Saturday

102 22 11
                                    


“Luka, dalian mo!” sigaw ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Ang tagal maligo ni Luka! Kanina pa ako tapos pero siya mukhang nag-co-concert pa yata sa banyo.

“Wait! Last ten minutes, tumatae pa ako!” sigaw niya mula sa banyo at sinundan iyon ng pag-ire niya. Napangiwi ako habang tumatawa. Kailan ba ako masasanay? Ganito rin naman siya simula pa noong nasa Baguio kami.

Napatingin ako sa sarili ko sa malaking salamin. Nakasuot ako ng oversized black t-shirt naka-tucked in ito sa maong shorts ko. Para bumagay sa damit ko, sinuot ko ‘yong black rubber shoes na binili ni Luka noon sa SM Baguio. Sinabi kong huwag na kasi masyadong mahal pero hindi siya nakinig at wala na akong nagawa nang binayaran niya agad ito at bumelat pa sa akin.

Tinatamad ako kaya hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko. Ilang minuto pa ay lumabas na si Luka mula sa banyo. “Wow! Para akong bagong panganak! Super linis ko na maging ang tiyan ko!”

Malakas akong natawa. “Akala ko nga nilululon ka na ng bowl,” pagbibiro ko.

“Masyado akong maganda para lulunin ng bowl.” Pag-iinarte niya bago nagtanggal ng tuwalya at nagsimulang magbihis. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Ewan ko ba sa babaeng ‘to masyadong komportable sa akin at pati pagbibihis ay lantaran na.

Maya-maya pa ay humarang na siya sa salamin at nagsimulang magsuklay. Nakasuot siya ng white crop top na pinarisan ng kan’yang gray sweatpants at ng kan’yang white rubber shoes.

“Hindi ka ba nauumay diyan sa buhok mo?” biglang tanong niya kaya napaangat ang tingin ko sa salamin. Nakatingin siya sa akin.

“Minsan.”

“Wanna change?” ngisi niya. Hindi ko alam pero napangisi rin ako bago tumango.

“Bakit ayaw mong ipagupit?” tanong ni Luka habang naka-upo kami at nakaharap sa salamin ng salon. Abala ang mga nagkukulay ng buhok namin sa likuran namin.

Imbes na ipagupit ko, pinakulayan ko rin. Pero blue ang sa kan’ya at ash gray naman sa ‘kin. Ipapagupit ko na sana pero naalala ko ang dahilan kung bakit ko hinayaang humaba ang buhok ko. “Ayaw ko, kasi naalala kong itong mahaba kong buhok ang madalas suklayin noon ni Papa at palagi niya ring sinasabi na mas kamukha ko si Mama ‘pag mahaba ang buhok ko. Kaya ayokong ipagupit kasi kahit hindi ko nakita si Mama, maaalala ko siya ‘pag tumingin ako sa salamin,” mahabang paliwanag ko habang nakangiti.

“Ayaw mo bang makita ang Mama mong maiksi ang buhok?” tanong ni Luka.

Natawa ako. “Sa susunod na lang siguro.”

Napakibit siya ng balikat. “Ikaw bahala.”

Ilang oras pa kaming nanatili sa salon hanggang sa natapos na nga. Naaliw sa akin ‘yong nagkulay sa buhok ko kaya kinulot niya ito. Masasabi kong bagay naman sa akin. Itim pa rin ang kulay ng buhok ko sa itaas at sa tapat ng balikat ko hanggang sa dulo ay ash gray na. Si Luka naman, ang ilang strands lang sa buhok niya ang may kulay blue. Mas lalo siyang gumanda! Pero hindi ko sasabihin kasi magyayabang na naman siya.

“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko pagkatapos niyang magbayad at paalis na kami.

“Tagaytay? Laguna? You choose.”
Napaisip ako. Parehong hindi pa ako nakakapunta sa dalawang ‘yon. “Puwedeng both?” hirit ko.

A Week Before The PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon