My Prince 2

259 30 44
                                    

Chapter 2

Making Friends

ANGEL

Nasa isang lamesa kaming apat ngayon. Katabi ko si Ann while kaharap ko si Xavier at ang kaharap naman ni Ann ay si Anthony.

"Anong section pala kayo?" Tanong ni Anthony sa aming dalawa ni Ann.

"Section Gold." Sagot ni Ann

"Ah diba section yun ng mga genius? Ibig sabihin matatalino pala kayong dalawa." Nakangiting sabi ni Anthony.

"Hindi naman." Sagot ni Ann

Hindi na ako nakakapagsalita ngayon, nahihiya kasi talaga ako kay Xavier lalo na kung naaalala ko yung pagbunggo ko sa poste kanina. Nakita nya talaga yun kasi nag smile sya. Nakakahiya! Huhu.

Nakatingin ako sa bintana ngayon kasi napapansin ko na kanina pa nakatitig si Xavier sa akin. Nakakahiya kaya.

Nag ring na ang bell kaya nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsipuntahan na sa kanya-kanyang rooms namin.

Sige guys see you around! Sabi ni Anthony habang papalayo silang dalawa ni Xavier.

DISMISSAL TIME

Simula no'ng makita ko si Xavier aka Mr. Chinito hindi na sya mawala-wala sa isipan ko.

"Crush na nga kaya talaga ito? Bulong ko sa sarili ko."

"Angel okay ka lang ba? Tanong ni Ann sa akin."

"Okay lang ako Ann. Hehehe. Sagot ko habang nakasmile."

"Naglalakad kami ni Ann papuntang gate ngayon."

"Sige Angel una na ako. Paalam ni Ann sa akin."

"Okay. Bye Ann! Nakangiti kong sagot kay Ann."

Napag isip-ispan ko, paano ko naman malalaman kung Crush o Love na ba talaga ito eh hindi pa nga ako nakaranas magka crush o mainlove at tsaka hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend sa 15 years of existence ko.

Oo NBSB AKO! I ADMIT IT! Halos lahat ng mga kaibigan ko noong elementary ay may kanya-kanya nang lovelife na ngayon. Ako? I'm still waiting for the right guy to come.

Someone who would give me butterflies in my stomach whenever I see him. Since finding love isn't a race, I'm taking my time and not rushing things for I know the right guy will come at the right time and place.

Naglalakad na ako papuntang sakayan ng jeep habang pa sway-sway pa ng aking hips to look sexy. HAHAHA. I watched the skies it's really nice since it's sunset already.

"Ouch!"

"I'm so sorry miss"

Tiningnan ko ang nakabanggaan ko. And OMG si Xavier!

(0_0) (0_0)

I wasn't able to say anything and froze there for what seems like forever. Exagg lang, mga 1 minute lang po.

"Sorry miss. Oh Hi Angel!" Bati ni Xavier nang mapansin nya na ako pala ang nakabanggaan nya.

XAVIER

"Papauwi ka na ba?" Tanong ko kay Angel.

"Yup" Maikiling sagot nya, tsaka nagka-ideya ako na makisabay nalang umuwi sa kanya. Para naman mas makilala ko pa sya and who knows baka maging mabuting kaibigan ko pa sya. I find her cute and all pero hindi pa yata talaga ako handang pumasok sa isang relasyon ngayon. Hindi pa kasi totally nag heal yung sakit galing sa past relationship ko eh.

Nasaan na ang Prince Charming ko?Where stories live. Discover now