Chapter 04

3.5K 67 0
                                    

Chapter 04

----

"Anong nangyari sa iyo Richie?" tanong ng aming coach. Lahat na din ay nagising dahil sa pagkabukas ng ilaw ngunit ako ay nanatiling parang tulog. Nanatiling nagkukunyariang parang tulug na tulog. Nanginginig na ako. Isang napakalaking kahihiyan ang ginawa kodahil malalaman na lahat ang matagalko ng sikreto. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa alam kung paano ako aamin kunsakali. Hindi ko din alam kung paano ako muling makikitungo. Parang napakatagal ang pagiging tahimik ng paligid ko.

"Wala Sir, pasensiya na po. Nananaginip lang po ako."

Nakahinga ako ng malalim. Sobrang nagpapasalamat ako noon dahil pinagtakpan niya ako. Ngunit hindi na ako dinalaw pa ng antok. Takot na din akong masaling ko pa siya.

"Mag-usap nga tayo p're." iyon ang salitang kinagulat ko kinaumagahan pagkatapos ng aming laro.

Nilingon ko siya ngunit hindi ko matagalan ang pagkakatitig niya sa akin. Para akong natutunaw sa hiya. Kung maari ko lang sana siyang iwasan kinaumagahan ay ginawa ko nangunit naroon na ako. Kailangan ko nalang harapin ang bunga ng aking ginawa.

"Anong ibig sabihin ng ginawamo sa akin kagabi? Bakla ka ba?"

Hindi ako makasagot. Hindi koparin kayang aminin ang aking pagkatao. Hindi din naman kasi ganoon kadaling aminin dahil hindi ko alam kung ano ang epekto niyon sa akin, sa aming dalawa at sa buong team at campus.

"Hindi ka makasagot di ba? Pinagkatiwalaan kita. Sana naman naging totoo ka sa akin tapos ang masakit, ako pa ang kinakatalo mo. Akala mo ba hindi mo alam na naramdaman ko ang mga ginawa mo kagabi sa akin? Tang ina naman, andaming babae diyan pero ako pa angkinatalo mo. Sayang ka. Sayang dahilganda pa naman ng tindig mo, anggwapo mo pero anong silbi pa niyan e bakla ka naman pala. Dami mosanang paiiyakin na babae. Pasensiya ka na pero ayaw kong magkaroon ng barkadang silahis."

Napakalutong ng tawa niyanginiwan ako doon. Wala akong nasabi. Hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko. Basta walang lumalabas sa akin na kahit anong kataga kung ang usapan ay tungkol sa aking pagiging bakla. Parang iyon lang ang tanging kahinaanko na hindi ko kayang ilaban sa kahit sino. Kung alam niya kung gaano ko siya minahal. Kung sana alam lang niya na mula grade six namin ay siya na ang tangi kong pinagpantasyahan. Tapos sa isang hindi ko lang mapigilanna bugso ng kalibugan ay tuluyan nasira ang tiwala at pagkakaibigan namin. Iyon ang masakit. Ilang taon kong iningatan ang aming pagkakaibigan. Ilang buwan kong hinangad na mapansin niya ako at magiging barkada pero sa isang paghaplos, sa isang gabing nalunod ako ng tawag ng laman ay tuluyan na siyang lumayo sa akin. Oo nga't nadaming babae, sobrang dami ng babae at kung sana kaya ko lang baguhin ang aking nararamdaman. Kung katulad lang sana ng pagbibihis ng damit ang pagbabago ng pagkatao ay matagal ko ng binihisan ng binihisan ang diyaskeng damdamin na ito. Bakit ganoon ang sinasabi? Kapagba bakla ako ay sayang na ako? Kapag ba bakla ako wala ng pakinabang ang mundo sa akin? Kapag ba bakla ako wala na din silbi ang tindig ko't kaguwapuhan? Alam kong hindi. Iyon ang gusto ko sanang maintindihan niya na hindi porke bakla ako ay sayang na ako bilang tao. Umagos angluha ko. Tama, umiiyak ako dahil sa sakit ng loob. Dahil sa pagkabigo ko. Hindi ko gustong magtapos ang pagkakaibigan namin ni Richie ng gano'n lang ngunit pinilit kong tanggapin. Pinilit kong intindihin.

Akala ko hanggang doon na lang lahat ngunit pag uwi ko sa bahayat hinanap ko ang dinala kong diary sasportfest ngunit wala na sa mga gamit ko. Hindi maaring mawala iyon sa mga loob ng bag ko dahil alam kongkahit dinala ko man iyon ay hindi ko nagawang inilabas. Si Richie ang mabilis na nagrehistro sa utak ko. Ngunit bakit at para saan? Hindi na ako naktulog sa gabing iyon. Alam kong sa oras na iyon, kung siya man ang kumuha no'n ay alam na niya lahat ang buo kong sikreto sa kaniya, sa pamilya ko at kay Juvie.

EVERYTHING I HAVE [completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant