CHAPTER THIRTY: HERESY

58 4 0
                                    

Eli's pov

E ang bihag natin kumusta na?. Tanong ko

Maayos naman po sinusunod naman po niya ang mga payo namin sakaniya kanina lang po ay nakatapos na siya ng kalahati ng buhay niya ". Pag papaliwanag niya

Hmm... Mukhang masunurin naman palang ang pang anim nating target". Sabi ko

Sige na maraming salamat albert makakaalis kana". Sabi ko at nag bow naman na ito at umalis na

Kumusta kana?. Tanong ko naman kay audrey

Papatayin mo naba ko? May isang araw pako a",. Sabi niya habbang nag susulat

Hindi ko alam na masunurin ka pala". Sabi ko

Gusto kasi kitang makausap para kaya binibilisan ko ang pag susulat". Sabi niya at isinarado ang libro

Bakit?. Tanong ko

Alam ko noon pa na ikaw ang kumukuha sa kanila anong alam mo sa black organisation?. Tanong niya ngumisi lang ako

E ikaw anong alam mo sa black organisation?. Balik ko ng tanong sakaniya

Hindi ba ako muna ang sagutin mo?. Tanong niya

"Sige ang alam ko sa black organisation ay madami saan mo gustong mag simula?"

Simula sa pinaka una mong nalaman". Sabi niya at binigyan niya ko ng seryosong tingin

Alam ko na kasapi ka don kagaya ni violet alam ko rin kong sinong pinuno ninyo". Panimula ko

Ibig sabihin magulang mo si paulo suarez?. Tanong niya tumungo lang ako

Hindi , pero hindi ba si mayor gonzales ang nag papatay sa kanila ng asawa niya?. Balik ko ng tanong sakaniya "ano bang nangyari nong gabing yon?"

Base sa kwento samin ni skye noong araw na aalis si supremo.... Hindi na niya natuloy yong sinasabi niya dahil nag salita ako

Supremo?. Tanong ko

Oo si Benjamin Jimenez ang dating pinuno na nag tayo ng black organisation ". Sabi niya at nag patuloy na siya

Paalis si supremo non dahil may aasikasuhin daw sa ibang bayan kilala kasi ang black organisation sa pag sasaayos ng kaguluhan sa ibang bayan kaya marami din ang gustong sumali sa kanila habang si ginoong paulo at mayor gonzales ay naiwan, paalis narin noong araw nayon si ginoong paulo para pumunta sa may bahay niyang asawa". Panimula niya

Ngunit hindi pa siya nakakarating ay agad siyang pinabalik ni supremo para kumuha ng ilang dokumento sa main office nila ngunit hindi inaasahan ang nakita niya mga tulisan na armado habang kausap si mayor gonzales at nakikipag transaction sila sa droga bukod pala sa mga pinag kakakitaan ng black organisation ay may lihim palang organisation si mayor gonzales sa loob nito". Pag papaliwanag niya nakikinig lang ako sakaniya

Noong una ay nadaan pa sa mabuting usapan ang alitan ng dalawa ngunit inulit nanaman ito ni mayor gonzales kaya hindi na ito natiis ni ginoong paulo at sinabi niya kay mayor gonzales na kong hindi Siya titigil ay sasabihin niya kay supremo ang lahat naalarma si mayor gonzales kaya noong Gabi ding iyon ay pinapatay niya ang buong pamilya ni ginoong suarez upang hindi na ito makapag sumbong sa pinuno dahil kapag nag sumbong siya ay maari siyang mapatanggal sa black organisation ". Sabi niya

Hindi niya napatay ang buong pamilya ni ginoong suarez". Sagot ko

Anong ibig mong sabihin?. Tanong niya

Buhay pa ang anak nila paulo suarez". Sambit ko na ikinalaki ng mata nila

Anong sinasabi mo namatay na siya noong gabing iyon tiniyak yon ng alagad ni pinuno". Sambit niya

Nag kakamali siya dahil noong gabing naganap ang patayan wala doon ang anak ni paulo suarez". Sabi ko at tumingin sakaniya

E ano namang nangyari sa dating pinuno?. Tanong ko sakaniya

Pinapatay rin siya ni mayor gonzales". Ikinuyom ko ang mga kamao ko ng marinig iyon

Anong ibig mong sabihin? Paano siya ipinapatay?. Tanong ko

Pag katapos malaman ni supremo na pinapatay ni mayor gonzales si paulo suarez at ang pamilya niya ay bumitiw na siya sa pagiging supremo at pinutol niya na rin ang kahit anong koneksyon niya sa black organisation". Pag papaliwanag niya

Ilang taon ang lumipas at bilang respeto ni mayor gonzales sa kaniyang kaibigan ay pinabayaan niya nalang ito ngunit ng malaman niyang tatakbo sa eleksyon si supremo ay tiyak na niya ang mangyayari kapag nanalo si supremo ipapasara niya nag black organisation at iba pang organisation na hawak nila noon kaya gumawa ito ng paraan para patayin ngunit ang plano ni mayor gonzales ay napurnada ng malaman niyang may kasama sa kotse si supremo yon ay ang kaniyang asawa hindi naman intensyon ni pinuno na patayin pati ang asawa nito  ang gusto niya lang ay takutin si supremo para hindi na nito ituloy ang pag takbo ngunit hindi iyon ang nangyari". Pag papaliwanag niya

Tama na oras na". Sabi ko at tumingin sa relo ko sumenyas ako kay albert na kanina pa nasa likod ko

Oras na para san?. Nag tataka niyang tanong

Para sa katapusan mo". Sabi ki at pinindot na yong gas na pampatulog

Ilang sandali pa ay madali na siyang nakatulog kaya naman sinetup na ni albert ang mga gamit

Tinurukan siya ni albert ng drugs para mag ka guniguni siya at mapatay niya ang sarili niya ng magising na siya ay nag sisigaw siya sa loob habang ako ay pinapanood lang siya habang dahan dahan niyang naapakan ang mga bubog at pako nag paikot ikot lang siya roon hanggang sa mahimatay na siya lumapit si albert para tingnan kong buhay pa siya at ng makatiyak pang buhay pa siya ay kinuha ni albet ang baril sa bulsa nito at pinaputok ang baril na may silentor sa sintido ni audrey at kasabay noon ay ang pag tunog ng kampana hudyat na alas dose na ngumiti lang ako at inimis na ni albert ang mga kalat

Ng maimis na niya ito ay pumunta ako sa secret room para kunin yong mga libro ni audrey at pinag sama sama ito sa iisang pabalat na may nakalagay na heresy saka inilagay sa loob ng shelves katabi ng iba pang libro

Pumunta ako sa board sa likod ng shelves at inikesan ang mukha ni audrey si francis na ang susunod

Umakyat nako ng matapos ko na ang gagawin ko sa study room ng tingnan ko ang phone ko dahil may natanggap pala akong message

From: amaya

Hey eli pupunta kaba sa ball next week?

Nakalagay sa text bigla naman akong nakaisip ng magandang idea pinatawag ko si albert at si mark agad naman silang pumunta at nag bow sakin

Pinapatawag niyo daw po kami?. Tanong nila

Mag handa kayo sa susunod na linggo dahil mangangaso tayo". Naka ngiti kong sabi

Iibahin niyo na po ang strategy ninyo?. Tanong ni albert

Oo dahil malapit na ang katapusan ng digmaan nato panahon na para mag pakilala tayo ",. Sabi ko tumungo lang sila at umalis na

Humanda na kayo dahil sa araw ng kasiyahan ninyo ay dadanak ng dugo at lalabas lahat ng baho na tinatago"

12 MIDNIGHT |COMPLETED|Where stories live. Discover now