CHAPTER 11

115 6 0
                                    

Amethyst's POV

Nakakaramdam ako ng pagtapik sa pisngi ko.

Sa una ay 'di ko iyon pinapansin. Hanggang ang tapik na iyon ay naging nang alog at yugyog.

"Ate, ate, gising na." Napamulat ako at nakita ko na si Crystal pala ang yumuyugyog sa akin at ginigising ako.

Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko para medyo luminaw ang paningin ko.

"Oh, bakit?" inaantok na tanong ko pa rito dahil kusa pa ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko kaya pumikit ulit ako.

"Ate, sa 'yo muna raw ako hihingi ng baon sabi ni mama," sabi nito sa nahihiyang tinig.

Kumunot naman ang noo ko dahil dito.

"Ba't parang nahihiya ka?" natatawang tanong ko rito. Hindi ito sumagot kaya napailing na lang ako.

Nakapikit na kumuha ako ng pera sa pitaka ko na nasa ilalim ng unan ko at inabot iyon sa kan'ya.

"Wow naman, ate!" Nabigla ako sa naging reaksyon nito kaya napamulat ako.

Nagulat ako dahil one thousand pesos ang binigay ko sa kan'ya.

"Bakit malaki, ate? Galante yarne?" Nahihimigan ko ang excitement sa boses nito.

"One week mo nang baon 'yan," sabi ko na lang dito.

"Salamat, ate. Sige po papasok na ako," sabi nito at niyakap ako.

"'Wag ka nang hihingi kay mama, ah," paalala ko pa rito.

"Opo, Ate. Ikaw, te, 'di ka pa tatayo? Oras na ah?" tanong nito sa akin pagkakuwan.

"Ahh, one week ang leave ko kaya 'di pa ako papasok." Tumango-tango naman ito at hinalikan ako nito sa pisngi.

"Bye, ate, pasok na po ako," sabi pa nito sa akin at tuluyan nang lumabas ng kuwarto.
Ako naman ay pumikit ulit.

Saan ko ba galing 'yong 1k?---
Ahhh oo sa pitaka ko nga pala nalagay 'yong binigay sa akin ni Aivan at inalis ko na sa sobre. Twenty thousand din ang mga 'yon.

Maya maya pa ay si mama naman ang pumasok sa kuwarto namin.

"Anak?" tawag sa akin ni mama sa boses na nahihiya.

"Po?" tanong ko at humarap dito.

"Uhm, Puwedeng manghiram ng pera, 'nak?" tanong ni mama habang kinikiskis ang mga palad n'ya.

"Huh? bakit po?" tanong ko rin dito.

"Nasira kasi 'yong jeep ng tito mo tapos 'yong dapat pang-boundary n'ya 'yon 'yong pinangpagawa," paliwanag nito sa akin at tumango-tango ako.

"Magkano po ba?" tanong ko ulit dito.

"Five thousand sana, 'nak,"

"Pero if wala ka namang pera, sige ayos lang," agad na sabi pa ni mama.

Napabuntong hininga naman ako at napangiti.

"Mama, ano ka ba? Wait lang po," sabi ko rito at kumuha ng pera sa pitaka ko.

"Heto po, ma," sabi ko rito sabay abot ng pera.

"Salamat, anak, babayaran ko rin to," mabilis na sabi ni mama pagkakuha n'ya sa mga ito.

"Hayst. Si mama talaga oh, sa tingin n'yo po ba sisingilin ko kayo?" nakangiting tanong ko rito at ngumiti rin ito.

"Salamat talaga, anak." Umupo pa ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko pa rin kasi kayang tumayo kasi medyo mahapdi 'yong dakilang petchikels ko.

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRWhere stories live. Discover now