Wednesday

121 22 23
                                    

“Ang lamig!” nanginginig kong saad bago humigop sa tasa ng mainit na kapeng barako. Madaling araw pa lang pero gising na kami ni Luka.

Kahapon pa kami nakarating dito sa Baguio pero ngayon pa lang kami mamamasyal dahil natulog lang kami sa hotel dala ng sobrang pagod sa biyahe. Lalo na si Luka dahil siya ang nagmaneho. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako tuwing naririnig ko sa aking isipan ang malakas at parang lalaking paghilik niya, pero hindi ko na ‘yon binaggit pa sa kan’ya dahil baka mapahiya siya. Naiintindihan ko naman na dulot iyon ng matinding pagod. Saka mas ni-re-respeto ko na siya ngayon kesa kahapon dahil pinatunayan naman niya sa akin na mabuti siyang tao at malakas ang kutob kong wala siyang masamang balak.

Ang ganda rito sa Baguio! Totoo nga ang sabi nila sobrang lamig talaga. Ilang minuto ko lang inilabas ang kamay ko mula sa bulsa ko ay malamig na ito at halos hindi ko na maigalaw dahil sa bahagyang panginginig at paninigas ng mga daliri ko. Para mabawasan ang lamig, hinawakan ko ang mainit na tasa ng kape gamit ang dalawang kamay ko.

“Sabi sa ‘yo, eh,” tawa ni Luka habang inaayos ang scarf sa leeg niya.

Nandito kami ngayon sa Good Taste, isa sa mga sikat na restaurant dito sa Baguio City. Tumanaw ako sa window glass sa tabi namin. Kita ko ang SM at iba pang mga gusali, pero naagaw talaga ang atensyon ko sa ferris wheel na nasa tabi ng SM. Dahil madaling araw pa lang mas namangha ako sa makulay na ilaw nito.

“Luka, punta tayo ro’n!” Pagturo ko sa ferris wheel. Napatingin si Luka roon.

“Sa Skyranch?” pagtatanong niya sabay turo rin sa ferris wheel.

Tumango ako na parang bata, baka ‘yon ang pangalan no’ng lugar.

Gumuhit ang ngiti sa kan’yang labi bago siya isang beses na tumango. “Sige ba! Pero mamayang gabi na para mas maganda.”

Napangiti ako bago bahagyang nagsalubong ang mga kilay at nagtatakang tumingin sa kan’ya. “Bakit alam na alam mo ang mga pasyalan dito sa Baguio? Nakapunta ka na pala rito?”

Nakangiti pa rin siya nang itinaas baba niya ang kan’yang dalawang kilay bilang pagsagot.
“Alam mo bang . . .”

Kumunot ang noo ko nang bahagya siyang umangat mula sa kan’yang upuan at sumampa sa lamesa para makalapit siya sa akin.

“Dito sa Baguio ka namin ginawa ng tatay mo.” Nakangising bulong niya, halatang nagloloko. Hindi ko siya napigilang batukan. Malakas siyang tumawa nang bumalik sa kinauupuan niya.

“Gaga ka talaga.” Natatawang usal ko habang nahihiyang nag-iiwas ng tingin sa mga nagtatakang matang nasasalubong ko dahil siguro sa lakas ng pagtawa ni Luka. Madaling araw pa lang pero medyo marami-rami na agad ang mga tao rito. Pero karamihan ay mga gaya rin namin ni Luka na turista.

Natapos kaming kumain ay nagbayad na siya saka kami naglakad-lakad sa kalsada at dahil madaling araw pa lang sarado pa ang karamihang gusali at tindahan.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nakasunod kay Luka.

“Burnham Park,” sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko.

“Totoo?” hindi makapaniwalang tanong ko. Sa TV at cellphone ko lang ‘yon madalas makita, hindi ko akalaing makakatapak na ako sa lugar na iyon ngayon!

“Ay hindi! Sa Luneta pala,” pabirong saad niya.

Mahina akong natawa bago binilisang maglakad para makatapat ko siya at saka ako humawak sa braso niya. Mas matangkad siya ng konti sa akin hanggang ilong niya lang ako. Niloloko ko nga siya at tinatawag na ate pero ayaw niya. Gusto niya Luka kasi nakakabata raw.

A Week Before The PlanWhere stories live. Discover now