CHAPTER THIRTY-ONE : 7TH AND 8TH TARGET

60 6 0
                                    

ELI'S POV

One week later*

Ready naba kayo?. Tanong ko sakanila maskarade ball naman ito kaya naka maskara kami mahaba habang gabi ito kaya dapat ready sila ngayon na rin maisisiwalat ang pag kamatay ng kapatid ko

Isinuot ko na ang maskara ko naka suot ako ng itim na gown at maka gloves din na itim habang sina mark at albert ay pumuwesto na

Papasok na kami ngayon sa ball pag kapasok ko palang ay agad na akong sinalubong ni calvin at inilahad ang palad niya saakin tumingin lang ako sakaniya at inabot ang palad ko hinalikan niya ito saka ako inalalayan papasok sa loob

Hindi ko aakalain na umaattend ka pala sa gan'to,. Bulong niya sakin habang papalapit kami kina amaya

Syempre hindi ko dapat palampasin ang gabing to". Naka ngiti kong sabi tumingin tingin ako sa paligid para hanapin si francis at Charlie pero dahil nga medyo madilim at naka mask sila ay nahihirapan akong hanapin sila

Sinenyasan ko naman si mark na nakatayo sa hindi kalayuan na hanapin ang target para bago mag simula ang ball ay maisagawa nanamin ang plano

Okay kalang? May hinahanap kaba?. Tanong nito sakin

Wala naman tumitingin tingin lang ako sa paligid",. Sambit ko at lumapit na kami kina amaya

Nga pala puwede ba tayong mag usap mamaya pag katapos ng party?. Tanong ni calvin napahinto naman ako

Para saan?. Tanong ko

Basta ". Sagot niya at ngumiti ganon din ang mga mata niya napangiti lang ako at nag patuloy na kami mag lakad

Oyy! Eli akala ko hindi kana makakarating". Naka ngiting sabi ni amaya

Puwede ba naman yon, eh nanjan si calvin oh!. Pang aasar naman ni alice

Hayss tumigil nga kayo ako nanaman target ninyo". Sabi ko

Good evening ladies and gentlemen thank you for coming every one im ms. Rachel panganiban im your mc for today's ball , so first thing to do is syempre dance go find your partner and after the ball ended mag kakaroon tayo ng botohan para sa mr. And ms. Maskarade ball enjoy the party". Sambit niya at nag palabas na ng confetti saka siya bumaba sa stage

Tara sayaw tayo?. Tanong ni calvin bigla naman tumugtog ang ain't met us yet  ni Matt cooper

Inabot ko ang kamay ko sakaniya at sumayaw kami sa gitna inilagay niya naman ang mga kamay niya sa bewang ko at ako naman ay sa balikat niya mag katitigan lang kami habang naka ngiti bali nasa gitna kami habang yong ibang nasayaw lang ay nasa tabi

Parang bumabagal ang takbo ng mundo no'ng mga oras na yon parang kami lang dalawa sa mundo hinihiling kong sana hindi na matapos ang tugtog at manatili lang kaming gan'to hanggang sa matapos ang araw

Masaya ako dahil nakilala kita eli'. Sambit niya ngumiti lang ako sakaniya at natapos na ang tugtog nakita ko naman si albert na nakatayo sa isang gilid at sinenyasan ako sumunod ako sa kaniya ng matapos ang tugtog ay nag paalam ako kay calvin na mag ccr lang ako pinayagan niya naman ako kaya nag madali nakong pumunta sa dako nina albert

Pumasok na kami sa basement ng hotel kong saan nagaganap ang ball at ng makita ko kong sino ang nahuli nila ay si Charlie pala

Nasan na si francis?. Tanong ko kay albert

Hinahanap na po siya ni mark". Sagot niya sakin

Basta itira niyo siya kailangan kong malaman ang katotohanan ng gabing yon". Sabi ko

E ano pong gagawin natin sa 8th target?. Tanong niya

Patayin niyo na hindi naman na natin kailangan yan". Sambit ko naka tali si charles ngayon sa isang upuan pati narin ang mga bibig niya

Papatayin ko na po ba ngayon?. Tanong ni albert

Wag muna hintayin muna natin si francis para naman makita niya kong paano patayin ang kaibigan niya, sundan mo na don si mark tapos dakpin niyo na agad si francis kapag nakita niyo siguraduhin niyong walang makakapansin sainyo". Sambit ko at umalis na naman si albert sa loob ako muna ang mag babantay sakaniya

