Chapter 13

8 2 0
                                    

Azyra Pov's

Kinabukasan nagising ako kasi may sinag ng araw na tumama sa muka ko na ikinabangon ko sabay inat, nag-iinat ako ng may biglang kumatok sa kwarto ko

"Sino yan?" Tanong ko at bumaba na sa kama

"Senyorita ako po ito si vinnie, sabi po kasi ni senyorita jasslyn gisingin ko na daw po kayo kasi may lakad daw po kayo ngayon" paliwanag nito kaya naman sumagot ako

"Ahh sige sabihin mo pababa na ko" sagot ko sa kanya

"Sige po" sambit pa nito bago umalis

Naghihilamos ako ng muka ng wala sarili akong napatingin sa itsura ko sa salamin ng banyo ko at tinitigan lang ang sarili

"Siguro madali ka lang kalimutan noh?, siguro wala ka talagang halaga sa kanya, o baka naman hindi ka naman talaga nya minahal kahit konti" wala sa sariling sambit ko habang nakatitig sa reflection ko sa salamin ng biglang may magsalita na ikinagulat ko

'Kahit kailan hindi yun totoo' sambit nito kaya napatingin ako kung saan pero wala naman tao, hayyyssttt bakit ba kasi iniisip ko sya eh

"Azy tulog ka pa ba?!" Sigaw mula sa labas ng kwarto ko at I'm sure si ate jas yan

"Nasa banyo ako!" Sigaw ko pabalik kaya narinig kong bumukas yung pintuan

"Bakit ang tagal mo naman ata?, kinausap mo nanaman sarili mo sa salamin noh?" Mapang-asar nyang tanong

"Hindi ah" deny ko naman

"Sus i know you lil sis, kapag may problema ka eh tumatagal ka jan sa cr tapos nakatitig ka lang jan sa salamin" sambit nya sakin kaya napailing-iling ako habang naglalakad papuntang walk in closet ko

"That's not true ate" sagot ko sa kanya

"Paano mo nasabing hindi, eh nakikita nga kita palagi na ganon" depensa nya pa

"Bahala ka ate kung anong gusto mong sabihin, i know mom and dad told you already about what happen right?" Paninigurado ko sa kanya

"Yeah they told me" sagot nya naman

"So wag nalang natin yan pag-usapan kasi ayoko nang mapag-usapan pa yan" sambit ko at nag-suot na ng damit

Ok you said eh" sagot nya lang at nakita ko namang lumabas na sya ng kwarto ko kaya napabuntong hininga nalang ako, hayyssttt why they told ate about that?

----------------

Pagkababa ko nakita ko si ate na naka-upo dun sa sofa sa living area namin kaya nilapitan ko sya

"Ate lets go" aya ko sa kanya

"Ok come on" sambit nya at inaya na ko palabas ng mansion

"Senyorita jasslyn at senyorita azyra saan po ba kayo kakain ng lunch?" Tanong ni manang yolly samin

"Ah manang hindi na kami dito maglu-lunch pero dito kami kakain ng dinner" sagot ni ate kaya tumango naman si manang

"Tara na ate" aya ko na sa kanya kaya sumakay na sya sa driver seat at dun ako sa tabi nya

"Ano ready ka na?" Tanong nya sakin

"Syempre ate" sagot ko at pinaandar na nya yung kotse, etong kotse na to is kay ate talaga to at hindi naman nya to madadala sa states kaya naiwan to dun sa bahay kaya yung kotse nya yung ginagamit ko kapag pumapasok ako sa trabaho noon pero i think maiiwan din to ulit sa bahay kasi aalis na din si ate next week eh tapos ako baka gamitin ko lang to kapag may pupuntahan ako pero mukang hindi ko din magagamit ng matagal

Nakakalungkot lang kasi yung mga bagay na ginagamit mo noon eh maiiwan mo lang kasi hindi naman pwedeng dalhin hayyysttt kalungkot talagang isipin na ang lahat ng bagay sa mundo hindi permanente pero sana hindi mawala yung mga bagay na iningatan mo ng matagal kapag naiwan mo sila

"Azy"

Hayyysssttt kakalungkot talaga kapag ganun kaya kailangan yung mga bagay na maiiwan mo makakapaghintay sayo kahit gaano pa katagal pero kasi wala naman talagang permanente kaya.....

"Hey azy"

Hindi lahat kayang maghintay ng matagal katulad ng mga tao, hindi sila matyagang maghintay lalo na kapag matagal na silang naghihintay yung feeling na wala na talagang pag-asang bumalik pa yung hinihintay nila kaya nga maraming........

"Ayy nasasaktan!" Gulat kong sigaw kaya napatingin si ate sakin

"Ano bang sinasabi mo jan?" Tanong ni ate

"Ano ba yun te?, nanggugulat ka kaya" sambit ko naman

"Hindi ako nanggulat, tinapik lang kita saka ang lalim naman kasi ng iniisip mo kaya feeling mo ginulat kita" paliwanag ni ate

"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka kumikibo jan" dagdag nya pa

"Ah sorry ate, di ko siguro narinig" sambit ko sa kanya

"Ano ba yang iniisip mo ha?" Tanong nya sakin

"Wala lang yun ate, ano ba sasabihin mo bakit mo ko tinatawag?" Tanong ko sa kanya

"Ah saan mo ba gusto kumain kasi di na ko masyadong pamilyar dito sa baguio eh" sambit nya naman

"Ahm sabi nila may resto daw jan" turo ko sa gilid malapit sa kalsada kaya ipinarada nya naman ang kotse

"Saan kaya dito?" Tanong nya naman

"Ate jas" tawag ko sa kanya

"Oh bakit?" Tanong nya sabay lingon sakin

"Ayun ata oh!" Turo ko sa may kanto

"Bakit masyado naman tago" sambit nya

"Noon daw kasi dito nagtatago yung mga tao kapag ayaw magbayad sa inuutangan nila, marami kasing tao jan dati kaya jan sila nagtatago para di sila makita nung inuutangan nila" sagot ko sa kanya na ikinatingin nya sakin

"Seryoso ka jan lil sis?" Nagtataka nyang tanong sakin

"Hindi" sagot ko lang kaya naman kinurot nya yung pisngi ko

"Pero seryoso talaga?" Paninigurado nya pa

"Charot lang yon te 😂😂" sambit ko haabang tumatawa kaya hinabol nya ko sa loob ng resto kaya nagtinginan yung mga tao samin na ikinatawa nalang namin sabay upo sa isang bakanteng table sa dulo pero syempre sa upuan kami umupo hehe charot lang haha

End of chapter 13

I'm Just His Second Choice {COMPLETED}Where stories live. Discover now