Chapter 14

6 2 0
                                    

*Day's pass*

Azyra Pov's

Today aalis na si ate jas kasi babalik na sya sa states pero symepre marami naman kaming napag bondingan na dalawa at kung saan-saan pa kami nagpupunta para maglibang at ayun na nga aalis na sya kaya naman pumasok ako sa room nya at nakita ko syang nagliligpit ng gamit nya

"Ate" tawag ko sa kanya na ikinalingon nya

"Hmm?" Sagot nya lang

"Hindi ka ba muna pupunta kila dad and mom bago ka umalis?" Tanong ko naman sa kanya

"Hindi na baka ma-late pa ko sa flight ko eh, tatawag nalang ako sa kanila kapag nandun na ko" sambit nya naman kaya tinanguan ko sya

"Ok sige, ingat ka nalang ate sa byahe mo" sambit ko pa

"Ikaw din ingat ka dito ha saka sa pag-alis mo ingat ka rin" bilin nya naman sakin

"Yeah, sige na ate baka ma-late ka pa oh" sambit ko kaya hinatid ko na sya sa labas ng mansion at niyakap pa sya bago sya pumasok sa loob ng kotse

"Paalam po at mag-iingat po kayo senyorita jasslyn" sabay-sabay na sambit ng mga maids kaya nginitian nya ang mga ito bago umandar yung kotse at ako naman ay kumaway habang papaalis na sya

"Manang yolly" tawag ko sa kanya

"Bakit po senyorita?" Tanong nya naman

"Uuwi ako bukas kila dad, pwede ba na paki-impake naman ng mga gamit ko" utos ko naman sa kanya

"Ah senyorita, lahat na po ba ng gamit mo impake ko na po?" Tanong pa nya

"Opo manang kasi dun na ko mag-stay sa bahay bago ako umalis kasi nandun yung iba ko pang gamit eh" sagot ko naman sa kanya kaya tumango naman sya

"Sige po senyorita" sambit nya pa bago umalis kaya naman naiwan ako dito sa living room namin

-------------

Habang nanonood ako ng k-drama eh biglang lumapit si vinnie sakin na ikinataka ko naman

"Bakit vinnie?" Taka kong tanong sa kanya

"Itatanong ko lang po sana kung anong gusto nyong kainin for dinner" sambit nya

"Kahit ano nalang, ikaw na bahala kung anong nandyan na pagkain" sagot ko sa kanya

"Ah sige po senyorita" sambit nya at aalis na sana sya ng magsalita ako

"Vinnie nanonood ka ba ng k-drama?" Tanong ko sa kanya

"Ah minsan lang po senyorita, bakit po?" Tanong nya naman

"Ah wala kasi nakakatamad manood kapag mag-isa lang eh" sambit ko naman

"Ah ganun po ba, bakit nyo po natanong?" Sambit nya pa

"Samahan mo sana ako manood eh" aya ko sa kanya

"Ahh senyorita hindi po kasi pwede yon" sambit nya na ikinataka ko

"Bakit naman?" Tanong ko

"Kasi po may patakaran po kaming mga maids simula pa noong buhay pa ang grandparents nyo, bawal daw po kaming makihalubilo sa inyo" paliwanag nya naman

"Aisshh ang tagal na non ah saka wala naman na sila lolo at lola eh, saka bakit naman daw?" Sambit ko naman

"Kasi po maids lang kami at kayo ay mga amo namin" sagot nya naman

"Ang higpit naman pala nila lola noon lalo na siguro kung buhay pa sila hanggang ngayon" sambit ko naman

"Kaya pasensya na po senyorita pero hindi po pwede" paumanhin nya naman

"Ok lang, sige na pakihanda nalang yung dinner" utos ko sa kanya kaya umalis na sya, hayyssttt ganun pala patakaran nila lola dito sa mansion at hanggang ngayon nasususnod parin pala yun kahit wala na sila so it means masunurin talaga yung mga tauhan nila, ang sarap naman pala sa feeling na yung mga taong nakasama mo noon eh sinusunod ka parin kahit wala ka na, im happy for the both of them kasi kahit na nasa heaven na sila eh siniguro parin nila na maayos yung mga maiiwan nila and thanks to them kasi ganun sila lola at lolo

End of chapter 14

A/N: this will be continue next time if i have time to but i hope you still support me 😊😊, byeeeeee

I'm Just His Second Choice {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon