Fate 14

611 13 2
                                    

Chapter 14


"I got perfect scores on my five subjects and the others were still the highest," Magiliw na kwento ko.

Dati naman ay normal na sa akin iyon. I am an achiever so it's not a big deal for me to share those on others, even with my parents. Pagkasi sinabi ko sa iba ay tingin nila ay nagmamayabang ako. Parang sanay na naman ang mga magulang ko sa mga nakakamit ko sa pag-aaral. Alam na nila sa tuwing iimbitahan ko sila sa mga events sa school ay dahil sasabitan ako ng medal o mabibigyan ng certificates.

Iba pa rin pala kapag may napagsasabihan ka. I am genuinely happy to achieve small things like a perfect score on my exam. Yet I am more than happy to share it with someone I love.

He glanced a bit on my side before his eyes went back to the road.

"We should celebrate, love. Where do you want to go?"

Natigilan ako ng saglit sa sinabi niya. Uminit ang sulok ng mga mata ko sa pagiging emosyonal. No one has ever told me those words. For being an achiever became normal in my life, it never came to my mind to celebrate my hard work.

And I've been longing to hear those words from someone, even from my parents.

Naramdaman ko na humigpit ng konti ang hawak niya sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Mula duon ay tumaas ang mga mata ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nagmamaneho.

"What's wrong?" Aniya nung hindi pa rin ako nagsasalita. Umiling ako at napangiti kahit hindi naman niya kita.

"Thank you," Sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"For what?" Tanong niya at sinulyapan ako.

Nagkibit-balikat lamang ako. I am just thankful that he said those words to me. I am reminded that I should celebrate my achievements no matter how small or big they are.

"Gusto ko samgyup,"

Dinala niya ang kamay ko sa mga labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Samgyup it is." Sumilay ang ngiti sa labi niya pagkatapos sabihin iyon.

Maaga naman na nagpa-dismiss ang huling prof ko kaya ayos lang na kahit lumayo kami ng konti. Hindi pa rin ako gagabihin ng uwi. Sa may Mall sa kabilang bayan kami nagtungo. Duon lang kasi kompleto ang kainan.

Some heads were turning when we walked inside the Mall. Lagi namam iyon lalo na't sabay kaming nag aalmusal sa mga kainan sa bayan. Sino ba namang hindi lilingon sa sobrang gwapo niya.

"Sayang may girlfriend pero bakit mas nagagandahan ako sa girlfriend."

"Kahit may sugat yung mukha, sobrang ganda pa rin."

Lalo akong hinila ni Sam sa tabi niya kaya tumaas ang mga mata ko sa kanya. Narinig niya ata ang sinabi nung dalawang magkaibigan na beki. Napasulyap pa ako sa gawi nila kaya naman umiwas sila ng tingin.

"Nakakalalaki naman talaga ang ganda." Komento ulit nung isa.

Pumasok kami ni Sam sa isang samgyup restaurant. Sinalubong kami ng isang staff at hinatid sa isang private room. Ambang bibitawan ko ang kamay niya nung hinigit niya ako paupo sa tabi niya. Duon sana ako sa tapat na upuan uupo eh.

"Ano pong prefered n'yo na side dishes?" Tanong nung waitress kaya tiningnan ko ang menu. Ang huli kong kain dito ay nung kasama ko si Clark at unang beses ko lang iyon kaya hindi ko pa kabisado ang nasa menu.

"All of them," Sagot ni Sam bago pa man ako makapili.

Tumango ang babae at nagpaalam na iseserve ang order namin.

Defying FateWhere stories live. Discover now