Kabanata V

11.4K 256 22
                                    

Kabanata V

Napaatras ako sa halos walang distansya na naming pagitan ni Sir Aaron at ipinilig ang aking ulo. Dala siguro ng hilo ay kung anu-ano na ang nakikita ko. Agad akong naghanap ng maaaring upuan at sakto namang naroon ang kalapit na silya, inalalayan pa niya pa rin ako hanggang sa komportable na akong nakaupo. Ilang beses pa akong huminga ng malalim para lamang kumalma at ng mahimasmasan ay doon ko lang napagtantong nasa opisina ko si Sir Aaron. Anong ginagawa niya rito?

Nang i-angat ko ang aking paningin ay hayun at prenteng nakasandig sa may lamesa ko at nakahalukipkip. Mataman siyang nakatitig sa akin kaya naman nailanga agad ako. Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa aking gayong bakas naman sa mukha ko ang pagiging uncomfortable. Mas lalong nanghihina ang mga tuhod ko dahil naiintimidate ako sa kanya. What are you staring at? Wala pa ring boses ang namagita sa amin hanggang sa basagin na niya ang nakakabinging katahamikan sa amin. Sa tingin ko ay naghihintayan lang kami kung sino ang unang magsasalita.

"Kanina tinanong kita kung masama ba ang pakiramdam mo, ang sabi mo ay hindi." he narrowed his eyes and smirked. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at yumuko na lamang. Halatang naiirita siya sa akin.

"Look at me. Hindi ang sahig ang nakikipag-usap sayo." parang mainit na kawaling pumaso sa akin ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko upang i-angat ang mukha ko paharap sa kanya. Ang lapit niya at amoy na amoy ko siya. Napapikit ako at walang kontrol na sinamyo ang bango niya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong muli sa akin ang itim niyang mga mata na ngayo'y nababalutan ng aliw. Dang! I inhaled his scent!!

"Armani Code - Giorgio Armani" Huh? Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Baka lang naman gusto mong malaman ang pabango ko. Armani Code." agad akong pinamulahan ng mukha sa paliwanag niya. Sabi na nga ba! Nahalata niya yung pag-amoy ko sa kanya. Kung bakit ba naman kasi ang bango niya! Kahit na nakalayo na siya sa akin ay tinatangay naman ng hangin ang amoy niyang kinahuhumalingan ko.

"Sa susunod huwag mong pipilitin na pumasok kung masama naman ang pakiramdam mo. Have a good day." he said in a cold voice. Mabait naman sa ibang empleyado si Sir Aaron ngunit bakit sa akin ay ganoon siyang makitungo? Madalas pa nga siyang makipag-biruan sa ilang empleyado. Dahil ba sakitin ako at anak ng CEO? Pabigat lang kaya ang turing niya sa akin?

Kulang na lamang ay sumalampak ako sa kinauupuan ko dahil sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag. Sa tuwing nariyan siya sa paligid lalo na at ilang metro lang ang distansya namin ay para akong iginugupo, mabilis ang tibok ng aking puso at para bang may pumupigil sa akin sa paghinga. I don't know if I'm stress or sick. Kung anu-ano rin ang nakikita ko. Gosh! Maaga pa upang mabaliw ako. Pahinga lang siguro ang kailangan ko at lilipas rito.

Bakit ba nagmumukha akong tanga sa harap lagi ni Sir Aaron? Nariyan yung nahihilo ako at kumakabog ang puso ko. Wala naman akong dapat ikatakot sa kaya kahit pa masyado siyang nakaka-intimidate. Isa pa, kung bakit ba naman lagi kong nakikita si Clarisse sa sarili ko. I'm still trying to figure out what's going on with me. Kailangan ko na ba ng psychological help? Nagbalik lamang ako sa aking pag-iisip ng marinig ang marahang katok mula sa pinto ng aking opisina agad akong tumawag ng pahintulot at sa pagkabigla ay tumambad sa akin si Maribeth.

"Come in. Thank you nga pala sa kanina Maribeth." ngiti ko sa kanya at inanyayahan siyang maupo sa may tapat ko. Magaan ang loob ko sa kanya at sa tingin ko ay magiging mabuti kaming magkaibigan.

"Wala 'yon nu ka ba! Nagpunta lang naman ako dito para humingi ng pasensya sa mga sinabi sa iyo ni Clarisse. Mabait naman 'yon medyo nagbago lang." tumango na lamang ako kahit pa gusto kong ngumiwi ng maalala ang inasal ni Clarisse kanina patungo sa akin. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang problema niya sa akin. Wala naman akong naalala na naging rude ako sa kanya well except doon sa tinitigan ko ng buong pagmamangha ang fiancee niya. I am not a threat. Isa pa'y hamak ang ganda niya sa isang maputlang katulad ko.

"Okay lang 'yon sa akin." kibit-balikat ko at ngumiting muli. Nagtaka ako ng ipinilig ni Maribeth ang kanyang ulo at muli akong tinignan.

"Why are staring at me like that?" natatawa kong tanong sa kanya dahil ang weird niya. Wala sa sariling tumawa rin siya at umiling.

"Imposible. Naalala ko kasi sayo si Clarisse noong close pa kami. Tahimik lang din kasi iyon dati at ngingiti lang kung minsan katulad mo." mariin kong pinagdikit ang aking mga labi at nagbigay ng hilaw na ngisi kay Maribeth. I hate being compared. Kung ganoon nga si Clarisse ay ang layo na nga niya talaga sa Clarisse na nakakasalamuha ko ngayon.

Ilang minuto din kaming nag-kwentuhan at tawanan ni Maribeth sa aking opisina hanggang sa napagpasyahan na namin na bumalik sa kanya-kanyang trabaho. Mabilis na lumipas ang mga oras. Bumalik sa normal ang pangangatawan ko kahit pa bakas pa rin sa mukha ko ang pamumutla. Sa restaurant ako ini-assign kaya naman alas-dos na ay hindi pa ako nananghalian dahil marami pa rin ang kumakain sa ganoong oras. Madali ang naging unang araw ng aking trabaho lalo pa't agad ko ring nakasundo ang crew ng restaurant ng mismong hotel.

Nang hapon din iyon matapos ang aking walong oras na trabaho ay sinundo ako ni Psalm sa may hotel. Aniya’y inutusan daw siya ni Papa upang sunduin ako dahil kami ay kakain sa labas upang i-celebrate ang unang araw ko sa trabaho. At katulad nga dati ay sa isang mamahaling restaurant niya ako dinala. It may seem odd pero pakiramdam ko ay hindi ako sanay sa mga ganitong luho. Pinalaki akong nasa akin na ang lahat ngunit para sa akin ay labis-labis ang mga iyon para sa isang tulad ko.

Ako si Auldey Zobel pero parang hindi ako ‘to. Sa tingin ko hangga’t hindi nagbabalik lahat ng ala-ala ko ay habambuhay akong magtatanong kung ako nga ang Auldey na ito, ang Auldey nila.

“How was your day Princess?” masiglang tanong sa akin ni Papa bago sumubo sa kanyang steak. Nagkibit-balikat lang ako ngumiti.

“Ang tahimik mo Auldey. Hindi ka naman dating ganyan. Napakasigla mong bata noon pa man kahit na may sakit ka. Well, alam kong hindi pa nagbabalik ang iyong lakas but cheer up my little princess.” I feel a pang of guilt about what he said.

“I’m just tired Papa.” Buntong hininga ko. Masuyo kong hinawakan ang kamay niya at matamlay na ngumiti.

“May pinaplano kaming hotel and resort sa may probinsya ni Mr. Aaron Reyes. By next week ay magtutungo siya roon baka gusto mong sumama para na rin makalanghap ka ng sariwang hangin.” Ipinilig ko ang ulo at kinagat ang aking labi. Gusto ko rin ang ideyang iyon ni Papa ngunit makakasama ko si Sir Aaron?

Hindi ko alam kung makakabuti ba sa akin ang palagi siyang nakakasama. Magkakasakit ako sa tuwing nariyan siya sa paligid. Ang isipin pa lamang ang mga titig niya sa akin ay nagpapakabog na naman sa dibdib ko. Ngunit ang sariwang hangin mula sa probinsya ang sa palagay ko ang makakapag-klaro sa magulo kong isip. May kung anong pwersa rin ang humihila sa akin upang tanggapin ang alok ni Papa.

“Akala ko’y mawawala ka na rin sa akin Auldey katulad ng Mama mo ngunit maswerte pa din ako. Alam ng Panginoon kung gaano kita kailangan sa buhay ko. Kung mawawala ka ay tuluyan ng mawawalan ng saysay ang buhay ko.” Masuyo at paos na saad ni Papa sa akin habang pinipisil ang aking kamay. Nakokonsensya ako, wala man lang akong maramdamang init sa puso ko gayong dama ko naman ang pagmamahal ng isang ama.

“Nang saglit na huminto ang tibok ng puso mo ay huminto rin ang mundo ko Auldey.” Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam ang bagay na iyon. Ibig sabihin ba ay saglit akong namatay?

“Namatay ako?” umiling si Papa at ngumiti. Nagniningning ang mga mata niya dahil sa mga namumuo nitong luha, agad ko iyong pinalis at hinaplos ang kanyang mukha.

“Ilang minuto ka rin noong nirerevive at ng tumibok muli ang puso mo ay tuluyan ka na ring nagising at binanggit mo ang ‘Aaron’”. Naaalala ko ang araw na iyon ngunit hindi ang pangalang sinambit ko. Isa raw himala ang nangyari sa akin, ilang minuto na rin daw nila akong nirerevive at kung kailan sumuko na ang mga doktor para sa paghahabol sa buhay ko ay tuluyan namand daw akong gumising sa malalim na pagkakatulog.

“You are a miracle, Auldey.”

itutuloy... 

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon