Chapter 05

3.2K 122 48
                                    


"You are free to stay here on our island for as long as you want, bro. Sabi ko naman sa 'yo, iyong-iyo na 'tong penthouse ko. Wala talaga akong balak tumira dito kahit kalian," natatawang sabi nito. "Ingat sa sumpa," dagdag pa niya.


"Salamat, bro." Nginitian ko ang pinsan kong si Warren. "Ikaw talaga ang savior ko. Kaya ikaw ang paborito kong pinsan e!"


Dito na ako sa isla tumitira simula no'ng umalis ako sa 'min para magkaroon ng sariling buhay. Gusto ko kasi rito, tahimik lang. Umuuwi pa rin naman ako minsan sa Maynila. Dati madalas pa akong umuwi no'n e, kaso naging madalang nalang simula no'ng... nevermind.


"Ang baduy mo. Kadiri!" Maarteng sabi niya. "Bakit kasi ayaw mo pang umuwi sa inyo? Hindi sa pinapalayas kita rito ah. Curious lang."


"Ayoko. Ipipilit na naman nila si... si Aleighn sa 'kin..." Bumuntong hininga ako. "Mahal ko naman talaga 'yon, kaso pagod na ako. Ayoko na. Do'n na siya sa pangarap niya. Masaya naman na siya ro'n kahit wala ako."


"Intindihin mo nalang, bro. Ano ka ba naman! Huwag ka namang selfish. Support her. Hindi ka ba masaya para kay Aleighn?"


"Syempre masaya ako para sa kanya." I sighed again. "I tried. Pinilit kong intindihin ang sitwasyon namin, pero sobrang gulo talaga ng mundong pinasok niya at ayoko sa ganoon."


Ang weird lang dahil ganito ang usapan namin ngayon. Kay Warren lang kasi ako kumportable magkwento ng mga ganito. Minsan lang din kami magkita kaya napapakwento talaga ako sa kanya ng wala sa oras.


"Yun lang. Ang hirap nga naman kasi kapag ganoon 'no."


"Sa totoo lang, ayos lang naman talaga sa 'kin. Pero kasi... nung araw na 'yon... Kitang-kita ko sa mga mata niya... Handa niya akong iwan para sa pangarap niya... Bakit ganoon? Bakit kaya niya akong ipagpalit sa ibang bagay?"


Kung narinig ko lang mula sa kanya na hindi niya ako kayang ipagpalit sa kahit anong bagay, kahit pa sa career niya, baka ako pa mismo ang nagtulak sa kanya sa pag-aartista. Kaya ko siyang suportahan. Assurance lang naman 'yong hinihingi ko, pero hindi niya naibigay.


"Bro, mas importante kasi kay Aleighn ang career niya. Mga bata palang tayo, gustong-gusto na niyang maging artista, hindi ba?"


Tama. Mas importante sa kanya ang career niya. Ako? Wala. Wala siyang pakialam kasi alam niyang nasa tabi niya lang ako palagi. Pero hindi na ngayon. Pagod na ako.


Matagal na rin akong nakatira dito sa isla. Past is past. Pinilit kong kalimutan kung anong ugnayan ang mayroon kami ni Aleighn. Alam kong hindi na magbabago ang isip niya kaya kinalimutan ko nalang siya. Magpapakasaya nalang ako sa buhay ko rito sa isla.


I wanted to go for a walk at the beach with my camera on a random afternoon. Nakasanayan ko na kasing maglakad-lakad dito at kumuha ng mga litrato. I love taking pictures.


Saktong pagkadaan ko sa may front desk ay may nakita akong babaeng dumaan din na naka-sleeveless beach dress. Mahaba ang buhok niya at deep brown ang kulay nito. Ramdam kong may itsura siya kahit hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil nakasuot siya ng shades.

Bound to Fall ApartWhere stories live. Discover now