Chapter 16

8 2 0
                                    

Azyra Pov's

Gaya nga ng sabi ko ay hindi ako natuloy sa pag-alis ko nung nakaraan sa di ko malamang dahilan, para akong baliw dahil di ko alam kung bakit di ako tumuloy hayyssttt baliw na nga talaga

Dumiretso naman ako dito sa kwarto ko pagkatapos kong kumain kanina sa baba at nagmumuni-muni ako dito nang biglang may kumatok kaya agad naman akong lumapit sa may pintuan ng kwarto ko

"Tita azy" tawag ng isang pamilyar na boses

"Pasok ka" pagpapa-pasok ko sa kanya ng buksan ko na ang pinto

"Bakit eaxiah?" Tanong ko sa kanya

"May naghahanap po kasi sayo eh sa baba" sambit nya kaya naman nagtaka ako eh wala naman akong inaasahang bisita

"Sige sabihin mo pababa na ko" sagot ko sa kanya kaya agad naman na syang lumabas ng kwarto ko

Nag-ayos na ko ng sarili ko dahil baka pag nakita pa ko ng naghahanap sakin sa baba eh ma-disappoint pa sakin at natapos na nga ko kaya bumaba na ko

"Eaxiah nasan na yung naghahanap sakin?" Tanong ko sa kanya ng makasalubong ko sya sa hagdan

"Nasa sala po tita" sagot nya sakin kaya bumaba na ko at sya naman ay paakyat

Nagulat naman ako ng makita ko kung sino yung naghahanap na yon pero di ko naman pinahalata yon sa kanya

"Ah bakit ka pala nandito?" Taka kong tanong sa kanya

"Ah kasi ibibigay ko lang to sayo" sambit nito sakin sabay abot ng isang card na parang invitation kaya tinanggap ko ito

"Para saan naman to?" Tanong ko

"Para yan sa binyag ng anak ko" sagot nya naman

"Kailangan ba talagang pumunta pa ko dun?" Sarkastiko kong sambit

"Its up to you if busy ka ok lang din naman" sagot nya naman

"Sorry but di ako makakapunta dito" diretsahang sagot ko na ikinataka nya naman

"Bakit?" Tanong nya

"Hindi mo na kailangan pang malaman yon saka wag ka na pupunta pa dito dahil pag nakita ka pa nila mom eh baka mapahiya ka lang nila" cold ko namang sambit sa kanya

"Ah sige" sagot nya

"Kung wala ka nang sasabihin umuwi ka na kasi may gagawin pa ko" sambit ko sa kanya

"Teka lang azy" pigil nya sakin sa pagtalikod ko kaya napahinto ako

"May kailangan ka pa?" Tanong ko pero di ako lumingon

"Ah nevermind, sige salamat" sambit nya at nakita ko namang lumabas na sya ng bahay kaya nagpatuloy na ko sa pag-akyat ko sa taas

Hayyyssttt bakit ka pa ba nagpunta dito zenry, tama kayo sya nga ang nagpunta dito para lang bigyan ako ng invitation sa darating na binyag ng anak nya, tsskk di ko kailangan pumunta don saka isa pa wala naman akong pakialam dun dahil di ko naman kaano-ano yun at isa pa hindi naman nya kailangang imbitahin pa ko at para ano ipakita na masaya na sila tskk as if naman na may paki ako dun.........saka ok na ko dito nananahimik na tapos susulpot pa sya gosh nakaka-inis lang

"Tita" tawag sakin kaya naman napalingon ako dun

"Bakit ba?" Medyo inis kong sambit kaya naman nagtaka si eaxiah sa inasta ko

"Galit ka ba tita?" Tanong nya sakin

"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko sa kanya

"Nalaglag mo kasi oh" sambit nya sabay abot ng invitation card na binigay sakin ng lalaking yun

"Tsk tapon mo na yan, di ko na kailangan yan" utos ko sa kanya at naglakad na papasok sa kwarto ko

"Ok" huling dinig ko bago ako tuluyang pumasok sa loob

Tsk kainis naman oh!

End of chapter 16

Enjoy reading mga readers if meron, dont forget to vote and paki-share nalang 😊, kamsahamnida- Ms. Azyra

I'm Just His Second Choice {COMPLETED}Where stories live. Discover now