Chapter 1

6.4K 158 26
                                    

    "Asuncion?"

Hindi pa nga ako nakababawi sa kilig ay bigla na naman niyang inulit ang pagbanggit sa apilyedo ko.

   Masiglang akong nagsalita. "Naaalala mo pa pala ako Phoebus?"

"Is this person present?" Parang naiinis na tanong niya pa habang nililibot ang mata sa bawat sulok nitong classroom.

Noon ko lang napagtanto na binabasa lang pala niya ang attendance sheet kaya niya nabanggit ang surname ko.

    "Pe-pepresent po." Ani ko kaya napatingin siya sa akin.

Gusto kong lamunin ng lupa ngayon din o 'di kaya ay higupin ng mga alien papunta sa outer space dahil sa hiyang nararamdaman ko. Malamang talaga'y hindi niya ako maaalala! He fricking rejected me back when we were younger.

Mabuti na lang talaga at hindi pa ako kilala ng mga classmates ko, kaya siguradong makalilimutan pa nila ang lahat ng ginawa ko ngayong kahihiyan.

   "Dahil unang araw ngayon alam niyo na naman siguro ang gagawin?" He was smiling.

Nakapatong ang siko ko sa armrest at nakapangalumbaba habang pinagmamasdan ang magandang ngiti ni Phoebus, wala akong pakialam sa ingay ng mga kaklase ko na nagrereklamo sa gasgas na 'introduce yourself' na iyan dahil ang buong atensiyon ko ay nasa lalaking ito lamang.

   "Introduce your name, including your age, your favorites, and where do you see yourself in the future." Ani Phoebus at umupo sa may ibabaw noong desk niya upang umalis sa gitna, humalukipkip pa siya kaya lalong lumipad ang utak ko sa hangin.

      "Sir Alphabetical 'di ba?" suggestion noong kaklase ko.

"Oo nga, Sir!"

    “Yeah.” Tumango naman si Phoebus sa suhestiyon ng mga kaklase ko kaya nabalik ako sa aking ulirat.

    "Alright, Ms. Asuncion." Binasa muli niya yung class record.

Tumingin ang lahat sa akin at hinihintay akong tumayo. It was dead silent, kaya nung lumakad ako papunta sa harapan ay tanging takong lang ng sapatos ko ang naglikha ng ingay.

Nanginginig ang mga tuhod ko pati mga kamay. Kaya hinawakan ko na lang ang I.D. ko para mapirmi ito.

Normally, I am not a shy person.

   Pero kinakabahan akong magsalita ngayon kasi nakatitig sa akin 'yung dati kong crush.

   “Hello classmates, and Sir! I-I'm Jeanne Asuncion, seventeen years old."

Sandali lang naman!

Bakit ganito ang itsura ng mga kaklase ko? Para silang mga reporter na naghihintay ng chismis.

"My favorite number is twelve po." Kasi six years old ako at grade six ka noong una tayong magkakilala.

Gusto ko sanang idagdag iyon pero ayaw kong magmukhang creepy sa harapan nitong mga classmate kong chismosa.

   "Tapos 'yung favorite color ko ay blue, just like your eyes." matapang na sabi ko habang titig na titig sa kulay asul na mata ni Phoebus Acosta.

"A-And where do you see yourself in the future?"

Sir, Can I Be Yours?Where stories live. Discover now