Chapter 17

2.6K 77 10
                                    

"Ayoko ng bumalik sa amin, Phoebus."

Napapuluntong hininga siya at humawak siya sa kaniyang sentido. Sobrang naiinis kasi siya sa ginawa ko at kitang-kita iyon sa reaksyon niya ngayon. Frustrated siya nang tingnan niya ang maleta na dinala ko rito sa bahay niya.

Naglayas ako sa bahay namin dahil sa hindi pagkakaintindihan namin ni Mommy. Nalaman na kasi noon na nagsisinungaling lang ako na kila Sandy ako pumupunta kaya ginagabi ako ng uwi. Nakita kasi nito ang kotse ni Phoebus noong minsang hinatid ako nito noong isang gabi.

Tapos napaamin niya ako na may boyfriend ako. E, pinagbabawalan nga niya ako dahil ayaw niya raw na magaya ako kay ate Jo! Gusto niyang itigil ko ang pakikipagrelasyon kay Phoebus.

Ayoko talagang ma-disappoint si Mommy sa'kin, pero ayaw ko rin naman na hiwalayan si Phoebus. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin ng sobra, sinusuportahan niya ang pangarap ko at naniniwala siya sa akin... Hindi ko kayang mawala siya.

  "Ihahatid na kita sa inyo, kakausapin ko ang Mommy mo," sabi ni Phoebus habang nakatingin pa rin sa mga maleta ko.

"Hindi naman nila ako naiintindihan, e. Ayokong ngang makipaghiwalay sa'yo."

Tsaka sigurado ako, lalo pang magagalit 'yon kapag nalaman niyang professor ko ang karelasyon ko. Ngayon pa nga lang na hindi niya 'to kilala'y halos sumabog na siya.

Suminghap si Phoebus at tumabi sa akin dito sa kahoy na silya, pinatay niya ang maliit sa telebisyon sa harap namin gamit ang remote bago nagsalita. "Jeanne, maiintindihan ka ng Mommy mo. Umuwi ka na."

"Ayoko," pagmamatigas ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinuli ang tingin ko, napanguso nalang ako nang mapatingin ako sa mata niyang nangungusap.

     “Ayokong hiwalayan ka, Phoebus.”

“Mali 'tong ginawa mo,” aniya.

Gaya ng sinabi niya'y kinausap niya nga si Mommy Jomar, ngunit mataas lang siguro ang pride naming dalawa at walang gustong mag-sorry. Ayaw niya akong tanggapin lalo na noong magpakilala si Phoebus bilang professor ko.

Maling-mali daw itong ginagawa namin. Muntik pa ngang makipaghiwalay sa'kin si Phoebus pero nag-makaawa ako sa kaniya. Kaya heto, walang siyang nagawa kun 'di kupkupin ako.

Simple lang itong bahay niya, kulay krema ang dingding at walang linoleum ang sahig pero makintab ang semento. Tsaka malinis at maingat siya sa mga gamit, sa may tapat nga ng sala ay naroon ang kusina na may antique na dining table.

Isang linggo na ang tinagal ko rito sa bahay niya, doon ako sa sala gumagawa ng assignments at doon rin siya nagtatrabaho. Siya ang gumawa ng umagahan at ako naman sa hapunan.

Pagkatapos ng mga gawain namin ay nagkekwentuhan kami tungkol sa mga alaala namim noong bata, hanggang sa mga paborito naming pagkain, lugar at kung anu-ano pa. Sobrang saya ko na kasama siya kahit na patago ang relasyon namin pagdating sa eskwelahan.

Hindi na namin gaanong pinapansin ang mga lumalalang tsismisan tungkol sa amin. Mas nag-iingat na rin kaming dalawa pagdating dito sa sikreto naming relasyon.

   I tugged the hem of his shirt to get his attention.

    “Thank you, Phoebus.” Nakatagilid ako ngayon dito sa kama at pinagmamasdan siya. Si Phoebus naman ay nakatihaya at nakapikit na.

Sa tanang buhay ko, hindi ko inakalang gagawin ko ito. Hindi ko naisip na susuwayin ko si Mommy at makikipag-live in sa isang lalaki, lalo na sa ganitong edad ko.

Pero hindi ako nagsisisi dahil alam kong iba si Phoebus sa napiling lalaking ni Ate Jo. Alam kong hindi niya ako pababayaan, may tiwala ako sa kaniya.

Sir, Can I Be Yours?Where stories live. Discover now