Chapter 10

3.4K 105 10
                                    

“Buwisit na Paulo,” saad Gilbert habang hinihimas-himas ang puting cartolina na hawak niya. Para bang inihahanda niya 'yon na ipalo sa ulo nitong kaklase namin na naroon sa may unahang row.

     “Bakit naman?”

Nanahimik lang naman 'yong tao. Inaayos 'yung makapal niyang salamin tsaka nag ngangata ng ballpen habang nakatulala sa hangin.

  “E, ballpen ko kaya ‘yang nginangat-ngat niya! Kaya pala amoy laway kapag binabalik niya sa ‘kin!” galit na galit sabi ni Gilbert.

Napangiwi ako, “Ew..”

     “Tamang-tama P.E natin ngayon, gantihan ko siya mamaya. One time lang.”

Ano na naman kaya ang gagawin ng isang 'to? Iniisip ko palang parang hindi na ako mapakali. “Baka mapagalitan ka na naman niyan ha?”

“Akong bahala,” mayabang na sabi niya't inangat pa sa hangin ang dibdib niya at inayos ang kwelyo.

     “Kami kawawa?” Ngumuso ako at inirapan siya.

Kamot ulo siyang ngumiti, “Gano'n na nga.”


Volleyball ang P.E namin ngayong semester, noong nakaraang linggo ay tinuruan kami ni Ms. Velasco na mag-serve. Wala munang lessons para daw ice breaker na rin.

Mataas ang nakuha kong score doon dahil pumasok lahat ng service ko. Medyo marunong kasi ako nito dahil naglalaro talaga ako ng volleyball noong elementary para sa intrams namin. At syempre, dahil doon ay nasabihan na naman akong bida-bida.

Kaya ngayon pinipigilan ko muna ang sarili ko na magtaas ng kamay sa tuwing may itinatanong si Ms. Velasco tungkol sa volleyball.

Sayang, nabasa ko pa naman ang sagot sa iba doon.

   “Okay, bago tayo maglaro sa field. Last question, plus ten sa makakasagot.– Who invented the game of Volleyball?”

Walang nagtaas ng kamay sa mga kaklase ko, sobra silang nanahimik at nag-iiwas pa ng tingin para hindi matawag. Dahil doon ay nalukot ang mukha ni Ma'am.

  “Nasa module niyo 'yan! 'Di ba I adviced na mag-advanced reading kayo? Paano nalang pala kung may quiz pala tayo ngayon? Anong isasagot niyo?” She was mad.

  I raised my right hand, “Ma'am!”

“Yes, Jeanne?” Inilahad niya ang palad niyang may hawak na marker at itinuro 'yon sa akin. I cleared my throat bago tumayo at sumagot, hindi ko nalang pinansin ang pagbubulungan nila Gail mula sa likod ko.

    “The game of Volleyball was invented by William G. Morgan in 1895– and it was  originally called 'mintonette' po.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin pati 'yung mga naunang questions ni Ms. Velasco. Pagpipyestahan na naman ako nitong mga nasa likod ko panigurado.

     “Very good! Mabuti ka pa nag-advance reading.” Masiglang sabi ni Ma'am at nilagyan ng point 'yung index card ko.

“Ang galing mo talaga!” ani Den at bahagya akong siniko noong maupo na ulit ako.

      “Nakapagbasa lang,” sagot ko.

Napanguso ako habang pinanonood ang iba kong mga kaklase na nagpapapicture lang sa bola. Hindi naman talaga sila naglalaro. Sayang naman itong court at net na ikinabit pa ng boys kanina.

     “Panoorin niyo ako,” mahinang sabi ni Gilbert sa amin at tinipon kaming apat nina Den, Shawn at Faye.

Nagsalubong ang kilay ko at napatitig sa bola na hawak niya, “Anong gagawin mo?”

Sir, Can I Be Yours?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon