Chapter 3

204 13 3
                                    


Chapter 3

Theo couldn't believe it.

He saw her.

He saw Carson with his own eyes. Hindi lang iyon. Nalapitan nya pa ito. He was so close to her and he had to stop himself from pulling her into a hug and rest his face onto her neck to smell her just like the old times.

Sadly, he cannot do that anymore.

But, damn.

She's still so beautiful. Si Carson pa rin talaga ang pinakamagandang babae para sa kanya. Her curves are perfect. And even after five years, she can still affect him.

It wasn't his first time to see her. He was there last night at the Asia CEO Awards. Siniguro nyang makakauwi sya ng araw na iyon para makaattend sa event. He wouldn't want to miss it. Gusto nyang makita kung paano tanggapin ni Carson ang award na iyon na bunga ng paghihirap nito because she deserves it.

Masayang masaya para sa dalaga.

Sya ang may pinakamalakas na palakpak noong tinawag ang pangalan nito bilang CEO of the Year. He took the farthest seat last night. Gustuhin man nyang maupo sa harapan para makita ng malapit ang dalaga, hindi nya ginawa.

He was scared. Ayaw nyang sirain ang gabi nito.

Pero lahit noong nasa malayo sya, kitang kita nya kung gaano pa rin kaganda ang dalaga nang umakyat ito sa stage. He misses her so much. He misses hearing her voice.

Kasama dapat si Theo sa listahan ng finalists. But he withdrew his spot which took the awards committee by surprise.

Alam nya kasi na sa oras malaman ni Carson na kasama sya sa finalists, baka hindi ito pumunta sa event na iyon. Alam ng binata kung gaano kalaki ang kasalanan nya dito at kilala nya ito. Kahit pangalan na lang, siguradong ayaw na nitong makita o marinig man lang.

Isang patunay ang nangyari kanina.

Napailing si Theo.

He couldn't blame her with the way she acted earlier. Kasalanan nya kung bakit naging ganoon na ito sa kanya. When he decided to go back, naihanda na rin nya ang sarili sa maaring mangyari kapag muling nagkrus ang landas nila ng dalaga. Actually, he was expecting her to slap him or shout at him. But he almost forgot that Carson has one of the most beautiful hearts. Dahil doon ay mas lalo lang syang kinakain ng guilt.

Ni wala nga syang nagawa ng lagpasan sya nito.

Ang inihanda nyang plano sa muling pagkikita nila, ang plano nyang pagkausap dito, ay hindi na nya nagawa. Tinanaw na lang nya ito habang papalayong naglalakad kanina sa kanya.

How did he think that it would be easy to get near her again? He broke her trust, what else did he expect?

Itinuloy na lang nya ang paglalakad papunta sa exit ng hotel. Pero hindi pa sya tuluyang nakakarating doon nang may makasalubong na lalaki.

"Theo?"

Tinitigan nya muna ito, iniisip kung sino. And then it hit him.

"Phil?"

Natawa ang lalaki. "The one and only!"

Masayang nagyakap ang dalawa.

"When did you come back?" Sabi ni Phil.

"Just recently. You, I thought you're in Hong Kong."

"I am staying here for now, need to tend my father's business." Sagot ng lalaki. "Are you staying here for good?"

One More TryWhere stories live. Discover now