CHAPTER TWENTY-TWO: BLACK ORGANISATION

62 4 0
                                    

ELI'S POV

nakaupo ako ngayon sa study table ko habbang nag babasa ng mga libro ng mga biktima ko ngayon ay binabasa ko ang libro ni clara ng biglang pumasok si albert

Oh! Anong ginagawa mo dito?. Tanong ko sakaniya at sinara yong libro

Pasensya napo kong pumasok ako agad meron na po akong nakalap na impormasyon tungkol sa kanila!. Sambit niya at inaabot sa'kin ang isang brown envelope

Anong impormasyon naman iyon?. Tanong ko

Pasensya na po pero wala akong nahanap na info tungkol sa pag kamatay ng kapatid mo pero meron po akong nahanap tungkol naman po sa pag kamatay ng parents niyo!. Sabi niya kaya dali dali kong binuksan ang envelope

Nakita ko lang ang mga kalalakihang naka itim at kasama nila sina violet, Charlie, francis, skye at si aubrey

Ano namang kinalaman nitong mga to sa pag kamatay ng parents ko?. Tanong ko sakaniya

Yong mga tao po sa litrato ay tauhan ni mayor gonzales sila po ang mga nag lilinis ng kalat , at iba pa na sangkot si mayor gonzales tinatawag po silang black organisation!. Pag papaliwanag niya

Kasama po sa black organisation ang lima sa mag kakaibigan napag alaman ko rin po na minamanmanan nila ang mga magulang ninyo bukod po don wala nakong nakalap na ebidensya pasensya napo!. Sambit niya at tumungo

Okay nayan salamat! Ngayon alam nanating hindi aksidente ang nangyari sa pamilya ko pero ang tanong nalang bakit sila pinatay? At sino ang nasa likod ng lahat ng to!. Sabi ko habbang naka tingin sa litrato

Naka uwi naba si madam ivy?. Tanong ko sakaniya

Nasa taas napo siya!. Sabi niya kaya naman ipinasok ko ulit sa loob ng folder yong litrato at tumayo na saka nag lakad papunta sa elevator

Nakarating kana pala hindi mo manlamg sinabi!. Sabi ko kay madam ivy habbang nag lalakad papalapit sakaniya

Mukha kasing marami kang inaabala kumusta na ang misyon mo? Sinabi ko naman sayo mag pahinga ka muna dahil mainit pa ang mga mata ng mga pulis sayo..... Nalaman ko rin na pina iimbistigahan mo ang pag kamatay mg magulang mo? Hindi ba parang medyo huli na para alamin payan?. Tanong niya at inilapag ang yosi niya sa astray

Walang huli sa taong nag hahanap ng hustisya simple lang bang pag patay to o may mga malalaking tao pa naka dawit dito? Bakit ang pamilya ko ang pinatay nila marami namang iba jan na mas makapang yarihan pa samin bakit sila? Sinong pumatay sa kapatid ko? Nag pakamatay ba talaga siya? Marami akong tanong na kahit anong mangyari kailangang masagot hindi ako papayag na ako lang ang mag dudusa kailangan pati rin sila!. Pag papaliwanag ko at nag salin ng wine sa glass

Gusto kong ako ang magging tinik sa lalamunan nila!.... Gusto kong pag bayarin ang mga may kasalanan sa kahit anong paraan!. Sabi ko at uminom ng wine

San mo sisimulan? Kailangan alamin mo muna ang simula bago ka gumawa ng hakbang!. Sabi niya at uminom din ng wine

Alam ko at alam ko rin kong saan mag sisimula bukas na bukas din sisimulan ko na ang pag hahanap ng hustisya para sa kapatid ko at sa pamilya!. Sabi ko

Madam eli handa napo ang mga gagamitin niyo!. Sambit naman ni albert

Sige mag handa na kayo dahil kikilos na tayo !. Sabi ko

Hindi ba dapat mag lilo ka muna? Gaya ng sabi ko mainit ang mga mata ng pulis sayo ikaw din baka mahuli ka mahihirapan akong depensahan ka!. Sabi ni madam ivy at tumingin saakin

Huwag kang mag alala bago pa man ako mahuli sisiguraduhin kong tapos ko na ang misyon ko!. Sabi ko

E kumusta naman si calvin?. Tanong niya na nag pa freeze sa kimatatayuan ko

Akala mo ba hindi ko malalaman eli? Alam kong alam na niya kong sino ka talaga alam kong alam niya na rin kong sino yong pumapatay gaano ka kasigurado na hindi ka niya isusumbong?. Sarcastic niyang tanong

Hindi ko alam pero may tiwala ako sakaniya!. Sabi ko tumawa naman siya

Tiwala? Eli naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sa mundong to wala kang dapat pag katiwalaan dahil kahit sino maari kang saktan kong man nila saktan tatraydorin kanaman nila eli wala kang dapat pag katiwalaan kundi sarili mo lang dahil naranasan ko yan nag tiwala ako pero ano? Kong sino pa ang mas pinag kakatiwalaan mo siya pa ang tra- traydor sayo!. Singhal niya saakin

Iba si calvin hindi siya ganon!. Sambit ko

Pare parehas lang sila eli wala silang pinag kaiba sinasabi ko na sayo na kahit anong mangyari huwag na huwag kang iibig dahil ang mga lalaki gagamitin kalang nila at pag katapos iiwan kanalang na parang akala mo hindi nila ginulo yong buhay mo!. Singhal niya

Iba si calvin okay! Hindi siya kagaya ng mga sinasabi mo mag kakaiba ang bawat tao oo may pag kakatulad sila pero hindi ibig sabihin puwede mo na silang ipag kumpara!. Singhal ko

Ikaw bahala ka pero wag kang mag mamaktul saakin na akala mo hindi kita sinabihan mag iingat kanalang!. Singhal niya

Wag kayong mag alala mag iingat ako at sisiguraduhin kong hindi ako mag bibigay ng problema sainyo!. Sabi ko at tumayo na saka pumunta sa kwarto ko

Nahiga ako sa kama ko habbang naka tingin sa kisame

**KINABUKASAN**

handa napo ang sasakyan madam eli!. Sambit ni albert nag aayos naman ako ng gamit ko ngayon

Sige hintayin niyo nalang ako sa labas!. Sabi ko at inayos yong buhok ko ilang sandali pa ay natapos narin ako kaya naman dumiretsyo nako sa sasakyan

Ilang sandali pa ang lumipas ay naka rating na kami sa school kaya naman dumiretsyo nako sa room namin nakita ko naman si calvin na naka upo sa upuan niya habbang nag babasa habbang sina amaya at alice ay nag uusap lumapit ako sakanila ng hindi pinapansin si calvin

Hi goodmorning!. Bati ko kay amaya

Hay sa wakas nandito kanarin buti nalang wala si mam kundi lagot ka late ka!. Sambit ni amaya at umusog para maka upo ako

Pasensya na may mga inasikaso pa kasi ko!. Sabi ko habbang inaayos yong gamit ko hindi naman ako pinapansin ni calvin

Ehem! Nandito kana pala eli!. Sigaw naman ni alice habbang nakatingin kay calvin tiningnan ko rin siya pero wala siyang kibo

Ayy! Snob... Puna ni amaya

Hayaan niyo na mukhang busy!. Sambit ko at inilabas din yong libro ko

May LQ ba kayo?. Tanong ni amaya

LQ?. tanong naman ni alice

Lover quarrel!. Sambit naman ni amaya

Wala no mukhang seryoso lang siya sa binabasa niya!. Sabi ko at tumingin din sa libro na kunwari ay nag basa

Sige nga kong wala kayong "LQ" kausapin mo nga siya!. Hamon naman ni alice

Hayaan mo nalang busy e!. Bulong ko

Ay may LQ nga!. Sambit naman ni amaya

Wala nga!. Sabi ko naman ngumuso naman si amaya inirapan ko lang siya at huminga muna ng malalim bago kausapin si calvin

Calvin!. Tawag ko sakaniya lumingon naman siya

See ang kulit niyo!. Sabi ko at umiwas ng tingin

Sabi ko nga!. Sambit naman nila na mukhang Hindi parin naniniwala

Hinayaan ko nalang sila at nag basa nalang ng biglang mag sisigaw si violet habbang papunta sa upuan namin

Freak ka! . Sigaw niya kaya naman nagulat kami at agad na napatingin

12 MIDNIGHT |COMPLETED|Where stories live. Discover now