CHAPTER THIRTEEN: INVESTIGATION PT.3

76 4 0
                                    

Dtective Morgan's pov 

nandito kami ngayon sa university nakuha narin namin ang bangkay ni oliver sa pool at sinumulan ng examine ang katawan niya 

nag simula naring mag tanong kaming mga pulisya upang makapag imbestiga 

sotto anong napansin mo sa bangkay?. tanong ko dito habbang sinusuri niya ito 

may napansin po ako mukhang ang sanhi ng pag kamatay niya ay itong butas sa dibdib niya na tumagos hanggang likod na dumaan sa puso niya nabutas ito kana nawalan din siya ng buhay mukhang barena ang pianang butas dito dahil sa maliit lang ang butas bukod pa ron may butas din na ganyan sa mag kabilang tagiliran niya na nag cause ng mga kumplikasyon at pag kasira ng mga lamang loob mukhang wala talaga siyang balak buhayin!. pag papaliwanag ni sotto 

agad ko namang tiningnan yong wrist niya baka kasi kaso ito ng nine circle of hell murder case at hindi nga ako nag kamali may naka sulat sa wrist niya na '"LUST" 

buwiset!. bulong ko 

bukod pa ron meron din siyang parang turok sa bandang batok mukhang nanlaban siya bago siya turuhan ng anesthesia !. dagdag niya pa habbang tinuturo yong parang tatak ng karayom sa bandang batok niya 

tumayo nako at pumunta kay ella 

ano sa tingin mo?. tanong ni ella saakin tinatanong niya kong isa ito sa mga kaso ng nine circle of hell murder case (NCOH)

oo at meyo brutal din ang pag patay sakaniya at mukhang mas malaki ang galit niya kay oliver dahil hindi lang butas ng mga barena ang nakita ko may mga sugat din ito sa paa na parang sinunog ito medyo sunog ang mga darili niya sa paa pati narin ang ilalim ng paa niya !. pag papaliwanag ko 

anong nakalap niyo?. tanong ko 

isa grupo nalang ang tatanungin natin gusto mo ba ikaw na ang mag tanong baka maka kuha ka ng clue!. sabi niya 

bakit sino ba yong grupo nayon?. tanong ko 

sila!. sabi ni ella at tinuro yong kinatatayuan ng isang grupo ng kabataan mga kaklase sila ni oliver at isa na doon si eli nag back ground check ako kay eli dahil iba yong pakiramdam ko sakaniya pero wala akong ni isang nakuha ang nakuha ko lang ay ang facebook acc niya pero wala naman itong ibang laman na puwedeng mag link saakin kundi pictures niya lang at ng ibang pag kain 

lumapit nako at inihanda ang notebook ko 

maari ko ba kayong matanong?. tanong ko sakanila humarap naman sila saakin at tumingin 

saan niyo huling nakita ang biktima bago siya mawala dalawang araw na ang nakakalipas?. tanong ko sakanila 

dito din po nakita ko po siya nong umaga na pumasok dito!. sabi ng isang babae na maliit ang buhok 

anong pangalan mo?. tanong ko 

amaya po!. sagot niya 

puwede mo bang isalaysay kong may kakaiba sakaniya? balisa ba siya?. tanong ko sakaniya 

hindi po! pero medyo malungkot siya at bukod po don narinig ko po sa mga kaibigan niya na  , na grounded siya dahil sa nangyari!. sabi niya at tumingin sa kasama niyang lalaki 

nangyari?. tanong ko 

nag karoon po kasi ng away dito din sa pool area sina calvin at oliver bago ang pag kawala niya!. sabi ng isa pa na babae na stella ang pangalan may tag siya kaya ko nalaman 

pero wala naman pong kinalaman yon sa nangyari ngayon dahil iba naman po yong pinag awayan namin!. sabi ni calvin 

ano bang pinag awayan niyo?. tanong ko 

ako ho!. sambit ni eli 

pinopormahan po kasi ako ni oliver kaso hindi ko po siya pinapansin kaya naman napag diskitahan niya si calvin!. sabi niya at seryosong nakatingin saakin 

sa puntong ito malaki ang posibilidad na isa si calvin sa mga suspect pero may mali parin e 

may mga nakita ba kayong tao na ibang pumasok dito noong nakarang dalawang araw bukod kay oliver?. tanong ko 

miyerkules po noon kaya sarado ang pool para sa iba maliban nalang sa mga athlete's!. sambit ni amaya 

"kaya yon din po yong araw na palaging pinipili ni oliver para mag sanay kaya tantiya ko pong mag hapon siya dito sa pool area". dagdag niya pa 

meron po akong nakita! . sabat naman ni stella "bukod kay oliver may isa pang pumasok dito sa pool area". sabi niya pa 

sino?. tanong ko 

ako!. sabat naman ni eli 

akala ko ba bawal ang iba sa pool area bakit ka pumunta don?. tanong ko sakaniya 

pinadalhan niya kasi ako ng text noong nakaraang araw matapos mangyari ang insidente samin nina calvin na mag kita daw kami kinabukasan sa pool area pag uwian dahil may pag uusapan kami kaya naman pumunta ako akala ko kasi mag sosorry siya binalak ko rin na kausapin sana siya at linawin na lahat pero hindi siya nag pakita halos 30 minutes akong nag intay pero walang oliver na dumating hanggang sa sitahin nako ng gaurd at umalis nako!. pag papaliwanag niya 

maari mo  bang ipakita saakin yong text na sinasabi mo?. tanong ko sakaniya 

maari sandali lang!. sabi niya at pumunta sa gawing kanan at lumapit sa isang bag saka niya kinuha ang phone niya at bumalik sa puwesto namin 

ito!. sabi niya at pinakita saakin yong text message 

may oras at araw yan pauwi palang ako niyan dahil galing sa bahay ni calvin ginamot ko kasi yong mga sugat niya!. sabi niya pa 

totoo bayon?. tanong ko kay calvin 

opo pero hindi ko alam na naka tanggap pala siya ng text message !. sambit niya "bakit hindi mo sinabi saakin"!. tanong niya naman kay eli 

ayuko na kasi na mag away kayo kaya mag isa nalang akong pumunta!. sambit naman ni eli 

may mga katanungan papo ba kayo officer? mauuna na po kami lumalalim narin po ang gabi!. sambit naman ni amaya 

wala na maraming salamat bukas ay pumunta kayo sa tanggapan ng pulisya upang sagutin pa ang iba pang katanungan!. sabi ko sakanila at tuluyan na silang umalis 

may nakalap ka?. tanong ni ella 

oo1. maikli kong sagot 

sa tingin mo ba talaga isa sa kanila ang may kasalanan?. tanong ni ella 

oo sigurado ako hindi ko lang alam kong sino konting clue pa at malalaman ko na kong sino yon sa ngayon ay kumpirmado tayo na isa nga to sa kas ng ncoh !. sabi ko at saka umalis na at dumiretsyo sa opisina ko siya nga kaya yong may kasalanan? pero bakit siya? bakit niya yon ginagawa?

12 MIDNIGHT |COMPLETED|Where stories live. Discover now