CHAPTER 2

226 13 0
                                    

Amethyst's POV

"Clean this up," utos ng lalaking ito at pinitik pa nito ang daliri n'ya.

"Yes, boss Aivan," sabay-sabay naman na sabi ng tatlong lalaki maliban lang ang isa.

"Aivan, una na ako," sabi no'ng lalaki na 'di sumagot kanina. Sino ba 'tong lalaking to? ba't 'di n'ya tinawag na 'boss' ang Aivan na 'to? kaibigan n'ya? Hayst, dapat wala akong pake!

Tumango naman itong si Aivan at umalis na ang lalaki.

"Aba sandali! Paano ang boyfriend ko?! I mean, idedemanda ko kayo!" sigaw ko rito pero ngumisi lang ito.

Napaatras naman ako nang humakbang ito palapit sa akin.

"'Huwag mo nang subukan, mag-aaksaya ka lang ng panahon mo tapos papatayin ko pa kayo ng pamilya mo. Want that?" Nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi nito.
Nakakakilabot ang boses nito! Napakamaawtoridad at talagang madadala ka!

"Hayop ka! Wala kang puso!" hinihingal na sabi ko rito dahil sa inis.

"Oo naman. Want to test me?" Tinutok nito ang baril n'ya sa akin kaya napayakap na lang ako sa sarili kong katawan.

"Bang!" Napapiksi ako sa panunukso nito pero nakangisi lang na parang baliw ang loko.

Pakiramdam ko ay parang mabubuwal na ako sa pagkakatayo dahil sa baril nitong nakatutok pa rin sa akin.

"Ayos na po, boss." Sabay kaming napatingin sa tatlong lalaki na nakabalik na.

Binaba na nito ang baril n'ya na nakatutok sa akin kaya nakahinga na ako nang maluwag kahit papaano.

Iba pala talaga sa pakiramdam kapag may baril na nakatutok sa 'yo.

"Now, palabasin n'yo na,
"Ano ang gamit n'yo papunta rito?" Lingon nito sa akin.

"Huh?"

"Do I need to repeat myself?"

"M-motor,"

"Palabasin n'yo na naaksidente ang dalawang 'to at nakaligtas ang babaeng 'to," sabi nito sa tatlong lalaki at tumango ang mga ito at saka mabilis na nagsikilos.

"Teka? imposible 'yon!" sabi ko rito.

"Why?" Naningkit ang mga asul na mata nito sa sinabi ko dahilan para bigla akong makaramdam ng kaba at takot dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Parang ano mang oras ay kakainin n'ya ako nang buhay!

"K-kasi wala akong sugat." Sheps ba't ako nauutal?!

At hindi dapat ito ang sasabihin ko! Para na rin akong pumapayag sa mga ginagawa nila!

Kinurot ko ang sarili ko dahil dito.
'Pumapayag ka ba,Amy?!' inis na tanong ko sa sarili ko.

"Okay, leave it me, I can handle that." Ngisi nito sa akin. A-ano raw?!

"Bakit 'di na lang kayo managot sa ginawa n'yo?!" galit na sigaw ko.
Pero hindi man s'ya umimik bagkus ay biglang umigting ang panga n'ya.
Nainis ko ata.

"Sino ba kasi kayo?!" inis na tanong ko rito.

"Makikilala mo rin ako. Soon." Inilapit pa nito ang bibig n'ya sa tainga ko sa huling sinabi n'ya. Nakakatindig balahibo talaga ang boses n'ya. Maganda na nakakatakot ang boses n'ya, teka? Pinupuri ko ba ang isang mamamatay tao?!

Maya maya ay may kinuha ito sa bulsa n'ya.
"Wear this," sabi nito sabay abot sa akin ng isang panyo.

"Ha?"

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRWhere stories live. Discover now