My Prince 5

177 28 29
                                    

Chapter 5

I Think I'm In Love

XAVIER

Bakit ba hindi ako mapakali? Biglang uminit ang dugo ko nang hingin ni Anthony ang numero ni Ang, tapos napakalapad pa ng ngiti nito nang magpaalam kay Ang. Hindi pwede to...

"Ang!!!" Sigaw ko tsaka lumapit papunta sa kanya.

"Uhm.. Kailangan kong magpaalam nang maayos. Hehe." Nakangiti kong paliwanag kay Ang.

"Ang, goodbye and have a good night! Hope you enjoyed our time together."

"Goodnight rin Xav!" Nakangiting sagot ni Ang sa akin.

"Oh pre! Tama na ang kakangiti baka mapasukan ng langaw ang bibig mo."

"Nang-iinis na naman ang gagong to."

Ganito talaga si Anthony, mapagbiro kapag mga kaibigan ang kasama niya pero kung ibang tao aakalain mong napakamahinhing tao.

"Nakauwi na ako sa bahay namin at tinext ko agad si Ang."

To: Ang

Hello Ang! :)

ANGEL

Narinig kong may mensahe ang phone ko habang nagbibihis kung kaya't lumapit ako sa dresser ko at tiningnan kung kanino galing ang mensahe.

"Oh si Xav nag-text." Pasimple kong sinabi.

"Whaaat?! Si Xav nag-text!" Biglang nag-iba ang ekspresyon ko sa mukha nang ma-proseso na ng utak ko na si Xav pala ang nag-text.

From: My Prince

Hello Ang! :)

Ano i-rereply ko? Mas mabuti siguro maging casual lang.

To: My Prince

Hi Xav! :)

From: My Prince

Kumain ka na Ang? Kung hindi pa, dapat kumain ka na :)

To: My Prince

Tapos na akong kumain Xav. Ikaw kumain ka na ba?

From: My Prince

Hindi pa. Kakarating ko lang eh :)

To: My Prince

Eh di dapat kumain ka na.

From: My Prince

Kakain na po.... Ang, mag-aral ka na, prelims na next week.

To: My Prince

Mag-aaral na po talaga ako kaso nag-text ka. Joke lang! Hehe.

From: My Prince

Ah ganon ba, sige Ang mag-aral ka na. Kita nalang tayo bukas.

To: My Prince

Sige po, mag-aaral na. Ikaw rin mag-aral ka na.

From: My Prince

Pwede ba sabay nalang tayo mag-aral? Hehe. Kung okay lang sa'yo. Mag-aral tayo sa library bukas. Tamad kasi talaga akong mag-aral, mas mabuti na ang may kasama para ma-enganyo akong mag-aral.

Nasaan na ang Prince Charming ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon