Chapter 2

204 16 4
                                    

Chapter 2

It was 6am and just like the usual, Carson is busy in the kitchen, preparing for Via's breakfast. Maya-maya lang ay gigising na ang anak nya. Ginawa na nyang bonding nilang mag-ina ang kumain ng almusal ng sabay. Kahit kulang ang tulog nya kagabi dahil sa nangyaring event ay ayos lang sa kanya. Nasanay na ang katawan nya doon.

Motherhood is not easy, lalo na sa kanya bilang working mom. She had to make sure her daughter's eating the right food. Bukod pa doon, gusto nyang maging hands on mom dito. Ayaw nyang maramdaman nitong hindi nya ito naaalagaan dahil sa trabaho. Carson will always set her work aside when it comes to Via.

She was already cooking the last batch of pancakes when her phone rang.

Tinanggap nya ang tawag at inilagay sa speaker mode habang patuloy sa pagluluto.

"Hi, Mindy!"

"Good morning, Ms. Carson. Papasok po kayo today?"

"Yes, of course. Prepare the files that I will be using for my lunch meeting."

"Okay, ma'am. Mga anong oras po kayo papasok?"

Napakunot si Carson sa tanong ng sekretarya. "The usual. Why?"

"Wala naman po, ma'am. Sige po, ingat po kayo."

Iyon lang at nawala na ito sa linya.

Napailing na lang ang dalaga at nagpatuloy sa ginagawa. She was already slicing the strawberries for the pancake's toppings when she heard little footsteps. Maya-maya lang ay lumitaw si Via sa entrance ng dining-slash-kitchen. Kinukusot pa nito ang mata at bitbit sa kaliwang kamay ang paborito nitong bunny stuffed toy.

"Hi, sweetheart, good morning!" bati nya dito.

Via gave her a sweet smile and continued walking towards her. Agad na kinarga ni Carson ang anak at pinupog ng halik.

"Did you brush your teeth?"

Tumango si Via.

"Mmm... Paamoy nga."

Via opened her cute little mouth para ipaamoy sa kanya ang hininga nito.

"Very good! Ang bango bango naman ng baby ko." Sabi nya habang patuloy na pinanggigilan si Via. Panay naman ang hagikhik ng bata. "Are you hungry? Look what I cooked for you."

Namilog ang mata nito nang makita ang nakahain sa plato.

"Pancakes!" napapalakpak pa ito sa tuwa.

Noong isang araw pa kasi sya nito kinukulit ng pancakes kaya naman ganoon na lang ang tuwa nito ngayon.

"Upo ka muna doon. Mommy will just finish cooking, then we'll eat together. Okay?"

Tumango naman si Via at umikot sa kabila ng island nang maibaba nya ito.

Iyon ang normal na ganap sa bawat umaga ni Carson. At sa tingin nya, hindi kumpleto ang araw nya kapag hindi nya nakakasabay sa almusal ang anak. May yaya naman ito, naroon din ang mommy at daddy nya na willing mag-alaga sa anak. But of course, as a mom, gusto nyang sya mismo ang makakita sa bawat progress ni Via habang lumalaki ito. Iyon ang isa sa pinakamalaking achievements nya sa buhay bilang ina.

Nagsisimula na silang mag-almusal nang dumating si Cocoy. Kakagising lang din nito. Sa wakas ay nakagraduate na itong kapatid nya at ngayon ay nagtatrabaho na sa Agriq bilang intern. 

Noong nalaman ng pamilya nya na buntis sya, tila naging dahilan iyon para mas pagbutihan nila ang ginagawa sa buhay. Gaya na lang nitong si Cocoy, napansin nya ang malaking pagbabago nito mula doon. He became serious with school at siniguro nitong nakaalalay ito sa kanya noon habang nasa tyan pa nya si Via.

One More TryWhere stories live. Discover now