Chapter 14

3K 93 7
                                    

"Nako Jeje, sinasabi ko sa 'yo! Kilala mo ako, hindi ako strikto pero kapag sinuway mo ako alam mo na ang mangyayari sa 'yo."

Umiiyak ako habang nagmamakaawa sa head ng school namin. Narito kami ngayon sa office ng resort at tinipon ang buong section dahil nakapagpuslit kami ng alak.

"Patitigilin talaga kita sa pag-aaral kapag gumawa ka ng kalokohan, magpapaalam ka sa pangarap mo. Mapipirme ka rito sa bahay!"

Naririnig ko sa isip ko ang mga babala ni Mommy Jomar, alam kong 'di nagbibiro 'yon! Lalo na kapag nalaman niya na pinayagan ko ang ang mga kaklase ko na ipuslit 'yong alak.

"President ka pa naman ng section mo Ms. Asuncion."

"Scholar ka pa naman ng eskwelahan, dapat naging mabuti kang ehemplo sa mga kaklase mo." patuloy ang pangaral sa akin ng head.

Habang ako naman ay patuloy rin na humihingi ng tawad. Pati mga kaklase ko'y pinagtatanggol na rin ako. Ang tanga-tanga ko naman kasi. Dapat hindi nalang ako pumayag sa gusto nila kahit pa sinabi nilang "minsan lang naman" 'yon, "walang makakaalam" at "huwag kang kj."

"Patatawagan ko na ang mga guardians ninyo para pauwiin na kayo kaagad. Prof. Acosta, ikaw na muna ang bahala rito. I will just make a short speech about this incident outside." deklara nito at lumabas na sa office. Halos malukot pa nga ang mukha niyang puno ng kolorete dahil sa galit.

"I am disappointed. Pero magiging mabait ako sa inyo ngayon at hahayaan ko, na kayo na mismo ang tumawag sa mga magulang niyo at magpasundo rito." saad ni Phoebus.

Kahit ang iba ay dismayado at naluluha ay inilabas na nila ang mga cellphones nila at tumawag sa kani-kanilang mga magulang. Minu-minuto rin ang dumaan bago sila tuluyang makauwi.

"President, pasensiya ka na talaga. Uuwi na rin ako nandoon na daw kasi si Papa sa may gate." pagpapaalam ni Gilbert.

Kami nalang tatlo nina Phoebus at Den ang natira dito sa office dahil nasundo na rin ang iba. Si Den naman ay ayaw akong iwan kahit ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na mauna na.

Hindi ko kasi kayang tawagan si Mommy...natatakot ako.

"Ms. Asuncion, Mr. Bartolome? Bakit narito pa kayo?"

Lumakas lalo ang kaba ko nang bumalik na ang head teacher namin dito sa loob ng office. "Gusto niyo bang ako pa ang tumawag sa mga magulang ninyo?"

Ganoon nga ang ginawa niya, una niyang tinawagan si Mommy gamit ang cellphone ng adviser namin na si Phoebus pero hindi iyon nasagot. Pagkatapos ay sinunod naman niyang tawagan ang parents ni Den.

"Yes, hello?" aniya sa magulang ni Den.

Tumayo ako at nagpaalam na magbabanyo. Siguro, mas mabuti pang hindi nalang muna ako uuwi... palilipasin ko muna ang mga araw. Bahala na kung saan ako mapadpad, hindi ko kasi kayang harapin ang magiging reaksyon ni Mommy sa akin...

"Jeanne," tawag niya sa akin.

"Sir Phoebus, please. Tulungan mo ako."

"Sorry pero kayo ang naglagay sa sarili niyo sa sitwasyong 'to," seryosong tugon niya.

"Sir, Please..." Ipinaliwanag sa kaniya ang warning sa akin ni Mommy Jomar. Pero ipinipilit niya na mauunawan naman daw ako nito at sinasabi lang nito 'yon. Ang hindi kasi naiintindihan ni Phoebus ay totoo ang kung ano mang babala ni Mommy.

Minsan niya ng nagawa 'yon kay Ate, 'di malabong sa akin rin. Wala siyang bilib sa paniniwala sa mga pangarap, kuntento na siya kung ano man ang mangyari sa buhay niya. Hindi ako ganoon, ayoko.

Gusto kong abutin ang mga pangarap ko.

Sabay kaming bumalik ni Phoebus sa office, wala na si Den doon dahil malamang ay nasundo na ito.

Sir, Can I Be Yours?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon