Chapter 15: FINAL CHAPTER

5K 146 92
                                    

Huling Bahagi

Pagkababa namin sa mga ilanggamit namin ni nanang sa sala ng bahay ay hinanap ko kaagad si Gerald.Namimiss ko na siya ng husto. Ngayon ko gustong bumawi sa kaniya. Gusto kong punan ang ginawa kong pagpapahirap sa kaniyang kalooban. Ang ilang buwan niyang pag-iyak. Anghindi ko pakikinig sa kaniyang mga pakiusap sa akin. Ang kaniyang pagmamakaawang hindi ko tinugon. Sa kabila pala ng paglayo ko sa kaniyaay wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ayusin ang pamilya ko. Siyaang dahilan kung bakit ko nahanap at nakilala ang ama ko. Siya din ang gumawa ng paraan para lumaya si nanang sa kulungan. Siya din ang humiling na dapat ay magkakasama nakaming buong pamilya sa iisang bahay.Lahat na ay ginawa niya sa akin. Lahat na ng meron siya ay buong puso niyang ibinigay kapalit man niyon ay ang sobrang pagpapahirap ko sa kaniyang kalooban.

"Nasaan si Gerald yaya?" tanong ko nang makita ang yaya niyang pababa sa hagdanan.

"Nasa kuwarto po niya Sir. Puntahan niyo na lang. Diretso ho kayo dito at kakaliwa kayo."

Halos liparin ko ang hagdanan at nang buksan ko ang pintuan ng kuwarto niya ay nakita ko siyang tulog habang nakaupo sa may ulunan niya si Joey. Lumapit ako sa kaniya atpinagmasdan siya. Hindi na siya 'yung dating Gerald na makulit nang makilala ko siya sa library...ang guwapong Gerald na humahablot sa notebook ko... ang makisig na Gerald na tiga hatid-sundo ko, ang mala-Adonis na Gerald na kumakanta habang nagluluto ako at mapagmahal kong baby na siyang minahal ko ng husto. Pumayat siya ng husto. Mapusyaw at kalbo. Tulog siya nang dumating ako at ang pagkakita ko sa ganoong sitwasyon ang tuluyang nagpahina sa akin. Hindi ko naisip na madatnan ko siya sa ganoong kalagayan. Wala sa isip kong may sakit siya at bago ako nakapagsalita ay tumulo na ang aking luha. Hinila ako ni Joey sa labas ng kuwarto.

"Ako ang family doctor nila. Ito din ang dahilan kung bakit kami pumupunta ng Houston. Ayaw niyang mag-alala ka sa sakit niya. Gusto niyang manatili siya sa iyo katulad nang nakilala mo siya. Pinipilit niyangmakipagkita sa iyo kahit inaatake na siya ng halos hindi niya makayanang sakit. Hindi ko siya mapigil na puntahan ka kahit maysakit siya kayanga lagi niyang dala ang mga gamot niya kahit saan kayo magpunta. Lahatay gusto niyang gawin para sa iyo. Hindi niya inisip ang sarili niya. Ang laging sinasabi niya kapag nasa Houston kami ay lahat ng ginagawa niya ay para sa iyo. Gusto niyang gumaling para sa iyo. Ayaw niyang mamatay siya dahil hindi niya kayang iwan ka." Nangingilid ang luha ni Doctor Joey.

"Wala na ba siyang pag-asanggumaling, Dok?" humihikbi kong tanong.

"Malapit ka ng maging doctor. Alam kong nagkakainitindihantayo kung sasabihin ko sa iyong GradeIV na ang tumor niya. Which means the tumor grows very aggressively and it so impossible to treat lalo na ay kumalat na din ang cancer cells sa utak niya nang maipakita namin sa Anderson Cancer Center dahil alam kong iyon ang pinakamahusay na hospital ng cancer sa buong mundo. Sa tuwing umaalis kami noon ay lagi niyang nirereklamo ang sakit ng pagkakalayo ninyo hindi ang sakit na nararamdaman niya. Ngunit kailangan niyang gawin iyon para humaba pa angbuhay niya at magkasama kayo. Puno siya noon ng pag-asa. Lahat ay ginagawa niya gumaling lamang siya ngunit nang iniwan mo siya, tuluyan na rin niyang pinabayaan ang sarili na parang wala nang ganang ituloy pa ang kaniyang laban. Mas nagiging pursigido pa siya sa kaso ng nanang mo kaysa sa pagpapagamot niya dahil ayon sa kaniya, gusto niyang iwanan ka ng isang buong pamilya at masaya na siyang mamatay kung makita niyang nagiging buo na kayo."

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang lahat ng ito noong nag-usap tayo dok?" di ko mapigilan ang di mapahagulgol.

"Hiling niyang hindi mo na dapat pang malaman ang kondisyon niya dahil nga pursigido siyang magpagaling. Tiwala at buo ang pag-asa niyang gagaling siya dahil sa pagmamahal mo. Ayaw niyang mag-isip ka ng iba kundi ang pag-aaral mo lang dahil alam niya kung gaano iyon kahalaga sa iyo. Gusto niyang mapanatili mo ang iyongkonsentrasyon sa pag-aaral."

EVERYTHING I HAVE [completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora