My Prince 7

37 0 2
                                    

ANGEL
"I'm Chloe, Chloe Anika Perez." Halatang-halata ang pagkagulat sa mukha ni Xav.
Ano kaya ang relasyon nila ni Anika?

"Anika? Si Anika iyakin? Anika payatot? Ikaw ba talaga yan?"
Nagtataka ata si Xav kung kilala niya ba talaga ang babaeng nasa harapan niya matapos ang ilang segundo kitang-kita na sa mukha ni Xav ang tuwa na may halong pananambik. Pansin mo sa mga mata niya ang spark.

"Yup, ako nga si Anika na iyakin at si Anika na payatot ano pa bang ibang gusto mong itawag sa akin Agustin Patpatin? Hahaha"

Agustin pala ang tawag ni Chloe kay Xav at Anika naman ang tawag ni Xav kay Chloe.
Sweet naman nila parang terms of endearment nila sa isa't isa ah. (Insert selos face here).
Hoy anong selos-selos ka diyan Angel maghunos-dili ka nga.

Bakit ka magseselos ka-anu-ano mo ba si Xav? Bakit ka magseselos eh wala ka namang karapatan at tsaka wala kang panlaban sa kagandahan at kayamanan ni Chloe oh.
Isang hamak na nerd girl ka lang at pobreng scholar sa prestihiyosong paaralan na ito kaya gumising ka sa katotohanan.

"Hoy hoy anong Agustin Patpatin? Hindi mo ba nakikita na machong-macho na ako ngayon?"

With matching fold-fold pa ni Xav sa kanyang mga braso yung post ba na pinapakita ang biceps mo.

"Hahaha. Ewan ko sayo Agustin Patpatin tsaka wag mo nga akong matawag-tawag na iyakin at payatot for your information hindi na ako iyakin ngayon, palaban na ata to tsaka hindi na rin ako payatot noh ang ganda-ganda ko na kaya. Hahaha"

Galak na galak silang makita ang isa'-isa. Pansin mong tawa lang ng tawa si Xav at tsaka panay naman ang biro ni Chloe. Infairness bagay sila, parehong gwapo at maganda tsaka mayayaman.

"Basta payatot ka parin Anika. Haha."
"Anong sabi mo Agustin Patpatin? Nakakainis ka talaga."
Sabay lagay sa isang braso nito sa leeg ni Xav yung akmang iipitin niya ang leeg ni Xav.

"Oops, tama na yang kulitan na yan. Kain na muna tayo at nang mai-celebrate natin ang pagkapanalo ng Team natin sa Basketball."
Biglang sulpot ni Anthony.

"Oh sige sige"
Sagot naman ni Xav at Chloe.

Pati ba naman sa pagsagot pareho pa talaga ang mga salita tsaka sabay pa talaga ha.

"Gaya-gaya" Sabay na naman sila.

"Hahahaha" sabay na namang tawa. Wow! Sila na talaga ang meant to be.

Nakarating na kami ngayon sa KFC at nag-order na ng pagkain.
Napakaraming pagkain ang inorder at halos mapuno na ang mesa para lang fiest ang peg ah.

Magkatabi si Chloe at Xav sunod sina Geoff at Mike sa kabilang banda naman kami nina Denver, Ako, Ann at Anthony so bale magkaharap kami ngayon ni Xav.

Si Anthony busy naman sa pangungulit kay Ann, si Geoff, Mike at Denver naman nagkukulitan rin ang pinag-uusapan nila ngayon ay kung sino na naman ang sunod nilang target na babae kaya ako rito walang kausap at nakikinig na lamang sa mga pinag-uusapan nila.
Tawa-tawa lang nang tawa sina Xav at Chloe habang nagku-kwentuhan.

"Agustin naman eh, wag mo na nga akong tawaging payatot sexy na kaya ako."

"Anong sexy payatot ka pa rin! Hahahaha"

"Ah ganon pala ha" kinikiliti ngayon ni Chloe ang tagiliran ni Xav.

"Hahahaha. Madali ka pa ring nakikiliti Agustin wala ka pa ring pinagbago."

"Waaah! Tama na Anika! Hahahaha. Tama na. Hingal. Stop na. Hingal ulit. Please Anika! Hingal na naman"

"Hahaha. Ayaw kong tumigil. Hahahaha." Sundot pa rin nang sundot sa tagiliran ni Xav.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nasaan na ang Prince Charming ko?Where stories live. Discover now