Chapter 10

2.7K 63 0
                                    

Chapter 10

----

Nang dumating siya ay napakarami niyang pinamili. Masayang-masaya siya at hindi ko alam kung paano ko simulang kausapin. Yun bang ayaw mo sanang sirain ang mood ng isang tao lalo pa't may favor siyang ginagawa para sa'yo.

"Baby, tulungan mo naman akong iayos ang mga pinamili ko oh, heto bumili ako ng ice cream mo saka yung paborito mong chocolate cake...."

Hindi ako sumasagot. Hindi ako kumilos. Parang walang narinig.

"Aba, suplado." tatawa-tawa niyang sinabi.

Kumanta-kanta siya habang mag-isa niyang nililigpit ang mga pinamili. Parang sa tingin niya ay ayos lang ang lahat. Pagkaayos niya sa mga pinamili sa Ref at sa cabinet ay muling nagpasuyo.

"Bumili pala ako ng isda baby, namimiss ko na kasi yung fish sweet and sour na luto mo. Ipaglulutomo ako ha?"

"Magluto ka ng lamunin mo!" mabigat ang pagkakasabi ko.

"Galit? Ha ha! Paano kung masusunog ko na naman? Masasayang lang." parang hindi siya tinamaan.

"Masasayang lang? Di ba, kayong mga mayayaman hindi niyo alam ang salitang sayang? Meron nga diyan, makasama lang niya ang kalaguyo niya sa ibang bansa ay kaya niyang lumiban sa kaniyang klase at handa niyang i-drop lahat ang mga subjects niya."

Tumingin siya sa akin. Paranggusto niyang magtanong ngunit ramdam kong pinigilan lang niya ang sarili. Kumuha siya ng platito. Naglagay siya ng cake doon. Ibinalik at kumuha siya ng kopita, nagsalin doon ng ice-cream. Ibinalik niya sa Ref ang ice cream. Nakangiti paring lumapit sa akin dala ang kopitang puno ng ice cream. Inabot niya iyon sa akin ngunit hindi ko tinanggap.

"Binasa mo mga text sa akin?Bhie, kailan mo pa naging ugali ang makialam sa celphone ko na hindi ka nagsasabi?"

"Mula no'ng nagbago ka. Mulanoong nakita ko kayo ni Joey sa isang restaurant na gusto kong lumabas tayo ngunit mas pinili mong makipagkita sa kaniya."

"Anong nangyayari sa iyo?" nilapag niya sa mesa ang ice cream.

"Ang tanungin mo ay anong nangyayari sa atin. Sino si Joey sa buhay mo? Bakit lagi kayong magkasama na pumupunta sa Houston at anong karapatan niya sa buhay mo para ipa-drop ang mga subjects mo."

"Baby naman, Joey is.... He's my friend. A family friend."

"Sinungaling!"

"Bakit ka pa nagtanong kung hindi ka rin lang naman pala maniniwala sa isasagot ko."

"Dahil hindi iyon ang totoo. Maiintindihan ko naman kung kausapinmo ako sa magandang paraan e, at hindi dadaanin sa pagsisinungaling at pagtatago tungkol sa kaniya."

"Bhie, makinig ka sa akin. Gusto kong..."

"Anong kalokohang makikinig ako sa iyo! Ikaw ang makinig sa akin dahil unang-una ikaw ang gumagawa ng katarantaduhan. Anong nagustuhan mo kay Joey ha? Dahil ba mas guwapo siya, mas maganda ang katawan, mas magaling sa kama, mas matalino! Anong mayroon siyang wala ako? Mayaman siya katulad mo at napapagod ka ng gastusan ako? Kung iyon ang dahilan, sabihin ko sa iyong kaya kong mabuhay ng wala ang mga binibigay mo sa akin. Ikaw ang nagpumilit na bigyan ako kahit ilang beses na akong tumanggi dahil nga parang naiinsulto ako. Kahit ayaw ko ay pinagbigyan kita. Kaya kong magtrabaho para sa sarili ko."

Umupo siya. Tumingin siya sa akin. Nangingilid ang mga luha. Parang gusto niyang magsalita ngunit sa tuwing bumubuka ang kaniyang bibig ay hindi niya tinutuloy ang sasabihin hanggang tuluyan na lang siyang yumuko.

EVERYTHING I HAVE [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon