Chapter 10

10 2 0
                                    

*1 month pass*

Azyra Pov's

Ito na yung araw na pinakahihintay ko, yung araw na sana kapag alis ko makalimutan ko na sya at tuluyan nang maging masaya ng walang inaalala at sana maging masaya na sya kasi yun lang din naman ang hiling ko sa panginoon na sana kapag wala na ko sa tabi nya eh sumaya parin sya, kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko ng pumasok si mom at naupo sa gilid ng kama ko

"Azy anak ok ka lang ba?" Tanong nya sakin

"Oo naman po" sagot ko at hinawakan naman nya yung dalawa kong kamay kaya napahinto ako sa ginagawa ko

"Anak tandaan mo kapag may nangyari tawagan mo kaagad kami ng daddy mo ha" sambit nya habang hawak ang kamay ko

"Oo naman po, wag kayong mag-alala ni dad sakin mom kasi magiging ok naman po ako eh" sagot ko naman at sinandal ang ulo ko sa balikat nya

"Basta kapag may problema ka tawag ka lang at pupuntahan ka namin ng dad mo" bilin nya pa sakin

"Opo mom i will do that" sagot ko at nginitian sya

"Dalaga ka na anak kaya alam ko kakayanin mo nang mag-isa" sambit nya at hinawakan ang pisngi ko

"Oo naman po" sagot ko naman at nagpaalam si mom na lalabas lang sya sandali kaya naman pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko ay nag ayos nadin ako ng sarili para mamaya ay aalis nalang ako

------------

Natapos ko na lahat ng dapat ayusin at tapos nadin ako mag ayos sa sarili ko kaya naman bumaba na ko, pinautos naman ni mom sa driver namin na kunin yung maleta ko sa kwarto

"Ready ka na?" Tanong sakin ni mom

"Opo mom" sagot ko naman

"Hayystt mag-iingat ka dun nak ha" bilin naman ni dad at napa-buntong hininga

"Opo dad, dont worry i'll be fine" sagot ko

"Ma'am nasa kotse na po yung mga gamit ni ma'am azy" sambit nung driver namin

"Ah sige na anak mag iingat ka dun saka pasensya ka na ha hindi ka namin maihahatid ng daddy mo eh" paumanhin ni mom at kaya hindi nila ako mahahatid kasi may meeting sila ngayon eh

"Ok lang po, naiintindihan ko naman po kasi importante din naman po yung meeting nyo kaya ok lang na hindi nyo na ko maihatid" paliwanag ko naman at nginitian sila

"Sige nak, bye" sambit ni dad at niyakap naman nila ako kaya tinugon ko naman yon

"Mag iingat po kayo ditong dalawa" sambit ko naman

"Ikaw din mag ingat ka dun" bilin pa ni mom

"Sige po alis na ko" sambit ko at sumakay na ko sa kotse

"Bye" paalam nila at nginitian ako, kumaway naman ako para magpaalam bago umandar yung kotse

------------

Medyo malayo na kami sa bahay ng tumulo yung luha ko kaya naman napatingin si manong sakin

"Ma'am alam ko pong mamimiss mo sila kahit di mo po sabihin" sambit nya

"Opo sobra kasi sa kanila lang naman po ako kumukuha ng lakas ng loob eh" sagot ko naman

"Nga pala ma'am hindi mo po ba sinabi kay sir zen na aalis ka na?" Tanong nya naman

"Ah hindi na kasi wala naman na pong mangyayari kung sasabihin ko pa po diba at saka alam naman po nating lahat na may pamilya na sya kaya sana maging masaya na sya" paliwanag ko naman

"Alam ko po ma'am sobrang sakit nung ginawa nyo kasi po mahal nyo yung tao tapos pinaubaya mo para sa iba" sambit ni manong kaya naman lalong nagsidaluyan yung mga luha ko

"Ito po tissue ma'am" abot nya sakin ng tissue kaya kinuha ko ito

"Sorry po ma'am ah kasi ni-remind ko pa sa inyo" paumanhin nya

"Ok lang po, totoo naman po kasi" sagot ko naman

"Sana po ma'am makalimutan nyo na po sya sa pag-alis nyo at sana po maging matatag ka na sa pag balik mo" cheer up nya sakin kaya ngumiti naman ako ng konti

"Sana nga po" sambit ko at tumingin nalang sa bintana at sinandal ko ang ulo ko don saka pinikit ang mga mata ko

-------------

End of chapter 10

-See you sa next update guys, thanks again and hope you like it

*Azyra

I'm Just His Second Choice {COMPLETED}Where stories live. Discover now