CHAPTER 7

137 7 0
                                    


Amethyst's POV

Inaayos ko na ang mga gamit ko sa bahay na dinala rito sa hospital.

"Oh anak, ayos na ba lahat ng mga gamit mo?" tanong ni mama sa akin pagka-zip ko sa bag ko habang s'ya naman ay inaayos ang ilan naming mga gamit sa bahay na dinala rito sa hospital.

"Opo, ayos na po lahat." Tipid pa akong ngumiti kay mama.

Tapos na kasi ang tatlong araw na pananatili ko rito sa hospital kaya naman uuwi na kami ngayon.
'Di na ako makapaghintay na pumunta sa burol ni Earl mamaya.


Last night na n'ya ngayon at bukas ng 3:30 pm ang libing n'ya. Hindi ako makalabas eh kahit na gustong-gusto kong pumunta noong mga nakaraang araw.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at 5:00 pm na rin.

"Papunta na sina Crystal para tulungun tayo sa pagdala rito sa mga gamit," kapagkuwan na sabi sa akin ni mama nang maayos na namin ang lahat.

Tinanguan ko na lang si mama.
Umupo muna ako sa kama at si mama naman ay nakatayo lang habang tine-text ang kapatid ko.

Sa tatlong araw na nandito ako sa hospital ay laging may dumadating na mga prutas at mga instant food na galing lahat kay Aivan.

Lagi n'ya kasi akong tine-text at kinukumusta at sinabi n'ya rin na s'ya ang nagpapadala sa akin ng mga 'yon.
'Di ko talaga s'ya maintindihan bakit n'ya 'yon ginagawa.

Tinanong ko na ito kung puwedeng pabayaan n'ya na lang ako pero hindi s'ya pumapayag. Bagkus ay dine-death threat n'ya lang ako at ang pamilya ko.
Hindi ko rin naman kayang sabihin ito kay mama o kahit kanino rito sa amin.

Nagliliwaliw pa ang isipan ko nang dumating na sina Crystal at tito Arnaldo.

"Ate," bati agad sa akin ni Crystal at saka n'ya ako niyakap na ginantihan ko naman.

Si tito Arnaldo na ang kasama sa buhay ni mama since iniwan na kami ng mabuti naming ama. Akala namin mangangabilang bayan lang s'ya, mangangabilang bahay din pala.
Akala ko retired na sa pagiging magician ang ama namin, hindi pa pala. Talented 'yon, eh. Tarentado rin.

"Ate, tara na," yaya na sa akin ni Crystal at s'ya na ang nagbuhat ng ilang mga gamit ko.

Tinanguan ko lang ito.

Sinukbit ko naman sa likod ko ang bag ko habang hawak-hawak ko ang phone ko.

Lumabas na kaming apat bitbit ang aming mga gamit at in-assists naman kami ng isang nurse para makalabas na kami sa hospital.

Buti na lang at kanina pa inasikaso ni mama ang mga papeles dito sa hospital kaya aalis na lang talaga kami, wala nang kinema pa.

At saka gusto ko na talang umuwi kasi feeling ko amoy hospital na rin ako. Feeling ko amoy suwero na ako, eh.
Isa pa nangingilabot ako kapag napapadaan kami sa emergency room, naaawa ako sa mga nakikita kong hitsura ng mga dinadala ro'n, lalo na 'yong mga naaksidente sa motor.

Motor...

Haist, miss ko na si Earl.

Sumakay na kami sa jeep na pinapamasadahan ni tito Arnaldo at ito ang ginawa naming service para makauwi.

Tahimik lang ang naging byahe namin.

Nakatulog pa nga sina mama at Crystal dahil sa pagod.

"Crystal, ikaw na tumulong sa akin sa pag-aayos ng mga gamit, hayaan na muna nating magpahinga ang ate mo dahil pupunta pa 'yan mamaya sa lamay ni Earl," sabi ni mama kay Crystal pagkapasok namin sa bahay.

Actually, lahat kami pupunta. Gusto lang talaga akong pagpahingahin ni mama.

"Sige po, ma," sabi naman ni Crystal at 'di na ako hinayaan na tumulong kaya pumasok na lang ako sa kuwarto namin at umupo sa kama.

Tiningnan ko ang oras at 6:36 pm na.

"Ate anong oras tayo pupunta sa
lamay?" agad na tanong sa akin ni Crystal pagpasok n'ya sa kuwarto namin.

"Mamayang mga alas-otso na lang siguro," sagot ko naman dito.

"Lalagay ko na ba itong mga damit mo sa bag sa drawer mo?" tanong pa nito sa akin habang bitbit ang bag ko sa kamay n'ya.

"Hindi na, sige magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa mga 'yan mamaya." Tumango naman ito.

Inabot na lang nito ang bag ko sa akin at lumabas na muna s'ya ng kuwarto.
Tumayo muna ako at ako na ang nag-ayos sa mga gamit ko sa drawer ko na medyo malapit sa pinto ng kuwarto namin.

Pagkatapos kong maayos lahat ng mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng kuwarto.

Paglabas ko ay nakahanda na ang pagkain kaya sabay-sabay na kaming kumaing lima. May anak kasi si tito Arnaldo na si Allen, pero patay na ang asawa ni tito.

In good terms naman ang lahat dito. Matagal na rin kasi sila mama. Mga eight years na rin sila. Two years after kaming iwan ng magaling naming ama nang makilala ni mama si tito Arnaldo. Sa una ayaw pa nga s'yang sagutin ni mama, kami na lang ni Crystal ang nagpumilit dahil alam naman naming gusto rin s'ya ni mama at deserve rin naman ni mama na maliban sa amin ay may ibang magmamahal at mag-alaga sa kan'ya.

Nang matapos na kami kumain ay nag-ayos na kami papunta sa lamay.
Plain White t-shirt at denim jeans ang suot ko. Black sandals naman sa paa.

Halos ganito rin ang sinuot nina mama at Crystal. Nakamaong naman sina tito at Allen.

Ayos na kaming lahat kaya umalis na kami sa bahay.

Nang makarating na kami kina Earl ay sinalubong kami ng mama ni Earl sa labas at iginaya kami nitopapasok sa loob.

Mugto ang mga mata ng mama ni Earl na s'yang dahilan para makaramdam na naman ako ng kirot sa aking dibdib dahil 'di nila alam ang totoong nangyarin sa amin.

Nakakakonsensya naman talaga.
Napaka-unfair!

Pero bago kami asikasuhin ng mama ni Earl ay bigla itong naging balisa at may kinausap muna itong babae na may hawak na bata.

Akala ng mama ni Earl na hindi ko 'yon napansin, palinga-linga pa nga ang mga ito sa gawi namin.

Pinapasok muna ni tita ang babae sa mas loob ng bahay.

Sino ba 'yong babaeng 'yon?

A/N: Accidentally short kaya hayaan na. Marami adjustments kung gagalawin ko pa. Sorry and thank you!

            
                           /W.W/

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon