Chapter 28

146 4 0
                                    

Chapter 28

Mabibingi na ata ako sa lakas ng dagundong ng puso ko. But it's a long over due. I have taken so many chances. Gave it so many excuses.

Sigurado na ako ng ibinigay ko ang puso ko sa tatlong salitang iyon. Hindi sobrang lakas ang pagkakasabi ko niyon pero sapat na sana para marinig niya... kung hindi lang dumating si Natasha at nagsalita kasabay ko... ng mas malakas.

"Oh, babe!" Tumakbo na papalapit sa amin si Natasha. Napako na din ang mga mata ni Jeremiah sa kaniya.

Damn!

"Amanda! Nandito ka din pala." As usual, Natasha greeted me nicely. "Babe, buti nakita kita, I was about to get inside. What are you guys doing here?"

Maaliwalas ang mukha ni Jeremiah ng sagutin niya ang tanong ni Natasha. Tumingin din siya sa akin kung paano niya ako normal na tignan.

Isa lang ang ibig sabihin noon... hindi niya narinig ang sinabi ko.

Parang may bumundol sa puso ko. Just when I thought I can let that out... well I did, technically. Nasabi ko naman sa kaniya. Hindi niya lang narinig dahil sa pagdating ni Natasha.

Kung kailan ko ulit makakayang sabihin iyon sa kaniya, iyon ang hindi ko alam.

"I-I'll go ahead," paalam ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nilang dalawa at kahit pa nga narinig ko pa ang pagtawag ni Natasha sa pangalan ko ay nagpagnggap na lang ako na walang narinig at nagdire-diretso na lang pabalik sa condo.

Halos magdadalawang linggo na din ng mangyari iyon.

Hindi mawala sa isip ko kung sa paanong paraan ko dapat sabihin ang tungkol kay Jerico kay Jeremiah.

Maybe I got interrupted by Natasha because it wasn't the right time to tell him that? Or is it even still right to tell him about our son?

It's getting complicated. Mas nahihirapan ako ngayong mayroon ng Natasha.

Kakatapos ko lang i-assist ang isang buyer. He's a young gentleman. He bought a painting as a gift to his wife.

Hindi naman gaanong marami ang tao ngayon. Actually, madalas ay hindi talaga madami ang tao sa gallery, sapat lang.  Napansin kong mas matao ang gallery na pinagtrabaguhan ko sa France kaysa dito kahit na mas malaki at mas marami ang painting sa gallery na ito. Madalas pa nga ay mga foreigners pa ang bumibisita dito.

Bumaba ako sa first floor para tulungan ang iba pang mga potential client. I got shock when I saw someone familiar to me.

Napatingin din sa akin ang mag-asawang Amoroso.

I don't know how to react. Hindi din ako nakaalis sa kinatatayuan ko hanggang sa sila na mismo ang nakalapit.

"Miss Vicencio, tama ba?" Ang nanay ni Jeremiah ang nagtanong. Nakakapit siya sa braso ng kaniyang asawang si Mr. Jeremaiah Amoroso, ang tatay naman ni Jeremiah.

"Nakabalik ka na pala," dugtong pa ni Mrs. Amoroso.

Malumanay ang boses niya hindi ko tuloy maiwasang mahiya. They don't have any reason to be good to me. Puro gulo lang ang nadala ko sa pamilya nila, lalo na kay Ramona. She became the collateral damage of my greediness to have Sechan before.

Tapos na nga ang mga pangyayaring iyon pero alam kong katulad ko ay hindi pa din nila iyon nakakalimutan.

"O-Opo... kababalik lang din po," mahinahon ko din namang sagot.

I remember the night when I lashed out to them. It's been a while since I visited that memory... not a good thing to be reminisced about, though.

Napangiti naman sa sagot ko si Mrs. Amoroso. Siguro'y iniisip niya na baka kagaya pa din ako ng dati. Nakakahiya naman.

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now