CHAPTER 4

90 8 4
                                    

Pagdating sa hardin, nakita ko doon ang ilan ring mga pasiyente ng hospital na nakupo sa kanya-kanyang wheelchair kasama ang kani-kanilang nurse, ang iba naman ay naka-upo sa bench na malamit sa mga halaman.

Nakita ko ang bakanteng upuan at doon ako naupo habang hila-hila parin ang stand kung saan doon naka-sabit ang dextrose ko.

“Sa lahat ng pasiyente dito sa hospital. Ikaw lang ang naiiba ng kasuotan. Ikaw lang kasi ang naka-dress ng kulay dilaw.” napalingon ako sa lalakeng nagsalita, ang lalakeng estranghero na wala yata ibang nagawa kundi ang istorbohin ako. Nakangisi s'yang umupo sa kabilang side ng bench na inuupan ko.

“Sinabi ko bang maupo ka d'yan?” sarcastic na tanong ko.

“Bakit? saan mo ba ko gustong paupuin? sa mismong tabi mo?” nakangising saad n'ya.

“Mukha ba akong nakikipagbiruan sa'yo?” inis na saad ko, napalakas sa yata ang boses ko dahilan upang pagtinginan ako ng mga nurse at pasinyente. Nakangisi naman ang lalakeng estranghero na kumaway sa mga ito.

“Pwede ba, lumayo-layo ka nga sa'kin. Lalo mong sinisira ang araw ko eh.” inis na pagkakasabi ko.“Ngayon, kung ayaw kong umalis at lubayan ako. Ako nalang ang aalis.” dagdag ko pa at akmang tatayo na ng hawakan n'ya ako sa kamay, kaya agad akong napatingin sa kanya.

“Wag mo sanang masamain 'yung pangungulit ko sa'yo. Gusto ko lang naman may makausap, gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo.” malumanay na saad n'ya, saka n'ya inalis ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak n'ya sa kamay ko.

“B-Bakit, wala ka bang ibang kaibigan? o pamilya? sila ang kausapin mo, bakit ako ang kinukulit mo?” sarcastic na saad ko.

“Alam kong may pinagdaraan ka dahil sa sakit mo, pero wag mo sanang tuluyang ilugmok 'yung sarili mo sa kalungkutan.” mahinahon na pagkakasabi niya, saka s'ya tumayo upang magpantay kaming dalawa. Pero mas matangkad parin naman s'ya ng di-hamak sa'kin.

“Ano bang pakialam mo sa buhay ko?” inis na tanong ko.

“Siguro nga wala akong pakialam sa buhay mo, pero hindi ko gustong nakikita kang nagkakaganyan. Nasaksihan ko kung paano mo ipagtabuyan ang kabigan mo, dahil nakita ko 'yun mula sa siwang ng silid mo. Nasaksihan ko rin kung paano mo iwalang bahala ang pag-aalala sa'yo ng pamilya mo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dahil sa sakit mo, maging sila.” mahinahon na saad niya. At tila tumagos sa dibdib ko ang bawat salitang binibitawan n'ya, dahilan upang tumulo ang luha ko.“Mali na iwalang bahala mo ang mga taong nagmamalasakit sa'yo dahil lang sa may pinagdaraanan ka. Dahil sila, handa ka nilang----”

“Tumigil ka na.” mariing pagkakasabi ko.

“...handa ka nilang damayan. Mahal ka nila, at wala silang ibang ginusto kundi ang gumaling ka.” pagpapatuloy n'ya.

“I said stop! ok? that's enough!” muling saad ko.“Tigilan mo na ang pakikialam sa buhay ko. Hindi mo 'ko kilala, at mas lalong hindi kita kilala!” dagdag ko pa at agad na akong nagwalk-out habang tuloy sa pag agos ang luha ko.

ANASTASIA POV:

“Excuse me, nasaan 'yung pasiyente sa room na 'to?” mahinahong tanong ko sa nurse na nakita ko paglabas ko ng silid ni Sunshine.

“Ah nasa hardin po.” sagot n'ya.

“O-Ok, salamat.” sagot ko, at agad narin ako nagtungo doon. Nasa lobby na ako ng hospital nang magkasalubong kami ni Sunshine. Nakabusangot s'ya, at halatang badtrip.

“Hi.” nakangising bati ko sa kanya, ngunit tinignan lang n'ya ako ng seryoso.“Alalayan na kita.” mahinahong pagkakasabi ko at akmang hahawakan s'ya ngunit agad n'yang iniwas ang sarili n'ya sa'kin.

“Kaya ko ang sarili ko.” seryosong saad ni Sunshine, at agad ng nag-umpisang humakbang.

Ngunit hindi pa man s'ya nakaka-dalawang hakbang ay kaagad s'yang nanghina, mabuti nalamang at nahawakan ko s'ya.

“Susnhine!” sambit ko ng may pagaalala.“Sunshine ayos ka lang?!” pag aalalang tanong ko.

Agad naman akong sinaklolohan ng lalakeng nurse at kaagad na binuhat si Sunshine saka sinakay sa stretcher, pagkatapos ay dinala sa kanyang silid.

At ayon sa doctor, mas bumilis ang pagbagsak ng immune system ni Sunshine.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now