Chapter 4

14 2 0
                                    

Azyra Pov's

Ilang linggo na din ang nagdaan pero di parin kami nagkikita ulit at sa lalim ng iniisip ko ay nawala na ko sa reyalidad kaya nagulat ako ng biglang may magsalita sa gilid ko na ikinalingon ko

"Lumilipad nanaman yang utak mo noh?" Tanong nung nagsalita kaya napalingon ako at nakita kong si boss pala na dahilan ng pagtayo ko

"Ah sir ikaw pala, pasensya na po ah kung wala nanaman ako sa wisyo ko" sagot ko sa kanya

"Azy sumunod ka sakin sa office" utos nito kaya agad naman akong sumunod sa kanya na ikinataka ng mga katrabaho ko

"Azy ano ba nangyayari sayo ha?, Bakit lagi kang tulala?" Sunod-sunod na tanong nito ng makapasok kami sa office nya

"Ah kasi po sir may mga iniisip lang po ako" nahihiyang sagot ko

"Sige tell me kung ano yang mga iniisip mo" sambit naman nya

"Ah hindi naman po importante yun sir kaya hindi nyo naman po kailangan na malaman pa" sagot ko naman sa kanya

"Talaga lang ba azy?, O baka naman tungkol nanaman yan kay zenry?" Tanong nya sakin

"Wala naman po yung iniisip ko at saka hindi po yun about sa kanya" sambit ko naman

"Azy tell me are you really sure na hindi ka nya niloloko ha?" tanong naman nya

"Ano bang pakialam mo dun ha at saka kailan ka pa naging concern sakin ha?" Sunod-sunod na tanong ko at kaya naman ganyan ko sya sagutin dahil sya lang naman yung unang lalaking sumira sa tiwala ko

"Bakit ganyan mo ko sagutin ha?" Tanong nya pa

"Bakit may problema ka ba?" Inis kong tanong

"Look azy niloloko ka lang nun ok kaya wag kang magpapaloko dun" sambit nya naman

"Bakit ikaw hindi ka ba manloloko at saka magkaiba kayo ni zen kasi sya yung taong nagparamdam sakin na espesyal ako, saka pwede ba wag mo nga syang siraan" pamamarangka ko sa kanya

"Hindi ko sya sinisiraan, gusto ko lang sabihin sayo yung totoo" sambit nito

"Teka nga lang bakit ba gusto mong ginugulo yung buhay ko ha" inis ko pang sambit sa kanya

"Hindi kita ginugulo ok, gusto ko lang naman na iwasan mo na sya dahil ayokong masaktan ka" pagpapaliwanag nya

"Teka kailan ka pa naging concern sakin?" Tanong ko naman

"Simula nung iniwan mo ko" sambit nya

"Kung sana minahal mo ko noon ng walang halong pambobola at panloloko edi sana tayo parin hanggang ngayon" sambit ko at sabay labas ng office nya

--------------

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit hindi ko parin nakikita o nakakausap man lang si zen, nag-aalala na ko sa kanya kasi wala man lang paramdam at ilang linggo na din na wala sya dito, ano na kayang nangyari sa kanya? Ano na kayang ginagawa nya? Sana naman ok lang sya

"Azy pakibigay naman to kay sir" sambit ng isa sa empleyado

"Ah pwede ba ikaw nalang, ayoko syang makita" sambit ko kaya naman nagtaka sya

"Ha bakit naman?" Tanong nya pa

"Wala, basta ikaw nalang magbigay nyan" sagot ko kaya naman umalis na sya

---

"Azy pakilagay naman nito sa office oh" sambit pa nung isa

"Ikaw nalang, kaya mo na yan" sagot ko

---

"Hey azy paki-report naman nitong papers kay sir" sambit ng isa pang empleyado

"Ikaw na" tipid kong sagot

---

"Az---" hindi pa nya natutuloy ang sasabihin nya ng magsalita na ako

"Ano ba naman kayo, pwede ba kayo nalang gumawa ng mga bagay na yan kasi nakakapagod na ah at paulit-ulit nalang ah sobrang pagod na ko sa totoo lang!" Sigaw ko kaya nagsitahimik silang lahat

"Azy calm down ok, wag mong dalhin dito yang problema mo at kung mainit yang ulo mo ay wag mong dalhin sa trabaho ok!" Sigaw ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako dun

" Ano bang pakialam mo ha!" Sigaw ko din pabalik sa kanya

"May pakialam ako kasi empleyado kita" sagot nito sakin

"Tsk yun lang naman pala pero wala kang karapatang makialam sa pinagdadaanan ko" sambit ko sa kanya

"I know pero wag mo namang dalhin dito yang init ng ulo mo" sambit nya naman

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko at lumabas ng building na yun para magpahangin

End of chapter 4

I'm Just His Second Choice {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon