CHAPTER 13

115 6 6
                                    

Amethyst's POV

"Welcome to Dulce Casa Amore," sabi sa akin ni Aivan habang nakatayo kami sa harapan ng isang napakalaki at gara na gusali. Tila kumikinang ang
paligid, partida labas pa lang 'to, ah.

Medyo nakaawang ang labi ko sa sobrang laki at garbo nito.

"Ang gara naman nito," mahinang usal ko na lang.

"Tristen's parents own this," sabi pa nito kaya naman nilingon ko s'ya.

"Ang yaman naman pala nila?" manghang sabi ko.

"He's the third most rich among us," sabi nito na s'yang kinanuot ng noo ko.

"Us?"

"Yeah,"

"Wdym?" Dahil dito ay nilingunan  ako nito habang salubong ang mga magaganda n'yang mga kilay.

"That means, 'What Do You Mean?'," ewan bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

'Kinakabahan ka kasi, Amy,' sabi ng isang parte ng utak ko.

"We have friends," sagot naman nito at muli nitong binalik ang paningin sa gusali.


Napatingin naman ako rito at ang aristrokratiko nitong ilong ang unang nakaagaw ng pansin ko.


"Buti?" usal ko at dahil sa sinabi ko ay muli ako nitong tiningnan nang masama kaya nanginginig akong nag-peace sign dito.


"I-ilan kayo?" tanong ko na lang.

"Five." Muli nitong binalik ang paningin sa harapan.


"Third? So, that means na may yayaman pa sa kan'ya?" tanong ko pa.

Pang-ilan kaya si Aivan sa ranking nila?

"I don't want to talk about it. Besides, I'm just kidding. We don't compare each wealth. Let's just go inside, instead." Bago pa ako makapagprotesta ay hinuli na nito ang pulso ko at pumasok na kami sa loob.


'Bakit ayaw n'ya pag-usapan? Tsk, edi don't,' sabi ko sa isip ko.

Pero mema rin pala 'to? Memasabi lang.


Sumakay na kami sa elevator at hindi ko nakita anong floor ang pinindot n'ya dahil nasa likod n'ya lang ako.

Halos dalawang minuto at kalahati rin ang lumipas bago bumukas ang pinto at lumabas na kami.

Bahagya pa akong napaigtad nang tumambad sa akin ang kalangitan.

Ang maganda at maliwanag na buwan pati na rin ang mga nagkikislapang mga bituin.

Nilingon ko si Aivan dahil dito.

"Rooftop?" At tumango lang ito.

Tinuro nito ang nasa kaliwa ko at tiningnan ko naman kung ano ang tinuturo nito.

Medyo napaawang ang labi ko sa nakita ko.

Isang mesa na pabilog na pula ang mantel at may magarbong dalawang upuan sa magkabilaan. May mga rose petals sa paligid. Kandila sa gitna ng mesa at kung ano-ano pa ang makikita mo sa isang romantikong date.

Buong taka ko pa ring tinitingnan ang mesa na iyon.

"Tristen's idea," maya maya'y usal nito.

Paglingon ko rito ay nakalahad ang kanang  kamay nito sa akin na s'yang dahilan para mapakurap-kurap ako.

Ano 'to? Hindi ako sure sa gagawin ko.

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon