CHAPTER EIGHT: LIBING

90 2 0
                                    

Eli's pov

Kakaalis lang ng mga detective dito sa school namin natagalan sila ng konti dahil nag hanap pa sila ng ebidensya at kong ano ano pa nag lalakad kami ngayon patungong cafeteria

Alam niyo ba bali balita sa palengke sa bayan kong saan natagpuan yong bangkay ni hazel ay brutal lang ang pag kamatay sakaniya!. Sabi naman ni amaya at umupo na kami

Brutal? Papaanong brutal?. Tanong naman ni stella

Narinig kong usap usapan ay sinakal daw yon gamit ang lubid saka nilaslas yong pulsohan nilaslas ba? O may sinulat ah basta yon yong narinig ko!. Sambit ni amaya

Pero grabe no hindi mo talaga masasabi ang buhay ng isang  tao!. Sabi naman ni alice

Hindi nako nag tataka na namatay siya!. Sambit ko na ikinabigla nila

Bakit naman?. Tanong ni stella

Napag alaman ko kasing maraming kaaway ang pamilya nila bukod paron ay bully siya baka binawian siya ng isa sa mga binully niya non!. Pag papalusot ko

Sabagay may point ka!. Sabi naman saakin ni alice

Pero kahit na! Alam niyo ba narinig ko pa na nag tataka daw ang mga pulis paano ito nailagay doon!. Sabi naman ni alice

FLASH BACCK*

Naka park ako sa kabilang kalsada na hindi hindi hagip ng cctv nakita ko si albert na hatak hatak ang isang kariton na may cover laman noon ay ang katawan ni hazel tumalikod siya sa cctv bago saka tumingin sa paligid dahil ang daming tao ngayon sa palengke dahil bagsakan ng gulay at mga isda tuwing madaling araw pati narin ng baboy at manok kaya kahon kahon ang nag dadaanan ginamit naman namin ito upang hindi makita sa cctv na pinapatong namin yong bangkay ng maipasok niya na sa loob at inalis niya yong sako na kunwari ay may inilalagay pa na mga basura saka ibinalik ulit yong sako at itinulak na papaalis yong kariton

END OF FLASHBACK*

nga pala pupunta ba kayo sa lamay?. Tanong ni calvin at umupo sa tabi ko

Oo kahit pa napaka sama niya saatin noon e kailangan pag bibigay narjn ng respeto!. Sabi naman ni amaya

E ikaw? Eli pupunta kaba?. Tanong ni stella

Oo pupunta ako!. Maikli kong sagot at nag patuloy na sa pag kain

Pero nakakatakot ma interogate no!. Sambit naman ni alice

Hindi naman sakto lang hindi naman kasi tayo masyadong close kay hazel kaya hindi na sila masyado nag tanong saakin e sainyo ba?. Tanong ni stella

Ganon din saakin sinabi ko na hindi kami close!. Sambit ko

Ang malas naman kakalipat mo palang dito eli may patayan ng nangyari!. Sabi naman ni amaya

Oo nga no!. Sabi naman ni calvin

Ano ba kayo wag nga kayong ganyan tinatakot niyo si eli e!. Sambit naman ni stella

Dont worry eli ngayon lang naman nangyari yan kaya hindi na mauulit yan!. Sambi pa niya ngumiti lang ako

Yon ang inaakala mo nag sisimula palang ako

Oh! Para hindi kana matakot sayo nalang tong tocino ko!. Nakangiting sabi ni calvin binigyan naman ako nina amaya , alice at stella nang nakakalokong ngiti

Calvin ako rin natatakot!. Pang aasar ni amaya

Kumain kanalang jan dami mo pang alam!. Medyo inis na sabi ni calvin nag tawanan naman kami

Ilang oras pa ang nakalipas ay natapos na ang klase at yong iba ay dumiretsyo na sa libing ni hazel

Oh? Eli akala ko ba pupunta ka?. Tanong ni stella

Oo mag papalit lang ako ng damit!. Sabi ko at sumakay na sa kotse ko

Ng makarating nako sa bahay ay sinalubong ako ni madam ivy

Dadalo ka?. Tanong niya

Oo kailangan ko parin namang mag bigay galang sa patay!. Nakangiti kong sabi habbang suot suot ang all black dress

Ng maisuot ko na ito ay tumungo ako kay albert

Humanda kana pag katapos ng libing na ito ay isusunod nanatin ang ikalawang biktima!. Sabi ko sakaniya tumango lang siya at nag bow saakin

Umalis nako at sumakay sa kotse saka dumiretsyo sa libing ni hazel pag dating ko roon ay ang daming tao may mga pres din

Napangiti lang ako

Noong namatay ang kapatid ko hindi ganito karami ang dumalo pero nong ikaw yong namatay kahit yong mga binubully mo nandito kahit patay kana nakakainis ka parin!. Sambit ko at sinuot yong shades ko may dala dala rin akong black roses habbang nag lalakad ako papalapit ay pinag titingnan ako taas noo akong pumunta sa kabaong niya

Tumungo ako ng konti at bumulong

Kumusta sa impiyerno? Komportable kaba?. Bulong saka ngumiti at inilapag yong black roses

At umupo sa tabi ni amaya

Hoy! Bakit ganyan suot mo? Hindi kaba nainform na puti ang dapat suotin?. Bulong niya

May pinuntahan pa kasi ko bago ako pumunta dito kaya ganto yong suot ko!. Sambit ko

Ng dumating si oliver ay agad siyang napatingin saakin ngumiti lang ako sakaniya ganoon din naman siya

Huwag kang masyadong magging masaya dahil ikaw na ang isusunod ko hay*p ka

Dumating narin si calvin at umupo sa tabi ko

Grabe no ang daming tao!. Sabi niya

Balita ko pinag kaguluhan to ng media dahil nga tatakbo ang tatay niya!. Sambit naman ni amaya

Sabi pa nga narinig ko nong press conference humanda daw ang may gawa nito sa anak niya at talagang pag babayarin niya yoon!. Sambit naman ni alice ngumiti lang ako

Ilang sandali pa ay may lalaking pumunta sa unahan

"Maraming salamat sa pag dalo ninyo sa libing ng anak ko huwag kayong mag alala hinahanap na ng mga pulisya kong sino ang may gawa noon sa anak ko". Sabi niya tumingin ako sa paligid at nag flash naman ang mga camera

Ginagawa niyang way ang lamay ng anak niya para manalo sa eleksyon !. Bulong ko at ngumiti

Ano?. Tanong ni stella

Huh? Wala naman akong sinasabi!. Sabi ko at ngumiti sakaniya saka ibinalik ang tingin sa harapan

Napansin ko namang tinitigan ako ni stella dahil nakikita kong nakatingin siya saakin muka sa salamin sa baba iniba ko ang ekpresyon ko binawi ko ang ngiti ko at nag poker face

Ng matapos ang libing ay sabay sabay kaming umalis

Oy! Teka mag pagpag muna tayo!. Sabi naman ni amaya saka nag pagpag ginaya rin namin siya

Bakit kailangan may pagpag?. Tanong ko

Syempre para hindi kumapit at sumunod sayo yong ispiritu!. Sabi niya tumawa naman si stella

Naniniwala ka don?. Tanong ni stella habbang tumatawa

Wala namang masama kong maniniwala tayo diba!. Sabi naman ni calvin

May gagawin ba kayo pag katapos nito? Tara pasyal muna tayo!. Sabi naman ni calvin

Sige sabay na kayo sa kotse ko!. Sabi ko naman at sumakay na kami sa kotse

12 MIDNIGHT |COMPLETED|Where stories live. Discover now