CHAPTER 6

140 8 0
                                    

Amethyst's P.O.V

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at puting kisame ang bumungad sa akin.

Pumikit-pikit pa ako para magising ang diwa ko. Paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko ang mama ko na nakayuko sa kinahihigaan ko at natutulog.

"Teka, nasaan ako? nasa hospital ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

"Ma," mahinang tawag ko rito at hinawakan s'ya.

Agad naman itong napatingin sa akin.

"Anak, buti naman gising ka na," masayang sabi sa akin ni mama at hinawakan pa nito ang braso ko.

"Sandali lang tatawagin ko lang ang doktor," paalam sa akin ni mama at tumango lang ako.

"Sige, sandali lang." Tipid akong nginitian ni mama at saka na ito lumabas ng kuwarto.

Lumingon-lingon ako sa paligid ko at doon ko lang napansin na ako lang mag-isa rito sa medyo kalakihang kuwarto.

'Sandali? Private ba 'tong hospital kaya nakasariling kuwarto ako?' tanong ko sa sarili ko.

Tatayo sana ako kaso nakaramdam ako ng kirot sa noo at paa ko.

Hinawakan ko ang noo ko at nakapa ko ang gasa sa noo ko at saka ko tiningnan ang katawan ko.

May sugat ako sa kaliwang tuhod, medyo may bugbog naman ang kanan kong tuhod, may mga gasgas ako sa binti at kaunti sa legs. Ganoon din sa kamay ko, may sugat sa magkabilang siko at mga gasgas sa kaliwang kamay.

"Saan ko galing ang mg---" Napalaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko nang maalala ko na kung bakit ako nagkagan'to!

'Yong Aivan na 'yon! Ito ba 'yong sinabi n'ya na s'ya na raw bahala sa mga sugat ko?!

Shems, akala ko biro lang 'yon! Seryoso pala s'ya!

Sleeping pill pala ang pinainom n'ya sa akin?!

Binabalikan ko pa ang mga nangyari sa akin nang makabalik na si mama at may kasama itong doctor.

"May masakit pa ba sa 'yo?" nakangiting tanong sa akin ng doctor pagkalapit nila sa akin.

"Wala naman po." Iling ko rito. Medyo kumikirot lang ang mga sugat ko pero keri ko na 'to.

"Good, well base sa test eh wala ka naman major injuries, kaunting sprain lang sa binti tapos ayan na mga sugat at gasgas na 'yan. Kaya kailangan mo munang mag-stay dito for at least three days," sabi sa amin ng doctor at napatango na lang ako.

"Salamat po, Doc," sabi ni mama rito at ngumiti lang ang doctor.

"Kapag may masakit sa 'yo agad kayong magsabi," sabi pa ng doctor at tumango lang ulit ako.

"Salamat po ulit, Doc," sabi ko naman.

"Sige sige, maiwan ko na muna kayo para tingnan ang mga ibang pasyente. Maya maya ay may nurse na pupunta rito." Ngiti nito tapos lumabas na ito ng kuwarto.

Lumapit naman sa akin si mama.

"Ayos ka lang ba talaga, 'nak?" tanong sa akin ni mama pag-upo nito sa tabi ko at tumango lang ako.

"Ma, private ba 'tong hospital na 'to?" pabulong na tanong ko kay mama.

"Oo anak, bakit?" balik tanong naman ni mama sa akin.

"Duhhh, ma, saan tayo kukuha ng pambayad?" mahinang sabi ko rito pero puno ng diin.

"Bayad na lahat ng mga bills natin, 'nak. Hintayin na lang natin ang tatlong araw sabi nga ng doctor tapos makakauwi na tayo," nakangiting sagot ni mama sa akin.

"Huh? papaano?"
Wala naman kaming pera, ah?

"May nagbayad na raw ng mga bills natin,"

"Sino?"

"'Yon daw nagdala sa 'yo rito." Tumango-tango na lang ako sa sinabi ni mama. Si Aivan.

"Ma, nasaan pala si Crystal?" pagkuwan na tanong ko kay mama.

"Nasa school pa 'yon," sagot naman ni mama.

"Teka, kilala mo ba 'yong nagdala sa 'yo rito?" agad naman din na tanong ni mama na medyo nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Hindi po eh, bakit 'di n'yo inalam, ma? Kayo gising kayo, ako hindi, eh," pagkukunwari ko kay mama.

"Ayaw daw ibigay ang pangalan sabi ng mga nurse," sabi naman nito.

At napabuntong hininga na lang ako.

Nilukob muna kami ng saglit na katahimikan.

"Nagugutom ka ba?" maya maya'y tanong pa ni mama.

"Hindi po," tipid na sagot ko.


Ilang sandali pa ay dumating ang mga magulang ni Earl na medyo mugto ang mata. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibd*b nang makita sila sa ganoong hitsura. Mukhang alam ko na ang sasabihin nila.

"H-hija." garalgal ang boses ni tita habang lumalapit ito sa akin at 'di na n'ya napigilan ang pagtulo ng mga luha nito. Yumakap ang ginang sa akin at niyakap ko naman ito pabalik.

"Si Earl," pumiyok pa ang boses nito dahil sa pag-iyak.

"W-wala na ang anak ko. Wala na ang b-boyfriend mo." Humagulgol na ito na s'yang dahilan para makaramdam ako ng mabigat sa dibdib ko habang umiiyak din.

"N-nasaan po s'ya?" Sumisinghot na tanong ko rito nang kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Nasa morgue na s'ya ng hospital na 'to," sagot naman ni tita Jasmine.

"Dito po?" At tumango-tango naman si tita bilang sagot.

"G-gusto ko po s'yang puntahan," sabi ko pa rito at pinilit kong tumayo pero nabigo ako at napadaing lang ako dahil kumirot lang ang mga sugat ko.

"Huwag na muna, naiintindihan naman namin," sinserong sabi sa akin ng mama ni Earl.

"Sige na, maiwan na muna namin kayo. May mga aasikasuhin pa kasi kami. Tiningnan ko lang kung may malay ka na at mabuti naman dahil gising ka na nga," naging medyo relax na ang boses ni Tita at tumango lang kami ni mama.

"Sige po, ingat po kayo." Ngiti ko naman sa mag-asawa.

Umalis na ang mga magulang ni Earl na ramdam ko kung gaano sila kalungkot sa pagkawala ng anak nila.

"Ma, nasaan ang phone ko?" Baling ko kay mama makalipas ang ilang minuto simula nang lumabas ang mga magulang ni Earl.

"Heto," sabi nito sabay abot sa akin ng phone ko.

Pag-on ko ng phone ko ay may isang text ang naka-rehistro sa monitor ng phone ko.

"Master Aivan?!" inis na basa ko sa pangalan ng sender. Mahina lang ang pagkasabi ko dahil baka marinig ako ni mama. Buti na lang 'di ginalaw ni mama phone ko.

In-unlocked ko ang phone ko para mabasa ang text nito.

"Sorry my woman for what I've done to you. I don't really want to hurt you." Binasa ko ito sa isip ko at agad na in-off ang phone ko. Wala akong balak na reply-an ang mokong. Inis at galit ang nararamdaman ko sa Aivan na 'yon ngayon.

"Sorry mo mukha mo mokong kang hinayupak ka na hayop ka," inis na sabi ko sa isip ko.

Nag-ayos naman ako ng higa sa kama at inalalayan pa ako ni mama.

Ano kayang mangyayari sa akin sa susunod? Mukhang guy with one word itong si Aivan. Ito ngang pangsusugat sa akin ay nagawa n'ya, paano pa kaya ang two months na sinasabi n'ya?




                              /W.W/

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRWhere stories live. Discover now