Friday

106 22 13
                                    

"Hay! Buti na lang pinayagan na akong makalabas! Ayoko talaga ro'n," masayang pahayag ko habang naglalakad kami ni Luka sa malawak na kalsada ng Baluarte. Zoo ito na pagmamay ari ng isang mayamang lalaking matanda. Nakalimutan ko na 'yong pangalan na binanggit sa akin ni Luka kanina. Abala kasi ako sa pagtingin doon sa mga parrot habang sinasabi niya 'yon.

"Ayos ka na ba talaga-"

"Kamukha mo, oh!" pabibiro ko sabay turo doon sa unggoy. Agad na napabusangot si Luka. "Magaling ka na nga," sabi niya dahilan ng pagtawa ko.

Naglakad pa kami at titigil sa tuwing panonoorin namin ang mga hayop. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng kangaroo. Tinanong ko si Luka kanina kung puwede bang lumapit ako tapos papasok din ako doon sa parang pocket nila gaya ng baby kangaroo pero binatukan lang ako ni Luka saka hinila papaalis doon dahil baka kung ano pa raw ang gawin ko. KJ talaga minsan 'to!

May estatuwa rin ng mga dinosaur at sa gitna ay may malaking nakasulat na 'Baluarte', iyon ang pinakabungad sa bandang itaas pagkapasok namin.

"Nangangain kaya 'yan ng tao?" tanong ko kay Luka habang nakatingin kami sa tiger. Ang taba! Ano kayang lasa nito? Natawa ako at napailing sa naisip. Masyado kang bad, Vida.

"Oo, kaya kita dinala rito para ipakain sa tigre," sabay hila sa akin ni Luka papalapit doon. Agad akong nagpumiglas. Malakas siyang tumawa. "Joke lang! Eto naman."

Napanguso ako at iniwanan siya. Sumunod din naman siya sa akin hanggang sa napadpad kami sa safari gallery. Puno ito ng mga naka-preserve na mga nahuling hayop. Pagkapasok namin ay para akong nahimasmasan dahil malamig sa loob. Napatingin ako sa paligid. Grabe, ang daming mga hayop na naka-preserve. May elephant, polar bear, lion, tamaraw, hippopotamus, balat ng buwaya, tiger, fox, at mga ulo ng moose, at deer na nakalagay sa kahoy at nakadisplay sa pader. Marami pang hayop na ngayon ko lang nakita at hindi ko alam ang pangalan. Nakamamangha pero at the same time nasasayangan at naaawa ako sa buhay ng mga hayop na nandito.

Para lang may mapanood ang mga tao, hinuhuli sila at pinapatay. Kaya sila nauubos. Mas matatanggap ko pang hulihin na lang sila nang buhay at ipakita sa mga tao, hindi 'yong ganito.

"Tahimik mo," puna ni Luka habang naglilibot kami.

Huminto ako roon sa tapat ng lion. "May naisip lang."

"Tungkol saan?"

Napuntong-hininga ako at seryoso siyang tinitigan. "Na nauubos ang mga hayop kasi napupunta sa ganito." Pagturo ko sa paligid.

"Oo kaya kailangan mo nang magtago kasi ikaw daw ang isusunod na i-di-display dito."

"Gago!" Agad ko siyang hinampas sa braso ngunit agad siyang nakaiwas.
Mas lalo siyang natawa. "Pero seryoso, tama ka. Pero ano pa nga ba hindi patas ang mundo. Kaya kung may maaalagaan kang hayop, alagaan mo."

Tumango lang ako.

Naglibot-libot pa kami hanggang sa napahinto na naman kami sa tapat ng malaking mansion na kulay ginto.

"Grabe! Magkano kaya kung isasanla ko ang isang bintana nito?" tanong ni Luka.

"Gaga! 'Wag mo ngang pagbalakan 'yan," suway ko sa kan'ya.

"Char lang! Hindi ko hahayaan ang evil 'no!" tawa niya. Napailing na lang ako. Ang ganda no'ng mansion. Ano kayang itsura no'n sa loob? Siguradong mas maganda pa.

A Week Before The PlanWhere stories live. Discover now