Chapter 14

241 17 5
                                    

Chapter 14


"In fairness, close na sila agad 'no?" wika ni Emma habang nakatanaw kina Theo at Via na kasalukuyang nagsu-swimming sa pool.

Naroon sila sa lanai at nakaupo sa rattan chair habang tinatanaw ang mag-ama. Kanina pa sya pinapasali ni Theo na magswimming pero mariing tumanggi sya. Nakasuot na rin naman sya ng swimsuit na pinatungan nya lang shorts pero dahil ayaw ni Via pumayag na hindi sya magbihis kanina. Wala naman talaga syang planong maglangoy. Mabuti na lang dumating si Emma, nagkaroon sya ng dahilan sa dalawa kaya hindi na sya kinulit ng mga ito.

It was Sunday and yes, naroon na naman si Theo sa bahay nila. Kagabi ay late na itong umuwi dahil hinintay pa nitong makatulog si Via – request ng anak na ang binata daw ang magpapatulog sa kanya. Syempre hindi sya tumanggi dahil kahit paano naman ay natutuwa syang nakikitang magkasama ang mag-ama.

Kaya naman ngayong araw, hindi nya inaasahang maaga na naman pupunta doon sa kanila ang lalaki. Gaya kahapon, ito rin ang naghanda ng almusal.

"Via loves him." Inalis na nya ang atensyon sa mag-ama at hinarap ang kaibigan. "Sa sobrang kagustuhan nyang makilala ang daddy nya, ayan hindi man lang nangilala muna nang makita si Theo kahapon."

"Siguro dahil na-set na ang expectation ng anak mo na si Theo nga ang daddy nya. Diba nagkita na sila sa toy store at nakipagchikahan pa nga si Via?"

Carson nodded.

"Pero pansinin mo, mukhang totoo naman ang mga kilos na pinapakita nya sa bata. Baka naman nagbago na nga iyong tao. It has been five years, bes."

Umiling sya sa sinabi ni Emma. "I'm still not convinced. Ako nga nauto nyan dati eh, yung anak ko pa kaya." She said. "Pero natatakot ako na baka isang araw, bigla na lang ulit hindi magparamdam ang isang iyan. Masasaktan si Via."

"Then give him a reason to stay." Sagot ng kaibigan. "Take advantage mo na yung chance na nandito sya. Paano kung talagang gusto naman nya talaga bumalik at nagsisisi talaga sya sa ginawa nya."

"Eh di good. Pero hindi ibig sabihin noon tatanggapin ko sya ulit sa buhay ko. Kung sa kapakanan ni Via, pwede pa."

"Kahit ganyan pa rin sya ka-yummy?" nanunuksong tanong ni Emma.

Out of curiosity naman ay muling ibinalik ni Carson ang atensyon sa pool.

At hayun nga, kitang kita nya ang marahang pag-ahon ni Theo sa pool. Itinukod nito ang dalawang matitipunong braso sa poolside at walang kahirap hirap na inangat ang sarili mula sa tubig.

Tila nagslow motion ang paligid ng dalaga at hindi nya napigilang hindi mapalunok sa nakikita.

Sh*t, those muscles!

Parang biglang may mga nagflash na larawan mula sa nakaraan na involve ang matitipunong braso na iyon ni Theo. She couldn't help but blush. Lalo na noong bumaba ang tingin nya at huminto sa abs nito pababa sa v-line na alam na nya kung saan patungo.

Napailing sya para burahin sa utak ang mga naisip.

"Mm... mukhang hindi ka na nga affected." Puna ni Emma na may nakakaasar na ngiti.

Inirapan nya ito. "Hindi ka nakakatulong."

Ibinalik nya ang tingin sa pool at nasa tubig na muli si Theo dala ang beach ball na kinuha nito sa poolside kanina. Doon naman sya nakita ni Via at masayang kumaway ito sa kanya.

"Mommy, let's swim!" sigaw ng anak.

"Later, sweetheart." Sagot nya pero agad syang hinampas ni Emma sa braso.

One More TryWhere stories live. Discover now