Tuesday

151 24 36
                                    

“Wooohooooo!”

Mabilis kong tinakpan ang tainga ko sa nakabibinging sigaw ni Luka habang mabilis ang pagpapatakbo niya sa itim na Hilux niya sa malawak na kalsada.

“Magdahan-dahan ka nga!” ninenerbyos kong sabi dahil halos panawan na ako ng kaluluwa sa bilis ng pagpapatakbo niya.

Imbes na sundin niya ako ay humalakhak lang siya at inilipat ang puwesto ng kambyo sa number four at may inapakan siya kaya mas lalong bumilis ang pagtakbo ng sasakyan. Pakiramdam ko nga ay lumilipad na kami.

“Luka!” halos pagmamakaawa ko habang mahigpit na nakakapit sa seatbelt at sa upuan.

Hindi ko talaga alam ba’t sumama pa ako sa kan’ya. Kanina pa siya nagmamaneho at hindi ko alam kung saan kami patungo. Weird din siya kasi ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa akin. Kaya ‘Luka’ ang ipinangalan ko sa kan’ya in short for luka-luka. Mukha kasi siyang luka-luka sa paraan ng pananalita at pagkilos niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang normal na siyang nagmaneho makalipas ang dalawang minuto. Tumawa ulit siya, ewan ko kung ano’ng nakakatawa. Tumingin na lang ako sa bintana at dinama ang malamig na hangin na humahampas sa aking mukha habang pinagmamasdan ko ang mahiwaga at maliwanag na bilog na buwan na parang nakasunod sa amin at ang mga bituin na nagniningning sa madilim na kalangitan.

Then a realization hit me. It’s been really a long time since the last time I adored the moon and the stars. I really hated the night because that’s when the evil rule the world. That’s when the nightmares exist. But at the same time, it’s also my favorite because of the moon and stars that instantly calms my exhausted soul, and it has the silence and darkness that allows me to be vulnerable.

“Ayaw mo bang matulog?”

Napabalik ako sa kasalukuyan nang magtanong si Luka. Umiling lang ako bago bumuntong-hininga. Gusto kong matulog pero sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, naaalala ko ang lahat ng nangyari sa akin kahapon.

“Gusto mong kumain? May pagkain sa likod.”

Umiling ulit ako at mas niyakap pa ang kumot na binigay niya sa akin kanina. Hanggang ngayon kasi ay suot ko pa rin ’yong dress ko at hindi ako nag-abalang kumuha ng anumang damit o gamit ko, tanging ang sarili ko lamang ang dala ko.

“Alam mo bang babaho ang hininga mo.”

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kan’ya.

“Panay iling ka lang. Magsalita ka naman. Mapapanis na ’yang laway mo tapos lulunukin mo, ew!” maarteng aniya at umarteng diring-diri.

“Arte,” tamad kong sabi at binalik ang paningin sa daan. Tinawanan lang naman niya ako.

“Ano nga ulit ang pangalan mo? Bida? Bida-bida?”

Napairap ako. “Vida,” mariing saad ko.

“Ooh. Full name?”

Umirap ulit ako. Sinabi ko na kanina. Talagang gusto niya lang akong magsalita kaya hindi ko na siya pinansin. Kaso luka-luka ngang talaga siya.

“Uy!” Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

“Uy!” Inulit niya pero naka-iwas ako.

A Week Before The PlanWhere stories live. Discover now