loob ng pitong taon ay hindi namin napag-usapan iyon. Parehas kaming ilag na ungkatin iyon.

Defying FateWhere stories live. Discover now