CHAPTER 1

96 8 0
                                    

THREE WEEKS LATER....

<Felicia Medical Center>

SUNSHINE POV:

Mas lalo pa ngang gumuho ang mundo ko ng sabihin mismo ng doctor na acute na ang sakit kong Leukemia, hindi na 'to magagamot pa. And the saddest part is, I only have 90days left. Pero kahit ganon, mas pinili parin ni Mommy na i-comfined ako dito sa hospital dahil naniniwala sila sa milagro, naniniwala sila na gagaling pa ako.

“Hi sissy, gising kana pala. Ito oh, dinalhan kita ng paborito mong prutas.” masayang saad ni Anastasia ng bisitahin n'ya ako dito sa silid kong saan ako naka-comfined.

“Pwede ba alisin mo 'yan sa harapan ko?” seryosong pagkakasabi ko matapos na ipatong ni Anastasia ang fruit basket sa harapan ko habang nakasandal ako sa headboard ng hospital bed.

“Pero Sunshine, kailangan mong magpa----”

“Sinabi na ngang alisin mo sa harapan ko diba?!” sigaw ko sakanya sabay hagis ng fruit basket at agad 'tong nagkalat sa sahig.“Umalis kana! get out of my sight! get out!!” naiinis na sigaw ko habang nakaturo ako sa pintuan at masama ang tingin kay Anastasia.

Hindi na kumibo pa si Anastasia at kaagad ng pinulot ang mga prutas sa sahig saka s'ya lumabas ng silid. Paglabas n'ya ay napapikit nalang ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.

[FLASHBACK]

“Hey sissy, I bought something for you.” nakangising saad ni Anastasia ng puntahan n'ya ako dito sa bahay.

“Kunti nalang talaga iisipin kong may prutasan na kayo sa likod ng bahay n'yo. Lagi kang may dalang prutas eh.” natatawang biro ko.

“Pwede naman, pero kailangan muna bungkalin 'yung simento at tanggalin 'yung swimming pool.” natatawang sagot din ni Anastasia.

“Eh ano ba kasi 'tong mga dala mo?” pagtataka ko sabay kalkal sa dala n'yang fruit basket.

“Mangga, Bayabas your favorite, Dalandan, Lansones, Orange at siyempre ang walang katapusan na Siniguelas.” nakangising saad ni Anastasia.

“Alam na alam talaga ang paborito ko.” nakangising saad ko at agad kong inuna kunin ang bayabas na maniba na.

“Pero may kapalit 'yan.” saad n'ya kaya natigilan ako sa balak kong pagkagat sa pisngi ng bayabas.

“A-Ano?” pagtataka ko.

“Libre mo 'ko Starbucks.” pabebe n'yang pagkakasabi.

“Anastasia...”

“Sige na please. Promise bukas mas marami pang prutas dadalhin ko.” saad ni Anastasia.

“May boyfriend ka sigurong farmer.” nakangising biro ko.

“Wala, binibili ko lang talaga 'yan para sa'yo kasi alam kong 'yan lang ang happiness mo.” saad ni Anastasia.

“Binibili mo kasi may kapalit?” saracastic na tanong ko.

“Sige na wag na lang.” pagtatampo n'ya.

“Joke lang, sige na. Lilibre na kita.” nakangising saad n'ya.

“Talaga? OMG Thank you sissy!” sobrang sayang reaction ni Anastasia sabay yakap sa'kin.

[END OF FLASHBACK]

——

ANASTASIA POV:

“Oh! iha, aalis kana agad? saka bakit dala-dala mo 'yang fruit basket? akala ko ba ibibigay mo 'yan kay Cinzia?” mahinahong tanong ni Tita Raquel, ang mommy ni Sunshine.

“A-Ah, hindi po kasi yata nagustuhan ni Sunshine 'yung pasalubong ko sakanya.” malungkot kong pagkakasabi.

“Bakit naman? hindi ba't paborito n'ya 'yan?” labis na pagtataka ni Tita Raquel.“Saka, umiyak ka ba iha?” may pag aalalang tanong n'ya sa'kin.

“P-Po? H-Hindi po ako umiyak, napuwing lang po ako kanina.” pagsisinungaling ko.“Sige po Tita Raquel, Tita Marife, mauna na po ako. Baka po kasi hinahanap na ako ni Mommy. Bibisita nalang po ako ulit mamaya.” pagpapaalam ko,  saka ako bumeso sa kanilang dalawa.Pagkatapos ay agad narin akong umalis bitbit ang fruit basket.

Labis akong nalulungkot sa sitwasyon ngayon ni Sunshine, sobrang dami n'ya pang pangarap sa buhay. Tapos isang iglap, maglalaho nalang ang lahat ng iyon dahil sa sakit n'ya. Namimiss ko na 'yung dating s'ya, yung dating Sunshine na wala ibang ginawa kundi ang tumawa, yung Sunshine masayahin.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now