Chapter 15

290 17 18
                                    

Bawal sa bagets! Huwag makulit!


Chapter 15

The days passed by and it has already more than a month. 

Sa loob ng mga araw na iyon ay walang sinayang na panahon si Theo. He was really doing his best to prove to Carson that his intentions are clear. He always exerts effort to everything he does. Halos araw-araw ay naroon ito sa bahay nila para lang mas magkaroon sila ng mahabang oras na magkakasama. Halos doon na nga ito tumira.

Every weekend, he makes sure that the three of them will go out to spend more time. Minsan ay para magdinner, minsan para magpicnic o kaya ay igagala lamang sa park si Via. There are also days that he will visit them, and he will bring two bouquets of flowers. Isa doon ay ibibigay nito kay Via. Kapag magdadala ito ng pasalubong sa kanya, he will make sure na meron din ang kanyang anak.

Little steps and Carson couldn't deny that she appreciates his gestures. Kahit paano ay naiimpress sya sa binata dahil sa atensyon at pag-aalaga na ibinibigay nito sa anak nya. Mukhang sincere naman nga ito sa pagbawi sa kanila. Kahit busy ito sa trabaho, hindi ito pumapalya na bigyan sila ng oras, parang katulad lang ng ginagawa nito noong nagsisimula pa lang ang relasyon nilang dalawa.

The ringing sound of her phone woke Carson's senses.

Dinampot iyon ng dalaga at tinanggap ang video call. She immediately smiled when Theo's face flashed on the screen.

"Hi! Nasa school na kayo?" tanong nya sa binata.

"Yeah. Sorry, ngayon lang ako nakatawag. Via is already on the pool." He flipped the camera to show Via from afar.

"It's okay." She said. "Thank you for taking care of her today. I just can't really cancel the meeting."

"No problem. We'll just drop by later after her class."

She nodded. "Okay."

Doon kumatok si Mindy sa opisina nya para sabihin na malapit na magsimula ang meeting.

"I have to go. Ikaw na muna ang bahala kay Via ha? Make sure you wipe her back every now and then para hindi matuyuan ng pawis. Her things are all in her bag."

"Hey, relax." He chuckled. "She'll be fine. Just focus on your meeting. We'll see you later."

"Thank you, Theo."

"Anytime."

Ibinaba na nya ang tawag.

Tiwala naman sya na hindi ito pababayaan ni Theo. Pero syempre hindi nya maiwasang hindi mag-alala. Iyon kasi ang unang pagkakataon na hahayaan nyang si Theo lamang ang kasama ni Via. Madalas kasi ay silang dalawa ang kasama ng anak sa swimming class nito. Pero ngayon kasi ay may mahalaga syang meeting at hindi nya magawang i-cancel muna. So, she was left no choice but let Theo go with her daughter alone. Gusto man nyang ipasama sana si Yaya Merced sa mga ito pero mariing tumanggi ang binata. Para naman daw magkaroon ito ng alone time kasama si Via.

Kunsabagay, tama naman ito. Madalas kasi na napagsosolo lang nito ang anak kapag nasa bahay sila. Pero iba pa rin ang sitwasyon kapag nasa labas.

Siniguro muna ni Carson na maayos ang itsura nya bago lumabas sa opisina. The meeting will be held at the nearest restaurant. Walking distance lamang naman iyon sa building nila.

After hours of talking to the client, finally she got the deal.

"I am so impressed." Wika ng kliyente. "Thank you for the wonderful proposal. I couldn't wait to start our first project together."

One More TryWhere stories live. Discover now