Chapter 32

149 5 0
                                    

Chapter 32

"Si Natasha? Nasaan pala siya ngayon?"

Ako na ang nagtanong. Nanahimik kasi si Jeremiah matapos ang huli niyang sinabi na hindi ko na sinagot.

Bumibigat na ang hangin sa loob ng sasakyan niya kaya nagtanong na lang ako tungkol sa ibang bagay. Hindi ko naman gustong gawing topic si Natasha pero wala na akong ibang maisip na itanong.

"She went to Canada to visit her parents."

Oh, kaya pala hindi sila magkasama ngayon.

"She's from Canada pala. Bagay kayo." Damn, Amanda! Saan nanggaling 'yon?!

Napanguso ako sa sarili kong salita. Bakit ko ba sinabi iyon? Hindi ko tuloy matignan si Jeremiah. Baka sabihin niya ang plastik ko. Pero sa totoo lang, bagay naman talaga silang dalawa kung histura lang ang pagbabatayan. Maganda si Natasha, g-gwapo din si Jeremiah.

"Well, thanks. I'll take that as a compliment," he said.

"Well, that's a compliment!" mabilis kong bawi. Sinasabi ko na nga ba. Iba ang naiisip niya sa sinabi ko.

"She's beautiful and sexy. Mabait din siya... so, bagay naman talaga kayo," pagpipilit ko pa.

Tumawa siya ng bahagya. Aba! Parang hindi pa ata siya naniniwala, ah! Totoo naman ang mga sinasabi ko.

"You're right. She's beautiful, sexy and kind. She has a nice personality," dagdag niya sa magagandang bagay na sinabi ko tungkol sa girlfriend niya.

Pareho lang naman kami ng pagde-describe kay Natasha pero nung sa kanya na nanggaling parang tumabang ang panlasa ko. Lalo na nang mabanggit niya ang salitang personality.

Pinatatamaan niya ba ko?

He witnessed all my bratty attitude before. Even all my deperate moves just to get what I want.

"Only that we already broke up."

Natigil ang kung anu-anong mga iniisip ko dahil sa sinabi niya.

Ano?!

N-Naghiwalay na sila?!

"W-What?!" gulat na gulat kong tanong.

Hindi na siya sumagot pero napadiin ang hawak niya sa manibela. Hindi ako makapaniwala.

Kelan ko lang sila naabutang magkasama sa unit niya at mukhang ayos naman sila noon. Ilang beses ko pa nga silang nakitang magkasama. Tapos ngayon break na sila?

Anong nangyari?

"What happened?" hindi ko na napigilang itanong. I'm not always curious about other people's lives but this one is just different.

"Y-You don't have to answer. Nabigla lang ako," biglang bawi ko din sa sinabi ko.

I don't want him to think that I'm a nosy person.

Ilang saglit siyang hindi nagsalita kaya akala ko ay hindi niya na sasagutin ang tanong ko. Nakarating na kami sa supermarket at pababa na ng kotse niya ng sumagot siya.

"Because I'm a jerk," he said.

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mapagtanto kong may bahid ito ng lungkot. He must be really in love with her. Nakakahawa naman tuloy ang lungkot niya.

"T-Tara na, b-bilisan na lang natin para makauwi na agad." Nauna na akong bumaba.

Ayoko na sa loob ng kotse niya, nahihrapan akong huminga.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now