Chapter 07

3.5K 71 0
                                    

Chapter 07

----

Akala ko iyon na ang una athuling pagkakita ko kay Gerald. Inaamin ko, may mga sandaling gusto kong subukang magmahal muli ngunit dapat ay mahalin din ako. Nakakatakot nga lamang dahil dalawang beses ko ng sinubukang ibigay ang hilig ng katawan at puso ngunit naging mapait lang na nakaraan ang aking napala. At hanggang ngayon, dala-dala ko parin ang takot na iyon.

Kinabukasan nang papasok palang ako sa aming gate ay may biglang kumalabit sa akin. Biglang may kumuha na naman sa notebook ko na nakaipit lang sa aking kili-kili. Late na ako noon sa klase ko ngunit heto siya't parang alam lahat ang schedule ko pati ang oras ng aking pasok.

"I will only return this kungpayag kang samahan ako for dinner." natatawa niyang paglalayo sa mga notes ko sa tuwing kinukuha ko iyon sa kaniyang kamay.

"Late na ako. Give that back please." Pagsusumamo ko. Malapit na kasing maubos ang pasensiya ko. Pasalamat siya cute siya sa araw na iyon sa paningin ko atkapag tumatawa siya ay lalong nagiging guwapo siya. Napakaboyish niya lalo na noong parang nakikipagbasketball pa ang dating niyang nilayo-layo sa akin ang notebook.

"Do you know how to accept deals? I am offering a fine arrangement. Dinner tonight with me, yeah?"

"You are such an easy go lucky spoiled brat."

"No, I am witty, gorgeous, well-off and delectable guy in the campus and you are the most boring goodlooking and intelligent chap I've ever known."

"You're wrong, I am the yummiest intellectual yet poor student that has a plenty of dreams. Now, give me my notes and go back to where you belong."

"Bakit ba ang hirap mong yayain?"

"Kasi mahirap ka ding kausap."

"Ano bang gusto mong pakiusap sa iyo? With matching whiteroses and chocolate pa ba?"

"Kung kaya mo bang gawin bakit hindi." pagbibiro ko sa kaniya.

"Hay boring." Nagkukunyarian siyang malungkot. "Okey, heto na ang notes mo. Go ahead... I have a class too. See you mamayang 6:30. Alam ko kasing iyon ang oras na lumalabas ka ng gate. Huwag ka ng magtanong kung bakit alam ko. Reserve that question in ourdinner."

"Hey, what made you think that I accepted your deal?"

"Whatever Gerald likes, Gerald gets it." Kinindatan niya ako at ngumiti.

Halos manghina ang tuhod kosa nakita kong pagpapacute niya dahilsa totoo lang, tinamaan na ako ng kakaiba sa kaniya. Pero hinay-hinay lang Mario. Friendship lang ang kaniyang gusto. At... ayaw ko ng muling masira pa dahil sa tibok ng puso at tawag ng laman. Tumalikod ako at kahit sa klase ay ngiti niya ang patuloy na tumatakbo sa aking isip.

Pagkatapos ng klase ko ay lumabas na ako ng gate. Naglalakad ako nang biglang may humintong magarang Lexus RX sa tapat ko. Bumukas ang pintuan at bumaba ang nakangiting may edad ng driver.

"Sir, chocolates po saka white roses."

Pumasok kaagad si Gerald saisip ko. Ginawa nga niya. Namula ako.Tumingin ako sa paligid dahil parang nahihiya akong tanggapin iyon. Hindi ako sanay na binibigyan ng atensiyon ng kapwa ko lalaki. At ano itong chocolates at white roses na kadramahan. Isang napakalaking kalokohan.

"Nasa'n po yung nagbigay niyan kuya?" tanong ko habang kinukuha ko ang iniabot sa akin bago mapansin pa ng ibang mga dumadaan.

Binuksan ng driver ang sasakyan at tumambad sa akin ang ngumingiting si Gerald. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero mas naisip kong ituloy ang pagkahard to get. Lumapit ako.

EVERYTHING I HAVE [completed]Where stories live. Discover now