Chapter 39

158 4 0
                                    

Chapter 39

"I hope, we can bond soon. Tutal ay mukhang magkaibigan din naman kayo ng anak kong si Amanda," wika ni Mommy.

Nagpaalam na silang mag-iikot muna para tumingin din sa mga paintings.

Ilang minuto din silang magkaka-usap nila Paulo at kahit isang beses ay hindi man lang ako nasingit sa usapan nila. I'm not pretty sure if it's only because they were talking about politics or they just don't really want to talk to me.

Among us, I'm the only one who doesn't looked belong.

"Shall we eat? Are you hungry yet?" Nang mapagod na sa kalalakad at tanong ni Paulo.

Um-oo naman ako at sabay nga kaming kumain. Halos mabusog din ako kakainom ng wine. Tinigilan ko lang ng pakiramdam ko'y bigla na akong nakaramdam ng hilo.

"I bought the painting."

"Talaga? Iyong tinanong mo sa akin kanina?"

"Yup," aniya.

Kaya pala nag-excuse siya saglit. "I was thinking to give it to you if I may," nagulat ako sa sinabi niya.

"Sakin? Why?"

"Because you allowed me to go with you?" patanong niyang tugon.

Ngumisi ako sa kaniya. "Didn't I'm the one who should say that? For the ride?"

Nangiti din siya sa sinabi ko. "Nah, suko na ako. I just really want to give that to you but I'm afraid you will refuse if I don't have a good reason. But since you got me there..." he paused. "... I hope you'd accept that as a gift for a new friendship."

Bumungisngis ako sa sinabi niya. Hindi halatang ganito siya kasentimental.

"I don't want you to think it's a rejection but there's no need for a gift. I'm happy to be friends with you, too," I sincerely said.

Pabiro siyang sumimangot.

"Just as I thought so. But... I already gave your address for the delivery," him, as he continued displaying his disappointed face.

Shock I almost jumped to him. "You what?!"

He just stares at me. "But, h-how did you know my... I mean, you know where I live but, you know my exact unit address?" nagtataka kong tanong.

He pursed his lips making his dimple on show. "Well, the security of the place is strict for outsiders but-"

"Don't tell me you live there, too?!" mas gulat kong tanong.

Napahalakhak tuloy siya. Napatingin tuloy sa amin iyong ibang nasa paligid, nahiya naman tuloy ako bigla.

"No, no... I don't live there," ganoon naman pala. But how did he knew my unit? "But I'm also an investor in that building," aniya.

Napapikit na lang ako. Kung ganoon ay hindi na nga dapat ako magtaka pa kung paano niya nalaman.

"It will arrive on three days," dagdag niya.

"I'll give that back to you," sabi ko.

"Ouch! That hurts," biro niya at nagkunwari pang may masakit sa bandang puso niya. Pabiro ko siyang hinampas.

"Looks like something nice is going on, do you mind if we will join?" Biglang sumulpot si Natasha... at Jeremiah sa tabi namin ni Paulo.

Mukhang kakatapos lang din nilang maglibot.

"Or course, si Amanda kasi. I bought a painting for her but she's telling me she won't accept it," pagsusumbong ni Paulo.

Hindi ko akalaing sasabihin niya iyon sa kanila.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now