Naka upo lang ako sa isang upuan sa tapat ng pinag kakagapusan ni charlie ng ilang minuto pa ang lumipas ay na gising na rin siya hindi nanaman siya nabigla ng makita ako bagkus ay tinitigan niya lang ako ng masama nag smirk lang ako sakaniya lumapit ako para tanggalin ang pag tali niya sa bibig

Sinasabi ko na nga ba". Sambit niya

Mukhang hindi kana nagulat". Nakangiti kong sabi

Mag iingat ka dahil nandito narin sila". Sambit niya na ipinag taka ko

Sila? Sino? . Tanong ko

Ang pumatay sa mga magulang mo, nandito rin sila sa ball para isama ka sa hukay ng mga magulang mo pati narin ang calvin na pinaka iingatan mo ay idadamay nila". Sabi niya at tumawa sinampal ko naman siya

Anong ibig mong sabihin?. Sigaw ko sakaniya

Akala mo ba ikaw lang ang kumikilos? Akala mo ba ikaw lang ang may karapatang mag imbistiga? Noong araw na kinidnap mo si audrey natimbrihan kana namin hindi mo siya kaya eli mas malakas siya sayo" . Pag papaliwanag niya

Kong malakas siya bakit siya nag tatago sa likod ng mga tauhan niya?. Naka ngiti kong sabi

Papatayin ka rin niya gaya ng ginawa niya sa mga magulang mo". Naka ngiti niyang sabi

H'wag kang mag alala dahil mauuna ka sakin". Naka ngiti kong sabi at kinasa ang baril na hawak ko na may silenser tinutok ko sa ulo niya at pinaputok ito ng mapatay ko siya ay biglang may tumawag sakaniya kinuha ko ang phone niya at sinagot ito

"Hello nakita mo naba si eli?". Sambit sa telepono

"Mukhang yong alagad ninyo ang nabihag ko". Sabi ko hindi naman nakapag salita ang nasa kabilang linya dahil siguro sa gulat

"Bakit? Nagulat kaba ? Mayor gonzales? Nagawa kong ipapatay ang tatlo sa mga alagad mo natatakot kanaba?". Natatawa kong sabi

"Manag mana ka talaga sa ama mo, akala mo ba matatakot moko?" . Sagot niya sakin

"Natatakot kana nga e , dahil nag tatago kana sa likod ng mga tauhan mo". Sambit ko saka kinuhanan ng litrato ang bangkay ni Charles

"Dalawa nalang at ikaw na ang isusunod kaya mag handa kana mayor dahil pag katapos mo pamilya mo narin ang tatapusin ko gaya ng pag tapos mo sa pamilya ko , ngipin sa ngipin , mata sa mata kaya pasensyahan tayo". Nakangiti kong sabi at ibinaba ang telepono sakto namang

Dumating na sina mark at albert dala dala si francis

Ikaw ng bahala jan albert ukitan mo na iset mo na ang camera mark dahil mag sisimula na ang show". Naka ngiti kong sabi

Habang inuukitan ni albert si Charlie ng "FRAUDULENT" ay siniset naman ni mark ang camera meron na rin kaming tauhan sa camera studio kaya naka set na ang lahat hinintay lang namin magising si francis

Tapos na po ma'am itatapon ko na po ba?. Tanong ni albert

Mamaya na sabay mo na silang itapon para hindi tayo makulangan ng oras". Sambit ko

Naka on naba ang camera?. Tanong ko kay mark

Naka set na po siya sabihan niyo kang po ako kapag irerecord na". Sabi niya

Maya maya pa ay nagising na si francis

Buti naman at gising kana ayuko ng mag patagal pa dahil may ball pa akong aattendan wag kana ring maraming tanong dahil alam kong alam mo na ako ang pumapatay sa kanila , ngayon tatanungin kita anong nangyari no'ng gabing kasama mo si ayla?. Dire diretsyo kong tanong sakaniya

Kapag ba sinagot ko yan hindi mo nako papatayin?. Tanong niya at tumingin sakin

Depende , kong magugustuhan ko ang sagot mo". Sambit niya napa ngiti naman siya

12 MIDNIGHT |COMPLETED|Where stories live. Discover now