My Prince 3

199 31 39
                                    

Chapter 3

My Favorite Sport is Basketball

At dahil official friends na kami ni Xavier sa facebook! Palakpakan! Masayang-masaya ang gising ni ate.

Nandito na ako sa campus ngayon naglalakad papuntang room namin. Hangga’t sa nakita ko si Xavier at ang ibang mieyembro ng Magic 5 na pinapalibutan ng mga fans nilang babae.

Mas dumadami ang kanilang mga regalo tuwing biyernes at hindi ko alam kung bakit. May nagbibigay pa rin naman ng regalo tuwing lunes hanggang huwebes pero mas marami lang talaga kapag biyernes.

At dahil sa kasamaang palad biyernes ngayon. Pak! Napakaraming babae ang nakaharang ngayon sa first floor ng high school building. Ang style kasi ng building namin ay first floor para sa mga freshmen, second floor para sa mga sophomores and so on.

May nakikita akong mga babaeng may hawak na mga bouquet, chocolates at stuff toys para ibigay nila sa Magic 5. May naghihiyawan pa ng Magic 5 we love you! Ang ingay-ingay sa building ngayon parang hindi yata to paaralan ang napasukan ko ah, parang concert ata. Ang ingay kasi talaga ng mga babae parang nakakita ng mga artista.

"Haay ang ingay talaga ng mga bruha." Sambit ko sa sarili ko. Paano ba naman napakaingay eh plano ko pa naman mag-umpisa nang mag-aral nmamaya kasi Prelims na next week. Kailangan ko kayang makakuha ng matataas na grado para mapanatili ang scholarship ko. Sana lang tumigil na sila mamaya sa kanilang pagitili kapag hindi pa talaga sasabunutan ko itong mga bruhang to.

Joke lang! I can’t do that! Kailangan kong i-maintain ang good image ko noh. Ano nalang sasabihin ng mga guro ko sa akin, na wala akong modo.

Napakasikip ng daanan papuntang classroom. Siksik lang ako ng siksik sa gitna ng mga adik ng mga babaeng ito. Hanggat sa...

May nanghablot sa akin.

"Aray!" Sino kaya tong hayopak na ito. Papatayin ko talaga to. Ang sakit kaya ng pagkahablot nya. Huhu.

"Napakasakit no’n ah. Gago ka ah! Bakit mo ako hinablot!" Sigaw ko habang nakayuko para tingnan ang kanang brasong hinablot nya. Napakasakit kasi talaga ng pagkahablot nya tapos nagsisiksikan pa yung mga tao kaya mas napalakas yung hablot.

"Ang chill lang! Sorry na. Hindi ko naman sinadya na napalakas yung hablot ko, ang dami lang kasi talagang tao kaya nalakasan ko ang hatak sa iyo." Sagot ng isang lalakeng napakapamilyar ang boses.

Don’t tell me... Oh my! Now you’re telling me.. Huhu.  Si Xav my loves ko pala ito. Lagot na talaga.

"Uhmm, Hello Xav! Okay lang. Hindi naman masakit. Hehe." Nakangiti kong sagot. Nagsinungaling ako noh, masakit kaya pero dahil si Xav pala ang nanghatak sa akin okay lang. Haha. Baliw na yata talaga ako.

"Sorry talaga Ang. Napansin kasi kitang dumadaan kaya’t tinawag kita pero hindi mo yata ako narinig. Kaya hinablot nalang kita para mapansin mo ako. Hehe." Hay naku, jusmeyo! Stop smiling my heart's pounding.

"Okay lang Xav. Pramis hindi talaga masakit!" Isang malaking kasinungalingan na naman. Okay lang, ayos na ako basta’t alam kong si Xav ang humatak sa akin. Hahaha.

"Guys una na ako ha! Good luck nalang jan!" Pasigaw na paalam ni Xav sa naiwang apat na miyembro ng Magic 5 sa gitna ng mistulang rally.

"Bye Prince Xavier!" Sigaw ng mga fans na babae ni Xav.

"Grabe talaga yung mga babae Ang, kanina ko pa talaga planong umalis kaya lang hindi ako makahanap-hanap ng tamang tiyempo palaging may nakaharang. Kaya’t nong nakita kita agad kitang hinatak papalayo."

Nasaan na ang Prince Charming ko?Where stories live. Discover now