Prologue

262 14 6
                                    


Prologue

Nagising si Carson na masakit ang ulo. Pero sa kabila noon ay pinilit nyang bumangon. Nakatulugan na nya ang pag-iyak sa paanan ng kama ni Theo.

Tuluyang nagising ang diwa nya nang maalala ang binata.

Anong oras na ba?

Sa kabila ng pagpintig ng ulo, tumayo sya para hanapin ang cellphone nya. Nakita nya iyon sa loob ng bag nya na naroon malapit sa pintuan ng kwarto. Naalala nyang nabitawan nya ang bag kagabi noong naabutan nyang nag-eempake si Theo.

She took her phone out and saw several messages and missed calls. Ilan doon ang text messages mula sa parents nya, meron din galing sa mommy ni Theo at karamihan ay galing kay Emma. Nalaglag ang balikat ng dalaga ng hindi makita ang pangalan na ineexpect nya.

After what happened, she was still expecting Theo to contact her. Sa paglipas ng magdamag, umaasa syang baka sakaling magbago ang isip nito at tawagan sya. Kahit masakit ang mga sinabi nito, she will still listen to him. Tatanggapin nya ang explanation nito. Huwag lang itong tuluyang lumayo. Hindi nya kaya.

With that thought, her tears started to fall again. Ni minsan ay hindi nya inisip na aabot sila ni Theo sa ganoong punto. Nagkakaroon man sila ng pagtatalo noon pero hindi lilipas ang araw na hindi nila iyon maaayos. Si Theo pa nga ang madalas na makipag-ayos kahit sya ang may kasalanan.

Kaya nga lalong hindi matanggap ng dalaga ang kinahantungan nila ngayon. She didn't know why he gave up that easily. Hindi man lang nito binigyan ng pagkakataon na makapag-usap sila. She was willing to listen. Kahit ayawin pa sya nito, kahit sa kaniya nito ilabas ang galit at sama ng loob. Him, leaving her, was the last thing in her mind.

Hindi muna nya binuksan ang mga messages at inunang tawagan si Theo. Hoping that she'll be able to contact him.

But no, unattented ang cellphone nito.

Kung ayaw nitong matawagan, she'll just go to him.

Sumabay pa ang morning sickness nya sa sakit ng kanyang ulo. Dahil tuloy doon, hirap syang gumalaw habang inaayos ang sarili. Hindi pa naman sya pwedeng uminom ng gamot nang hindi nagpapakonsulta muna sa doctor.

Nang tuluyang makapag ayos ay saka sya lumabas sa kwarto. She was greeted with extreme silence of the house. Dati nang tahimik ang bahay nito pero iba ang katahimikan ngayon. The whole house was screaming with sadness. Kahit nga si Coffee ay tila nararamdaman ang kanyang lungkot dahil naging matamlay din ito.

Masuyo nyang hinaplos ang balahibo ng aso bago tuluyang lumabas ng bahay.

She took a quick look at the house before getting into her car.

She started the ignition and minutes later, she's already driving her way to Theo's condo. Iyon ang una nyang naisip na pwedeng puntahan nito nang umalis ito kagabi.

Pero ganoon na lang ang disappointment nya nang hindi rin ito makita doon. Everything in his pad was left untouched. Kahit noong tinanong nya ang reception ng building kung dumaan doon ang binata, sinabi rin noong wala silang record.

Bagsak ang balikat na umalis sya doon.

She was supposed to be in the office by that time but instead, she drove to his parents' house. Agad syang pinapasok ng katulong noong napagbuksan sya nito ng gate. Pinaghintay sya nito sa living room habang tinatawag nito ang ina ni Theo.

"Hija..."

Agad na tumayo si Carson nang makita ang ina ng binata na bumababa sa hagdan. Nagmamadali din itong bumaba at niyakap sya ng mahigpit nang tuluyang makalapit sa kanya.

One More TryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin